50th Delusion ♡ Soon

425 10 1
                                    

Last chapter!

--

Dumiretso ako sa Lightzone. Gusto kong malasing ulit. Gusto kong makalimutan ulit ang mundo.

Maisip ko pa lang na lagi silang umuuwi doon sa loob ng isang buwan, parang mamamatay na ako. Minahal ko naman siya ah? Am I not enough? Is my love not enough?

Napamura ako dahil sa naiisip ko at uminom ng isang shot.

"Sena?" Napatingin ako sa dumating.

"Kurt." Bulong ko at umupo naman siya sa tabi ko.

"Nagiinom ka na naman magisa? Nandito ka na naman talaga, ha?" Napapailing niyang sabi.

"Where do broken hearts go?" Tawa ko sa kanya.

"Broken heart? You're already engaged." Nanghihinayang niyang sabi. Napaisip naman ako bigla. If I could only make Kurt change before. If I could only make him feel that I'm better than his ex, kami pa kaya ngayon?

"What if hindi ako engaged? What if wala akong boyfriend?" Wala sa sarili kong tanong. Medyo lasing na din ako at ramdam ko na ang pananakit ng ulo ko. Uminom ako ng isang shot bago pakinggan ang sasabihin niya.

"Really, Sena? Tinatanong mo ako niyan?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Nevermind, baka may girlfriend ka na." Umiling siya sa sinabi ko.

"If Brace is not with you for the past 12 years, matagal na kitang binalikan." Napatingin ako sa kanya at nakitang seryoso siya.

"Cut it, Kurt. Baka may girlfriend ka na." Inaantok kong sabi sa kanya bago uminom ulit.

"After Denise cheated for like three times, hindi na ako nagka-girlfriend ulit. I focused on work." Seryoso niya pa ding sabi.

"What if I still love you, Kurt?" Wala pa din ako sa sarili ko. Hilong hilo na ako at pagod na din ako pero uminom ulit ako ng isa pang shot.

"Damn! Aagawin na talaga kita kay Arquiza." Natawa kaming dalawa dahil sa sagot niya. "Pero, alam kong hindi naman 'yun mangyayari. You're damn smitten with him." Iling niya.

"I wish I wasn't." Naluluha ko na namang sabi.

"LQ na naman kayo?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Hindi pa kami nagkakaayos." Sagot ko.

"In one month? Halos isang buwan na nung huli tayong nagkita, hindi pa din kayo ayos?"

"Unfortunately, lalo pa kaming lumabo." Napapikit kong sagot at uminom.

"Sena!" Nagulat ako ng biglang may tumawag sa akin. Hinanap ko iyon kahit alam kong si Brace ang tumawag sa akin.

"Andiyan na pala. Ayusin niyo na 'yan." Akmang aalis na si Kurt pero pinigilan ko siya.

"Stay here. I don't want to talk to him." Pigil ko sa kanya.

"Sena, don't be stubborn. Ayusin niyo ang problema." Suway niya sa akin. Nakakahiya naman kay Kurt. Mas matured pa siya sa akin.

"I found you!" Proclaim ni Brace at lumapit sa akin.

"Hey!" Reklamo ko ng bigla niya akong hinila. "I'm with someone." Turo ko kay Kurt.

Siguro nga para akong tanga. Kanina lang, iniisip ko kung mapapatawad niya ako. Ngayon naman, umiiwas ako sa kanya.

"You're with him?" Taas kilay niyang tanong.

"No, actually I'll leave now." Sagot ni Kurt at umalis na.

"Kurt!" Pinigilan ko siya pero nagtuloy pa din siya sa pagalis.

"What now, Sena?" Tumingin ako kay Brace at umirap.

"I'll leave, too." Tumayo ako pero dahil medyo lasing na ako ay muntik na akong matumba. Inalalayan niya naman ako.

"Careful." Nagaalala niyang sabi.

"Bitawan mo ako." Inirapan ko siyang muli at binitawan niya na ako agad.

"Sena." Tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin sa halip ay nagpatuloy sa paglalakad. Napatigil ako ng bigla niya akong niyakap sa likod. "I miss you. I miss my girl." Napapikit ako sa sinabi niya. Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang maiyak.

Natutunaw ako sa mga yakap niya. Kasabay ng pagkatunaw ko ang pagkatunaw ng galit ko. Ayaw ko ng ganito. Natiis niya ako ng isang buwan tapos hahayaan ko na lang siya sa isang yakap lang?

Bumitaw siya sa yakap at hinarap ako. "I thought you're not going to give up." Naluluha niyang sabi.

"I am not, Brace. I won't ever give up on you. Pero, masakit eh. Ang sakit naman yata nung makita kayong pumasok sa bahay mo." Hindi ko na napigilan ang mapanlilang na luha. "Ako lang dapat. Ako lang." Kumirot ng kaonti ang dibdib ko.

"Ikaw lang naman, Sena." Niyakap niya akong muli.

"Paano mo ako natiis, Brace? Paano?" Nanghihina kong bulong. He cupped my face and give me a smack.

"Kung alam mo lang, Sena. I'm longing for your hugs and kisses. I'm longing for my girl." Muli niya akong hinalikan. This time, mas matagal at mas malalim.

"B-Brace..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Gusto kong maghiganti dahil sa ginawa niyang pananakit. Gusto kong magalit kasi natiis niya ako. Gusto kong sampalin siya pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa kasi mahal na mahal ko siya.

Sometimes, listening to your heart means losing your mind. And I'm willing to lose my mind for him. I'm willing to lose everything for Brace.

"I love you." Muli niyang sabi na lalong nagpawala sa akin sa pagiisip.

"I love you, too." I think I totally lose my mind.

"Let's stop hurting and let's get married." Halos mapasigaw ako dahil sa sinabi niya.

"Agad?" Gulat kong tanong dahil hindi ko naman inexpect na sasabihin niya iyon sa akin.

"Aren't you willing to be my wife?" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"I am always inclined of loving and marrying you." Ngiti ko sa kanya.

"You'll be Mrs. Arquiza soon, expect that."

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon