Sa loob ng ilang linggo, ang dami agad nangyari. Hindi naman gaano nagre-reply si Brace sa mga messages ko pero kakaiba siya sa personal. Para bang araw araw kaming magkausap.
Ang dami kong natanggap na feedbacks about sa mga kasamahan ko sa fandom. Madami na ding nagallit sa akin dahil akala nila may relasyon kami ni Brace. Hindi ko alam kung naisip nila 'yun dahil sa nangyari 'nung Anniversary ng fandom namin. Sobrang sweet sa akin ni Brace na para bang totoo ang lahat. May tiwala naman ako sa kanya pero ayaw ko munang umasa. Sabi nga, prevention is better than cure.
Sa ngayon, hindi muna ako aasa na meron din siyang nararamdaman para sa akin, though inamin naman niya na may gusto siya sa akin. Ayaw ko munang umasa dahil lang sinabi niya sa akin. Because I think his feelings for me are temporary and I don't want to settle for temporary feelings.
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa starbucks dahil kakatapos lang ng workshops ko. Pagkatapos na pagkatapos ng recital ko sa Star Horizon ay nagpaalam agad ako kay Daddy na magwo-workshop ulit ako sa Star Magic at walang kahirap-hirap niya akong pinayagan at pinadalhan agad ng pera kinabukasan.
Hindi na sumama sa akin si Ysa sa workshops ko sa Star Magic dahil may Europe tour siya kasama ang pamilya niya. Hindi ko matiis si Brace kaya nag-workshop ako kahit walang kasiguraduhan na makikita ko siya.
"You made it!" Nagulat ako ng biglang may tumabi sa akin sa starbucks habang iniinom ko ang aking latte. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at parang anytime lalabas na ito sa dibdib ko.
"Kanina ka pa dito?" Tanong niya kahit nakatulala lang ako sa kanya. I can't believe I'll see him.
"K-karating lang kani-kanina." I tried to compose myself kahit kinikilig ako na hindi ko maintindihan.
"Akala ko 'di ka na magwo-workshop." Nakangisi niyang sabi.
"You know na hindi kita matitiis." Natatawa kong sabi.
"Na-miss kita. Halos dalawang linggo din tayong hindi nagkita." Napailing na lang ako sa sinabi niya.
"Ewan ko sa'yo. Matapos mo akong gawan ng issue sa fandom." Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Oh, at least alam nilang sa'yo na ako." Halos mabuga ko na ang ininom kong latte dahil sa sinabi niya.
"Che! Ano ba, Brace? You're not mine." Tumabi siya sa akin.
"Simula nung nagtama ang mga mata natin, sa'yo na ako." Halos magwala na ang buong sistema ko dahil sa kanya at sa mga sinasabi niya ngayon.
"Tumigil ka nga diyan!" Kunwaring naiirita kong sabi kahit ang totoo'y kinikilig lang talaga ako.
"Kinikilig ka lang eh." Natatawa niyang sabi.
"Eh ano ngayon?" Irap ko.
"Huwag ka ngang ganyan baka ma-inlove na ako ng tuluyan." Napaubo naman ako sa sinabi niya.
"Kanina ka pa!" Hinampas ko siya ng mahina lang. Natawa lang siya.
Nilabas niya ang cellphone niya't nag-picture na naman. Naki-selfie na lang ako sa kanya saglit. Tumahimik na siya nung hawak niya ang cellphone niya. Uminom ulit ako ng latte at nag-check din ng phone. Nagulat ako ng biglang may tumunog na parang may nag-picture. Napatingin naman ako kay Brace. Ngumisi lang siya! Aba't pinicture-an pa yata ako!
Kinuha niya ang cellphone ko't doon naman nag-picture. Inabot niya sa akin ang cellphone niya. Tinignan ko lang ang cellphone niya.
"Get it." Kinuha ko na ito at binuksan.
Nagulat ako ng tinignan ang wallpaper niya. Ito 'yung kamay naming dalawa. Napatingin ako sa kanya. Pansin ko ang ngisi niya habang tinitignan ang gallery ko na puro siya ang pictures. Nakakahiya!
"1211." Bigla niyang sabi na pinagtaka ko naman.
"That's my passcode." Tumango na lang ako't in-unlock ang phone niya.
Nagulat ako sa lockscreen. Picture ko ito nung anniversary! Nakatalikod ako pero syempre alam kong ako iyon dahil sa gown at sa buhok at syempre kilala ko ang sarili ko.
Wait... 1211? 12 is his birthday, 11 is mine. Damn it! Masyado ba talaga akong umaasa? Wala naman sigurong masama kung umasa ako? I just need to be ready for the consequences.
Ilang araw na ang workshops ko't araw araw kong nakikita si Brace. Hindi ko alam kung bakit last year ay hindi ko naman siya nakikita pero ngayon ay araw araw ko siyang nakikita. Araw araw kong kasama ang idol ko. Hindi pa din ako makapaniwala. I always dreamed of being with him, ngayong natupad na ito, hindi naman ako makapaniwala.
Before, sobrang daming epal sa fangirl life ko. Is this the start? Simula na ba ito ng pagtupad sa mga pangarap ko? Sana.
BINABASA MO ANG
I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)
Teen FictionSena Christine Piege, a simple girl. Oh, not just a girl, a fangirl. A girl with a lot of dreams in her thoughts, completing those dreams with her idol, Brace Henry Arquiza, a famous dimple guy dancer who's included in the boy group--Gimme Five. All...