19th Delusion ♡ Pneumonia

631 10 2
                                    

Sa ilang linggong nakalipas, hindi ko maipagkakaila ang pagkakailang ko kay Brace. Hindi na din ako masyado nagd-dm sa kanya. Pero kahit ganon, hindi naman nawawala o nababawasan ang nararamdaman ko para sa kanya. Siguro nahihiya lang talaga ako sa kanya.

Two weeks ago, nagsimula ang klase at ngayon ay hindi pa din kami nag-uusap ni Dieter. Magka-klase pa din kami pero dalawang buwan na kaming hindi naguusap. Aaminin kong sobrang miss na miss ko na siya. I want him closer again.

"Sena, spacing out!" Pumalakpak si Ysa sa harap ko.

"Oy!" Nagulat ako sa pagpalakpak niya kaya napaupo ako ng ayos.

"Miss mo na?" Biro niya ng napansing nakatingin ako kay Dieter.

"Oo naman." Alam kong nonsense kapag tinanggi ko dahil alam kong ramdam nilang miss ko na si Dieter.

"Approach him." Suggest niya.

"I'm going to approach him, of course, soon." Matagal ko ng pinlano na lapitan siya't hindi ko alam kung paano.

"Bilis-bilisan mo. Baka mamaya hindi mo alam wala na pala 'yang feelings sa'yo." Naramdaman ko ang kirot sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. I'm afraid it might happen. I like him.

Kaya naman pagkauwi na pagkauwi ko'y nag-message agad ako sa kanya sa messenger.

Sena: Hey.

Halos mahimatay na ako nung sineen niya at nag-reply agad siya.

Dieter: Hey.

Dieter: Kamusta?

Sena: Okay lang naman. Wala pa masyadong school works eh, 'no?

Sena: Hbu?

Dieter: Okay lang din.

Dieter: But, I miss you.

Doon ko lang narealize, nothing changed. Maaaring naputol ng dalawang buwan ang communication namin but the feelings are still the same. It's still him.

Nakaramdam ako ng kirot ulit sa dibdib ko. Ilang araw na 'tong nananakit. Sa katunayan, ilang linggo na din akong inuubo. Siguro kaya lang nananakit ang dibdib ko dahil sa ubo ko. Malimit din akong nanginginig at napansin ng marami ang malimit kong pagbilis ng paghinga. Hindi ko pa din iniinda ang sakit ng dibdib ko hanggang ngayon, possibleng dahil lang talaga ito sa ubo ko.

Ilang buwan na ang nakalipas, hindi ko talaga matiis si Brace. Nagd-dm na ulit ako sa kanya kahit hindi siya nagre-reply. Sanay na naman ako doon.

Halos tatlong buwan na yata ang nakalipas at bumalik na kami sa dati ni Dieter. 'Yung parang kami ulit. Minsan, magkasama kami 'pag dismissal. Madalas niya pa akong hinahatid sa service bago pumunta sa training niya.

Kakatapos lang namin mag-PE at ramdam ko ang kakaibang pagod na naramdaman ko. Lunch na namin ngayon kaya kinuha ko muna ang wallet ko sa bag ko.

"Tara na, Sena!" Nilapitan ako ni Janine para pumunta na kami sa cafeteria.

Hindi na ako nagsalita at tumayo na lang para pumunta na sa kanila. Nanghihina akong naglakad kasabay sila.

"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Ysa na tinanguan ko na lang.

Hindi na nila ako masyado pinagsalita dahil siguro alam nila na masama na ang pakiramdam ko. Nanghihina na ako.

"Hinihika ka na yata, Sena!" Nagpapanic na sabi ni Michelle.

"No, I'm okay." Nginitian ko lang sila.

"Mag-clinic ka na kaya?" Nagalalalang sabi ni Ysa.

"I'm fine." Natatawa ko pang sabi sa kanila kahit nanghihina talaga ako.

"Fine? Look, ni hindi mo pa din nagagalaw ang pagkain mo." Iling ni Janine. Nakaramdam ako ng kakaibang hilo. Naramdaman ko din ang panlalamig ng paa ko at pamumutla ng labi ko.

"Shit, mag-clinic ka na talaga." Napapikit ako habang sinasabi 'yan ni Ysa.

"CR lang ako." Tumayo ako't dumiretso sa CR. Naramdaman kong nakasunod sila sa akin. Bago pa ako tuluyang makapasok sa CR ay hinarangan ako ni Dieter.

"Ayos ka lang?" Nagaalala niyang tanong.

Hindi ko na sinagot at pumasok na ako sa CR at tuloy tuloy na napasuka. Kasunod ko lang ang barkada ko at 'saka si Dieter. Ramdam ko ang pagkagulat ng iilang babaeng nadoon din sa loob ng CR ng nakita nila si Dieter sa loob. Napailing na lang siya't lumabas muna dahil inassure na din siya nina Ysa na sila na ang bahala sa akin. Nasa loob pa din ako ng cubicle at hindi mapigilan ang hilong nararamdaman.

Lumabas na ako ng cubicle at nagmumog. Inabutan naman ako ni Janine ng tubig. Inunom ko ito habang hinahabol pa din ang hininga.

"Anong nangyari sa'yo?" Nagaalalang tanong ni Michelle. Pinagkibit balikat ko lang ito't nginitian sila.

"I'm okay. Thank you." Nanghihina kong sabi sa kanila. Lumabas na kami ng CR at agad naman akong nakatanggap ng yakap mula kay Dieter.

"What happened? Ang init mo." Tanong niya't hinawakan ako sa braso pagkaalis niya sa yakap.

"Nahilo lang ako. I'm okay now." Ngumiti pa ako sa kanya pero bumaling lang siya kina Michelle.

"Ako na bahala sa kanya. Ihahatid ko na muna sa clinic." Hinawakan niya ang kamay ko at hindi na ako nakaangal ng tumango sina Ysa at dinala na ako ni Dieter papuntang clinic.

Pagkadating ko sa clinic ay agad kaming sinalubong ng nurse.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ng nurse at pinaupo ako sa isang mono-block.

"Kanina pa po yata siya nahihilo at nagsuka pa." Si Dieter na ang nagsalita't tumango lang ang nurse. Inabutan niya ako ng thermometer at nilagay ko naman ito sa kilikili ko. Ramdam ko ang pagaalala sa mukha ni Dieter.

"39.41." Ani ng nurse. Napabuntong hininga naman si Dieter at umiling.

"You should go home." Umiling ako sa sinabi ng nurse. Akmang tataliwas pa ako sa sinabi niya pero nagsalita na si Dieter.

"I'll fix your things. Ihahatid ko na lang dito. Take a rest for now." Aniya't iniwan na ako dito.

Nagising akong nakita ko na si Mommy. Sinundo niya na ako para makapagpa-check up. Umalis na agad kami ng clinic at pumunta sa principal saka umalis na ng tuluyan sa school. Dumiretso kami sa hospital para magpa-check up. Good thing konti lang ang tao dahil na din siguro may pasok kaya wala pang isang oras ay tinawag na agad kami para sa check-up.

"Based on the symptoms, may ilang lung problems pumasok sa isip ko. Ang possible ay ang pneumonia especially, mayroon pala siyang asthma at kakagaling lang niya sa flu. For assurance, she can take tests. It's better if she'll have lung x-ray, lab test, and urine test. Hanggang 7pm pa naman ako dito. It's already 2pm, better if you'll take tests now para makaabot kayo mamaya." Tinanguan namin ang doctor at nagbayad na saka dumiretso sa laboratory room para sa mga ilang tests na ite-take ko.

Halos 6:30 pm na ng nakumpleto namin ang results ng mga in-examine sa akin. Dumiretso agad kami sa doctor ko para makaabot pa ako. Ilang segundo din niyang tinitigan ang results at chineck ng mabuti.

"Here are some early antibiotic treatments for pneumonia. Good thing this is just a bacterial pneumonia, we can treat it by taking medications especially antibiotics. I advice bed rest for one to two weeks." Nalaglag ang panga ko realizing na mayroon nga akong pneumonia.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon