1st Delusion ♡ Dimples

2.2K 36 6
                                    

"You're beautiful, beautiful, you should know it. (You're beautiful, beautiful, you should know it.) I think it's time, thinks it's time that you show it. You're beautiful, beautiful."

Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa kilig dito sa loob ng kwarto ko habang pinapanood ang limang naga-gwapuhang lalaki. Masaya ako para kay Nash dahil alam kong isa itong paraan para mas lalo pa siyang sumikat! I can't wait to see them perform in a concert hall and thousands of people are watching them.

Ngayon ko lang nakita ang boy group na ito. Nanood lang naman ako ng GGV ngayon dahil nandito si Nash. Unang beses ko silang nakita was last December, 'nung nagprod sila sa ASAP. I haven't heard of them since then.

"Yes! Gimme Five! Ang taray! Gandang gabi sa inyo Gimme Five!"  Ani Vice saka pinaupo yung limang lalaki. So I think, Gimme 5 ang name ng boy group nila.

"Introduce isa isa. Introduce yourself, c'mon! Mauna ka na Baby Boy." Tapos tinuro ni Vice yung nasa right niya na dulo. Mukhang bad boy pero cute.

"Hi, I'm John Bermundo." He looks familiar. I think I've seen him once. Singing bee? I guess.

"Ako po si Grae Fernandez." Sabi naman nung nasa gitna ni John at Vice. Mukhang bata pa, pero ang tangkad.

"At syempre ikaw si, Nash Aguas!" Sabi ni Vice Ganda, habang tumili ako kasabay ng mga babae sa audience!

"Ako po si Nash... Aguas!" Sabi ni Nash ng natatawa. Damn, so cute.

"Ako po si, Joaquin Reyes." Ani nung chinito na katabi ni Nash.

"A-ako po si, Brace Arquiza!" Sabi niya habang may lumalabas sa pisngi niya. Dimples.

I can't take my eyes off of him. He's so silent. Hindi siya gaano palaimik. Para bang mahiyain pa.

Sa labindalawang taon kong nabubuhay ngayon lang ako natulala nang ganito sa isang lalaki. At sa TV pa. I've never seen him before. Ever.

Fangirl ako ng kung sino sinong artista. Pero hindi as in fan na bibili pa ng merchandise, magazines, stuffs and everything about the idol. Hanggang crush crush lang ako, idol idol. Pero wala pa sa point na super fan kasi paiba iba nga ako ng idol. Naging fan na ako ni Coco Martin, nung nasa Minsan Lang Kita Iibigin pa siya. Fan din ako ni Diego Loyzaga at Daniel Padilla simula pa nung nasa Growing Up sila. And currently, si Nash Aguas ang lamang sa kanilang lahat dahil sa pinapanood kong Luv U every Sunday. 

At sa ngayon, I think there's someone who'll win me over everyone.





I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon