33rd Delusion ♡ My girl

350 12 1
                                    

Pakiramdam ko ngayon ay anumang oras ay bigla akong mahihimatay dahil sa excitement na nararamdaman. Hindi ako makapaniwalang nandito na ako ngayon sa labas ng Concert Arena para sa first ever concert ng Gimme 5. Halos 6 hours na akong nag-iintay dito at another 6 hours pa ang iintayin ko dahil 7:00 pm pa ang simula ng concert nila at tanghalian pa lang ngayon. This is their first solo concert. I can't believe they did it!

"Sena, sa amin ka na lang tumabi." Ani Kate. Malayo kasi ako sa kanila. Halos sobrang likod na ako sa VIP seats. Huling huli na kasi akong bumili ng ticket.

"Hindi naman pwede." Utas ko sa kanya.

"No! Pwede 'yan. Gagawan ko ng paraan." Aniya't tumawa din. Pagkalabas kasi ng ticket ay agad siyang bumili ng ticket kaya nasa pinakaunahan siya.

Nag-kwentuhan pa kaming dalawa. Kasama namin sina Louise, Elyza, Abigail at Charlene. Bigla na lamang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko naman agad ito lalo na nung nakita kong si Sacha ang tumatawag.

"Ate Sena, nasaan ka na?" Tanong niya agad.

"Nandito na sa labas ng Concert Arena. Kanina pa akong umaga dito. Bakit?" Napakagat ako sa labi ko dahil kinikilig pa din ako. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na ang kapatid ng idol ko mismo ay sobrang ka-close ko.

"Punta ka sa restaurant sa tapat. Nandito kami, Ate!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Sige, sige. Can I bring my friends there?" Ayaw ko naman kasing isipin nila Kate na iniisahan ko sila. Ayaw kong isipin nilang pati sila ay pinagdadamutan ko.

"'Wag na muna, ate. Makikita din naman nila si Kuya mamaya." Natatawang sabi ni Sacha. Napailing na lang ako sa sagot niya.

"Eh, makikita ko din naman siya." Natatawa ko ding sagot.

"Hala! Ate, punta ka na!" Pagpupumilit niya.

"Sige na nga. Oo na!" 

"Thank you, Ate! Yehey!" Agad akong nagpaalam kina Kate nung binaba ni Sacha ang tawag.

Dumiretso na ako sa restaurant at tinanong nung receptionist ang pangalan ko. Nung sinabi ko'y agad niya akong hinatid sa isang exclusive room. Sinalubong agad ako ni Sacha, Jeanne, at CJ ng isang yakap.

"Ate Sena!" Yakap nila sa akin.

Lumingon agad silang lahat sa akin at nginitian ko sila. Si Brace ay agad tumayo sa kanyang upuan at lumapit sa akin. Bumitaw ang tatlong bata sa akin at si Brace naman ang niyakap ko. Pakiramdam ko'y lalabas na ang puso ko sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito.

"I miss you, damn much." Bulong niya habang magkayakap kami.

"I miss you, too." Sagot ko bago humiwalay sa yakap.

Lumapit ako kay Tita Alma para mag-bless at binati ko ang iba pang kapatid ni Brace. Inimbitahan ako ni Brace na umupo sa tabi niya kaya umupo naman ako.

"You'll go with me inside the Arena, okay?" Nakatitig sa mata niyang sinabi.

"Bakit naman?" Kunot noo kong tanong.

"I just don't want to see you in the crowd." Nakakagat labi niyang sagot.

"Ha? Bakit?" Natatawa kong tanong.

"Naco-conscious ako masyado! My girl's gonna watch me perform in my first concert. God! I think I'm gonna collapse there." Natawa ako sa mga sinabi niya.

"Brace, chill, okay? You have a lot of girls there!" Hinawakan ko ang kamay niya't napansin ko ang pamumutla niya at bigla naman akong namula.

"You're my girl. My only girl." Paglilinaw niya.

"Brace..." Mahinahon kong sabi.

"Basta, you can't be there in the crowd." Pagpupumilit niya.

"I'm your fan! I should be there." Napapailing kong sagot.

"You're not my fan. You're my girl, Sena Christine." Lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Triple triple naman ang lakas ng tibok ng puso ko. Halos magwala na ito sa loob ng dibdib ko.

Ayaw ko talagang umasa. But he's giving me reasons to assume things! He should stop this kung para lang sa pagpapakilig ang dahilan niya. Lagi naman niya akong napapakilig kahit hindi niya ako pansinin, sumu-sobra lang talaga kapag napansin na.

Bumalik na ako kina Kate pagkalipas ng halos dalawang oras. Hindi ko alam kung paano ako nakatakas kay Brace gayong halos ayaw na niya akong paalisin. Sinabi ko lang sa kanya na sa tabi na lang ako nina Kate para nasa unahan ako. Sabi niya'y dapat daw nasa malayo ako para hindi niya ako makita. Masyado daw siyang kakabahan.

Maga-alas singko na nung pinapasok kami sa loob ng Arena. Malaki ito. Hindi naman gaano istrikto ang mga guard kaya malaya akong nakaupo sa harapan. Mabuti naman walang nagrereklamo sa mga katabi ko.

Agad na nag-simula ang concert ng nag-7:00 na. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nung nagtagpo ang mga mata namin ni Brace. Napakagat siya sa labi niya't iniiwasang mapangiti ng mukhang kinikilig. Nakaramdam ako ng init sa pisngi dahil sa ilang minuto naming pagtititigan.

Bakit ba niya sinasabing ayaw niya akong makita pero ang mata niya'y sa akin lang nakatingin? Hindi niya inaalis ang titig niya sa akin. Ramdam ko ang ilang luhang lumandas sa mata ko. 

Thank you for the tears of joy. Thank you for the happiness. Thank you for everything.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon