Right after their show, Kuya Joshua dragged us outside the mall. Kasama pa din namin si Kuya Edward and there's a big possibility of actually meeting Brace!
Biglang naglabasan ang mga tao. Shit! Papalabas na din sila. Naramdaman ko ang pagvi-vibrate ng cellphone ko. Shit! Tumatawag na si Mommy. I checked my phone. Biglang natigil 'yung tawag. 16 missed calls. Oh shit! Lagot na. Tinext ko si Mommy.
To: Mommy
Nasa labas po ako. Dito niyo na lang po ako puntahan.
Sent!
Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko o mali. Basta kinakabahan ako! Wala pang ilang minuto ay may reply agad akong natanggap.
From: Mommy
Inip na inip na ako, Sena Christine. Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko? Hindi ka na makakaulit. Ako ang puntahan mo dito. Paglalakadin mo pa ako.
Fuck! Lagot. Nag-sorry na lang ako. Lagot na talaga. Dapat magpapaalam na ako kay Kate, Kuya Joshua, iba pang admins, at Kuya Edward nang biglang hinila ako ni Kate kung saan.
"Dito daw natin sila intayin!" Kilig na kilig na sabi ni Kate.
"Ah, eh... Kate." Sasabihin ko na dapat na aalis ako pero bigla niya akong hinawakan sa dalawang balikat at inalog.
"SHIT! Makakasama ko ang idol ko! Shit, Sena!" Masaya ako. Sobra. Pero lagot ako kay Mama. At hindi iyon nakakatuwa.
"Uhm, Kate.. Sena." Panimula ni Kuya Joshua nung makalapit siya sa amin.
"Hindi pala sasabay sina Brace kina Edward." Napakagat si Kuya Joshua sa labi niya nang sabihin niya 'yun sa amin. Nalaglag ang panga naming dalawa ni Kate. Umasa kami. Ibig sabihin lang kasi niyan, hindi namin makikita si Brace. Hindi namin siya makakasama.
"Ah, ayos lang po! Next time na lang." Ngiti ko sa kanila.
"Alis na po ako." Paalam ko sa kanila't lumayo na. Sa gilid ako dumaan. Dun sa madilim. Bumuhos na kasi ang luha ko. For sure, walang makakakita sa akin dito. Madilim naman eh. Lagot na nga ako sa mommy ko, nasaktan pa ako dahil umasa kami.
Ang sakit lang eh! Napaupo ako sa isang bench at nagtuloy-tuloy na umiyak.
"Bumaba ako. Daanan niyo ako dito. Sa inyo ako sasabay." Rinig kong may nagsalita sa gilid ko. Nagulat na lang ako na may katabi ako. Hindi ko napansin na may katabi pala ako dahil madilim. Hindi ko maaninaw ang itsura niya. Hindi ko din naman tinignan dahil umiiyak ako.
Shit Brace! Nakakainis. Nasayang ang araw na ito na wala man lang tayong picture. Hindi mo man lang ako nakilala. Lalo akong naiyak. Pakiramdam ko'y na-distract ko na 'yung katabi ko. May kausap pa naman siya sa telepono.
"M-miss, okay ka lang?" Tanong niya. Biglang kumalabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil isang hindi kilala ang kumakausap sa akin o dahil may something sa kanya. Ewan ko!
"OO! Okay lang ako! Okay lang ako, kahit umasa ako! Okay lang ako, kahit di man lang ako nakalapit sa kanya! Okay lang ako, kahit ang sakit sakit." Hindi ako makasagot. Kakaiba ang tibok ng puso ko. Hindi kumalma.
"Dapat naman tanggap ko na impossible talaga eh! Artista siya, fangirl lang ako! Ano ba namang panlaban ko eh Sena lang ako, tapos Brace Arquiza siya? Ang unfair, unfair." Umiiyak kong sabi. Hindi na lalo ako makatingin sa kausap ko, dahil alam kong mukha na akong tanga ngayon.
"U-uhm, panyo oh. Sana maging okay ka, Miss." Inabutan niya ako ng panyo. Color green pa talaga! Brace's favorite color! Damn it. Lalo akong napahagulhol.
BINABASA MO ANG
I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)
Roman pour AdolescentsSena Christine Piege, a simple girl. Oh, not just a girl, a fangirl. A girl with a lot of dreams in her thoughts, completing those dreams with her idol, Brace Henry Arquiza, a famous dimple guy dancer who's included in the boy group--Gimme Five. All...