34th Delusion ♡ Eyes

395 9 0
                                    

Buong summer ay wala akong ibang inatupag kundi ang lumibot sa buong Maynila dahil sa mga mallshow ng Gimme 5. Halos linggo linggo ay mayroon silang mall show. Hindi ko alam kung paano ako biglang pinayagang muli ng mga magulang ko. They even allowed me to live in Maynila. Dito na din kasi ako mag-aaral for Senior High School. Pasado naman ako sa isa sa mga napakagandang unibersidad dito sa Maynila kaya hindi na ako masyado namo-mroblema.

Binilhan na din ako ng condo ni Daddy nung isang buwan. Hinanda na nila ako sa pagiging independent. Hindi lahat ng mall shows ng Gimme 5 ay mayroon kaming meet-up kay Brace. Pero, worth it naman lahat. Katulad noon, lagi nila akong pinapapasok sa backstage. Pagkatapos ng mall show ay agad niya akong tatawagan o ite-text kung nasaan na ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito. Natatakot pa din akong umasa. Hindi ko alam kung ano na ba talagang meron sa amin ni Brace. Pero ang alam ko, fan niya pa din ako at siya pa din ang idol ko. Natatakot akong gustong gusto ko na siyang makasama. At gagawin ko ang lahat para lang makasama siya.

"Ate Sena, sunod na daw si Kuya Brace." Bulong sa akin ni Sacha.

Nandito kami sa isang recital. Guest si Brace kaya nandito din ako. Katabi ko si Sacha sa crowd. Nasa unahan kaming dalawa. Hindi naman kami makapasok sa backstage dahil masyadong strikto.

Umayos ako ng tayo at hinanda na ang banner ko. Pagkalabas ni Brace ay agad akong nagwala. May ilan din  nagwala at nakumpirma kong nandito din sina Louise.

"Cha, bakit nga pala hindi niyo na sinasama sina Louise?" Tanong ko kay Sacha ng nakaramdam ako ng kaonting pagod.

"I don't like her, Ate. From the start, I don't really like her." Normal niyang sagot.

"Pinagtatanggol mo kaya siya noon." Natawa siya sa sinabi ko.

"Papansin kasi, para lang tumigil na. Akala naman niya hindi ko nakikita tweets niyang masasama about sa inyo, tapos ide-delete niya kapag may nag-tweet sa aming magkakapatid. Pasalamat siya hindi na lang namin sinasabi ni Kuya Edward kay Kuya Brace." Nagulat ako sa sinabi ni Sacha. I don't know they knew that!

"Oh, Ate! Cheer mo na ulit si Kuya Brace!! Nakatitig sa'yo oh!" Napatingin naman ako kay Brace ay nakumpirmang nakatitig nga siya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya't chineer ko siya. Lalo siyang ngumisi at palihim ako'y kinindatan. Naramdaman ko ang pag-angat ng init sa aking pisngi.

Matapos ng recital ay niyaya ako ni Sacha at Tita Alma na sumama muna sa kanila. Iintayin na lang daw namin si Brace sa restaurant sa labas ng studio nitong building na ito. Agad naman silang hinatid sa isang private room. Talagang tinatago na nila si Brace ngayon.

Saksi ako sa mga biglang pagsugod ng tao kay Brace kapag nasa public place siya at hindi maiwasan ang hindi magkasugat lalo na kapag mahaharass ang mga fans na lumalapit sa kanya. Nagku-kwentuhan kaming tatlo ng biglang may pumasok. Buong akala ko ay si Brace na kaya laking gulat ko ng si Louise at si Elyza ito. Agad na binati nila si Tita at si Sacha. Tumabi si Louise kay Tita Alma. Katapat ko naman si Tita at katabi ko si Sacha at bakante ang isa kong katabing upuan para kay Brace.

Bigla akong na-out of place kay Tita Alma at Louise. Pansin ko ang pagkairita ni Sacha sa presensya ni Louise.

"Sena!" Ako agad ang napansin ni Brace pagkapasok niya sa room na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Tumayo ako para salubungin siya. Ganoon din si Louise at Elyza. Niyakap niya ako at chineck.

"Nasaktan ka ba sa labas kanina? You're too wild." Natatawa niyang sabi at lumapit kay Tita para mag-bless.

"Brace!" Suway ko sa kanya habang natatawa. Tinawanan niya lang din ako.

"I can't take my eyes off of you dahil masyado kang wild kanina. Baka masaktan ka dun." Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi niya.

"I'm fine, Brace. Sanay na ako sa mga ganoon." Ngumiti ako sa kanya bilang assurance. Umubo si Louise na nagpairap kay Sacha.

"May next projects ba kayo, Brace?" Tanong ni Louise para agawin ang atensyon ni Brace.

"It's always a secret, Louise." Nagpipigil ng tawa si Sacha dahil sa naging sagot ni Brace.

"You're telling me those things before." Naka-ngusong sabi ni Louise.

"That was before, when I still trust you." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Brace. Napayuko naman si Louise dahil sa hiyang naramdaman. Sacha giggled beside me. Tumingin ako sa kanya't ngumisi lang siya na inilingan ko lang.

"So, Sena, I won't allow you tomorrow." Nanliit ang mata ko sa sinabi niya. May mall show kasi sila sa Mega Mall bukas.

"Bakit naman?" Nakataas kilay kong tanong.

"I know you're tired now. You should take a rest. I'll just schedule dinner tomorrow for us." Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi niya.

"B-but of course, with the fam.." Dugtong niya.

"I'll attend the mall show, Brace. Hapon pa naman 'yun. I still have time to take a rest." Ngiti ko sa kanya bago dumating ang mga pagkain at nakatanggap ng irap kay Louise.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon