Dalawang buwan na agad ang nakalipas at November na. Ilang buwan na ang naibigay sa amin para makapagipon para sa December. Malapit na malapit na ang birthday ni Brace. Hindi ko alam kung ano ang pinakamagandang gawin. May kumakalat na balita na may concert daw ang Gimme 5 dito sa Carenas. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Ang concert ba or ang birthday party?
3,000 lang ang inipon ko para kay Brace ngayong December. At ang natitirang 2,000 ay para na sa mga kaibigan at pamilya ko. Tapos na ang birthday ko at halos dalawang linggo na lang birthday na ni Brace. Hindi pa naman sigurado 'yung concert pero, possible talaga.
Ilang buwan na agad ang nakalipas simula nung huling nakita ko si Brace. And wala ng iba pang nangyari after nun. I knew it. 'Yung gabing 'yun niya lang ako makikilala. Hindi na niya ako kikilalanin pa.
Lalaki pa din talaga si Brace. Magpapakilig tapos hindi na mamamansin. For sure, nakalimutan na niya ako. Hindi naman ako siguro ganon kahalaga para sa kanya para alalahanin pa.
Busy ako sa pagiisip kung ano ba ang uunahin ko nang biglang tumunog ang phone ko.
Confirmed. There will be a concert for a cause ng Gimme 5 sa Carenas this coming December 12. 300 ang ticket. Get ready, Carenas!
Nalaglag ang panga ko sa nabasa ko. Holy shit. Saktong birthday pa talaga ni Brace! At talagang nananadya nga naman. Napangisi ako at hindi na napigilan ang sayang nadarama. Agad akong nag-message sa mga kaibigan ko.
Hinding hinding ko talaga ito papalagpasin. Pinayagan ako ng Daddy ko na pumunta ng Maynila para sa birthday party ni Brace at hindi malabong payagan din ako para sa concert na ito dahil dito lang naman ito sa Carenas.
I'm gonna see you. Finally, again.
Pero sa kamalas-malasan nga naman, na-move na ang concert ng Gimme 5. Sa January pa daw at tentative pa ang date. Hindi ko alam kung pinapaasa ba kami o ano. Bukas na ang birthday ni Brace kaya andito ako ngayon sa mall para bumili ng cake. Kasama ko si Ysa ngayon. Hindi niya pa din ma-gets kung bakit ko kailangang bumili ng cake dahil hindi naman pupunta si Brace sa school namin. Well, I want to celebrate it. Sobrang mahalaga ang birthday ni Brace para sa akin. It's his birthday. That's something worth to celebrate.
"Sena, paki-explain talaga. Grabe! Ano ba talagang meron diyan kay Arquiza?" Pinagkibit balikat ko na lang ang tanong niya. Napangisi ako. Ano nga ba?
"My goodness! Sayang ang 300.00 para sa cake!" Reklamo niya.
"Walang sayang kung para kay Brace, okay?" Ngisi ko sa kanya.
"Shit naman! Lakas ng tama mo dun, noh? Fangirling level 999999! Di ko kinaya!" Napailing na lang ako sa mga sinasabi niya. I don't also know what's with him, Ferguson.
"Happy birthday!" Masayang sigaw namin ng barkada ko. Hinipan ko na ang candle ng birthday cake ko para kay Brace. Nagce-celebrate kami ng wala ang celebrant. So, sabi nila ako na lang daw kunwari ang celebrant. Nagsimula na kaming kumain ng cake.
"Sena, what's really with Brace? Paintindi mo nga sa amin." Nakakunot noong sabi ni Michelle.
"I don't know." Kibit balikat kong sagot.
"Huwag mo ngang ipagdamot si Brace!" Reklamo ni Janine, dahil meron din siyang crush kay Brace.
"Hindi ko siya pinagdadamot!" Paglilinaw ko sa kanya.
"Obviously, Sena. Pinagdadamot mo siya. Bakit ayaw mo sabihin? Diba, kasi ayaw mong mahulog din kami sa good traits niya? You want him alone for you. You're too selfish. Hindi pa sa'yo inaangkin mo na." Bigla naman akong napaisip sa sinabi ni Ysa.
Buong araw 'yan na lang ang inisip ko. Am I really selfish? Hindi akin si Brace pero inaangkin ko na. Well, not really inaangkin. But, I want him alone for me. That's true. Gusto ako papakasalan niya. I want to be his. I'm his already since I knew him. So, I want him to be mine. Mine only. Mine alone.

BINABASA MO ANG
I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)
Teen FictionSena Christine Piege, a simple girl. Oh, not just a girl, a fangirl. A girl with a lot of dreams in her thoughts, completing those dreams with her idol, Brace Henry Arquiza, a famous dimple guy dancer who's included in the boy group--Gimme Five. All...