Tanghali na ako nagising dahil gabi na din natapos ang concert. Buti na lang hanggang ngayon ay naka-leave pa din ako.
Tinignan ko ang orasan at nakitang, 8 am na. Sinilip ko ang cellphone ko at nakitang mayroon doong dalawang mensahe galing kay Brace.
Good morning, Sena! How's your sleep? Don't skip meal, aryt?
I'll just go out, magjo-jogging lang ako, ah?
Napangiti na lang ako habang nagt-type para sa reply. Binaba ko na ang cellphone ko at dumiretso sa banyo para mag-toothbrush at maglinis.
Bumaba na ako para kumain ng breakfast. Nakita kong may nakahanda ng pagkain sa lamesa. Lumapit na ako doon at nagsimula ng kumain.
Habang abala ako sa pagkain ay laking gulat ko na lang ng biglang may pumasok na isang diyos sa aking hapag-kainan. Napatayo naman ako at sinalubong siya.
"Good morning!" Bulong niya sa akin pagkayakap ko sa kanya.
"Good morning!" Masigla ko ding sabi. "Kumain ka na?" Tanong ko agad at umupo na kaming dalawa.
"Hmm, hindi pa." Tinawag ko naman agad si Manang upang bigyan siya ng pinggan. Napansin kong naka-jogging attire pa siya.
"Dumiretso ka dito?" Tanong ko bago sumubo.
"Yep. I want to check you." Ngisi niya sa akin. Pinagkibit balikat ko na lang kahit kinikilig ako. Nagpatuloy na ulit ako sa pagkain.
Isang taon na at hindi pa din ako makapaniwala na mahal talaga ako ng idol ko. Hindi ako makapaniwala na akin na siya. Hindi ako makapaniwala na engage na ako sa kanya. Damn! Pangarap ko lang ito noon.
"Are you okay?" Tanong niya ng napansing tulala ako.
"Yes." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"I'll be busy next week." Napanguso naman ako sa sinabi niya.
"May tour ulit kayo?" Tanong ko.
"Oo, sa East Asia." Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya. Another week. Shocks. "Just a week, Sena." Hawak niya sa kamay ko.
"A week. Yup. A week." Huminga ako ng malalim. Nakaya ko nga last week, kaya ko din next week.
"Damn, if I could only bring you there."
"Kapag natapos ko trabaho ko, I'll go with you." I smiled at him.
"You don't need to rush your works, Sena. We can sacrifice even just for a week." Diniin pa niya ang hawak sa kamay ko. Ayaw ba niya akong makasama? Ayaw ba niyang nandoon ako sa tour nila?
"I won't rush, I'll just try. But, if you don't want me there---"
"Not that, Sena. I just don't want to add stress, you know." Hinaplos niya ng malambing ang kamay ko.
"Yah, I get it." Tango ko. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako sa likod.
"My Sena, nagtatampo ang Sena ko." Hinigpitan niya ang yakap sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos ito.
"I'm just going to miss you. Another week, Brace. Hindi mo ba ako mami-miss?" Umupo siya sa tabi ko bago sumagot.
"Kung alam mo lang. I'm going to miss you, real bad."
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa opisina. Nagsimula na agad ako sa pagtapos sa ilang mga papeles pagkadating ko. Dalawang araw din akong nawala, madaming trabaho ang naiwan.
"Attorney, ito na po ang mga newspaper na pinabili niyo." Pinababa ko na sa lamesa ko ang mga newspaper na pinabili ko.
Ginawa ko muna ang ilang mga gawain para matapos ko na bago ako magbasa ng mga newspaper. Umupo ako ng maayos bago kumuha ng isang newspaper.
Pumikit muna ako dahil sa pagod sa kaka-type bago tumingin sa headline. At nagsisi akong tinignan ko ang headline dahil sa nabasa ko. Halos maibato ko na ang newspaper dahil sa nakita ko. I know this ain't true.
BINABASA MO ANG
I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)
Fiksi RemajaSena Christine Piege, a simple girl. Oh, not just a girl, a fangirl. A girl with a lot of dreams in her thoughts, completing those dreams with her idol, Brace Henry Arquiza, a famous dimple guy dancer who's included in the boy group--Gimme Five. All...