Today's the last day of our finals. Sa wakas tapos na din ang school year na 'to!
"Sena! Sasama ka ba sa amin?" Tanong sa akin ni Janine pagkatapos ng exams.
"Saan?" Tanong ko pabalik.
"Sa mall. Gagala lang." Sagot ni Ysa.
"Ah, hindi na. Kayo na lang." Wala akong ganang mag-gala ngayon. Siguro magtatampo ang mga ito. Huling araw na din kasi nang pasukan ngayon at hindi na ulit kami magkikita-kita. Possibleng sa susunod na school year na ulit.
"Hindi na nga makakasama si Mich eh." Pagtatampo ni Janine.
"Bakit?" Masyadong nonsense ang tanong ko dahil alam ko namang may training si Mich ngayon, varsity din siya eh. Kaya nga wala na siya agad ngayon. Nakaalis na yun agad at nakapunta na sa court.
"As usual, may training." Kibit balikat na sagot ni Ysa.
"Sorry. Hindi din muna ako makakasama eh. Sa bakasyon na lang!" Pagsisigla ko sa kanila.
"Sige, ayos lang. Sasabay na lang kaming dalawa sa iba nating kaklase." Nakangiting sabi ni Janine.
"Ingat kayo ha? Uwi agad." Sabi ko sa kanilang dalawa. Niyakap naman nila ako at naghiwa-hiwalay na kami ng landas.
Pagkadating ko sa bahay ay pinagsisihan ko agad na hindi ako sumama kay Janine at Ysa. Walang tao sa bahay. Mga yaya lang. Si Mommy nag-grocery. Si Daddy, nasa office. 'Yung dalawa kong kapatid may pasok pa. Bakit hindi ko naisip na wala din naman akong gagawin dito?
Nagbukas na lang ako ng cellphone at nag-twitter. Nakakailang scroll pa lang ako pero agad akong napatigil sa nakita ko.
Gimme 5 mallshow on Carenas Sentro Mall! Wait for the date and time! Rock on Carenas!
Halos hindi ako makagalaw sa nabasa ko. Tulala lang ako sa tweet na iyon at tila ba'y hindi makapaniwala na magkakaroon sila ng mallshow dito sa Carenas! Hindi ko na maaalala kung paano ako nabalik sa sarili ko at nagtitili at nagtatalon at halos maluha na sa saya. Hindi ko na alam kung anong una kong gagawin. Kung ire-retweet ko ba ang tweet na 'yun, magtu-tweet ba sa saya, o ipagpapatuloy ko na lang ang pagiingay dito sa bahay. Hindi ko alam pero sobra sobrang saya yung nabigay sa akin ng isang balita lang na iyon.
When I finally came back to calmness, I immediately messaged Jac, a schoolmate na fan din ni Brace.
Sena: Jac!!! HAVE YOU HEARD??
I keep scrolling sa twitter habang nagiintay ng reply ni Jac. Ang bagal magreply!! Sobrang excited pa naman ako makipagchikahan!
Jacqueline: Yes!!
Jacqueline: Plans! Plans! Plans!! We should start planning!!
Jacqueline: FIRST MALLSHOW NILA 'TO DAPAT THE BEST AGAD!!!
Finally, nagreply din!!
Sena: Siguro ang una muna natin dapat gawin, maghanap muna tayo ng mga fans din nila!! Then, we start planning what to do. Then budgetting!
Sena: OHMYGHAD, I'M SO EXCITED!!!
Jacqueline: Ako din sobrang excited!!
Jacqueline: Meron akong mga kilala, gawa na tayong gc!! Add mo din mga kakilala mo!!
That rest of the day was full of "let's do this" and "let's do that". We lay all our plans and start creating a new family.
BINABASA MO ANG
I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)
Novela JuvenilSena Christine Piege, a simple girl. Oh, not just a girl, a fangirl. A girl with a lot of dreams in her thoughts, completing those dreams with her idol, Brace Henry Arquiza, a famous dimple guy dancer who's included in the boy group--Gimme Five. All...