I would like to thank everyone for being with me until the end of this story. Thank you for inspiring me every time I write. Thank you, especially jonaxx, our queen! Thanks for inspiring me. And my first wattpad love, NerdyIrel. Thank you so much Ate Irel. You know how much I love you!
--
Kasalukuyan kaming naglilibot nina Mama sa pinuntahan naming resort sa Carenas. 10 years old pa lang ako ngayon at sobrang enjoy ko ang magagandang tanawin lalo na ang dagat.
Tumingin ako sa paligid at nahagip ng mata ko ang isang batang babae na naglalaro sa buhanginan. May kasama siyang lalaking kamukha niya at halatang mas bata sa kanya.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa babaeng iyon. Sa mga sumunod na araw namin sa resort na iyon ay lagi ko siyang hinahanap. Pinagdarasal ko na sana ay huwag na kaming umalis dito sa Carenas.
"Sena, hija! Kumain ka na muna dito!" Tawag sa kanya ng isang mukhang may edad ng babae na kamukha niya. Siguro ay ito ang ina niya.
"Ma, I'm not hungry!" Makulit na sabi nung batang babae.
"Hija!" Suway nung nanay niya kaya sumunod na lang siya at lumapit doon.
Nung umalis kami sa Carenas ay laking pagkadismaya ko. Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong makausap ang babaeng iyon.
Ilang gabi at araw na ang lumipas at hindi pa din naalis sa isip ko ang babaeng iyon. Para bang nababaliw na ako kakaisip sa kanya. Gusto kong lagi siyang nakikita.
Siguro nga may crush na ako sa babaeng iyon. Kaso, ang bata ko pa nung mga panahong iyon. Pinilit ko sa sarili ko na nagagandahan lang ako sa kanya para hindi ko na maisip itong kakaiba kong naramdaman.
Sa bawat araw natin sa mundo, hindi natin alam kung ilang tao na ang nakakasalimuha natin. Hindi natin alam kung kailan natin unang nakita ang isang tao o kung 'yun ba talaga ang una nating pagtagpo sa isang tao.
Hindi ko man lang lubos na maisip na ang babaeng nakita ko sa beach na iyon na bumagabag sa akin araw araw ay ang babaeng papakasalan ko ngayon.
Sa mga oras na iyon ay nagsasayaw at nagco-commercial model na ako. Madami na akong exposure sa industriya ng show business. Nung 13 years old na ako, pinasok na ako ng manager ko sa acting. Sinali na ako sa boy group. Ang boy group na ito ang nagsilbing daan upang lalo pa akong makilala ng lahat. Nagtuloy-tuloy ang mga guestings namin sa mga shows.
Hanggang sa isang araw, binalita sa amin ng manager namin na pupunta kami ng Carenas at magkakaroon doon ng mallshow.
Nung narinig ko pa lang ang Carenas ay naalala ko na agad ang babaeng nakita ko sa resort. Base sa pagkakaalala ko ay Sena ang pangalan niya.
Kaya naman pinilit ko na kina Edward ako makasabay dahil balita ko mayroon daw kaming fan na Sena ang pangalan na nakasama pa nga nila Edward. Bumaba ako sa gilid ng mall noon para doon ko na lang tatagpuin sina Edward dahil madilim doon at walang tao.
Habang kausap ko si Ed sa telepono ay nagulat ako ng biglang may tumabi sa aking babaeng umiiyak. Napatitig ako sa kanya dahil pamilyar ang kanyang itsura.
"M-miss, okay ka lang?" Nanginginig kong tanong dahil pakiramdam ko ay ito na ang Sena na hinahanap ko.
"OO! Okay lang ako! Okay lang ako, kahit umasa ako! Okay lang ako, kahit di man lang ako nakalapit sa kanya! Okay lang ako, kahit ang sakit sakit."" Nagulat ako noong bigla siyang umiyak. Gusto ko siyang yakapin at patahanin, pero hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Dapat naman tanggap ko na impossible talaga eh! Artista siya, fangirl lang ako! Ano ba namang panlaban ko eh Sena lang ako, tapos Brace Arquiza siya? Ang unfair, unfair." Parang kumirot ang puso ko sa narinig ko.
BINABASA MO ANG
I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)
Teen FictionSena Christine Piege, a simple girl. Oh, not just a girl, a fangirl. A girl with a lot of dreams in her thoughts, completing those dreams with her idol, Brace Henry Arquiza, a famous dimple guy dancer who's included in the boy group--Gimme Five. All...