13th Delusion ♡ Workshop

644 14 2
                                    

Ilang buwan na ang nakalipas, and it's already March. Madaming nangyari noong nakaraang dalawang buwan.

Mas kapansin-pansin ang higit na pagkaka-close ni Louise sa Arquiza family. Masyado silang malapit sa fans. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba iyon o ikakainis.

Ikakatuwa ko ba dahil pati sa akin ay napapalapit na din sila, lalo na si Sacha? O ikakainis ko ba dahil hindi lang sila sa akin malapit pero pati na din sa ibang fans? At masyado na akong nagseselos dun.

Napailing ako sa naiisip ko. I shouldn't be selfish. Kahit siguro araw-araw niya akong pansinin ay hindi pa din siya magkakagusto sa akin. I am just his fangirl.

Sa ilang buwan kong pagiging fangirl ni Brace, hindi naman ito ang unang beses na may maka-close ako sa mga kapatid niya. Si Kuya Ian ang una kong naka-close sa kanila na noon ay halos araw-araw kong kausap sa We Chat. Sunod kong naka-close ay si Kuya Edward na malimit kong ka-tweet o ka-dm. At ngayon naman ay si Sacha, na araw-araw ko talagang ka-chat.

Bukod kay Brace, sobrang naging kakaiba ang relasyon namin ni Dieter. Ewan ko kung bakit bigla kaming naging awkward sa personal. Sobrang sweet namin kapag nag-uusap kami sa social media pero sobrang nagkakahiyaan naman kami sa personal. Nabibitin ako sa kung anong meron kami ngayon. Nahihiya akong lapitan siya.

"Girl, tara mag-workshop sa Star Magic sa summer." Yaya sa akin ng best friend ko.

"Gusto ko din nga!" Sagot ko sa kanya.

"Yun naman pala! Tara this year!!" Na-excite kaming dalawa nang isipin namin na magwo-workshop kaming dalawa.

"Sasabihan ko si Daddy." 'Yan ang tangi kong nasagot sa kanya dahil ayaw ko siyang paasahin na matutuloy ako. Baka kasi meron na naman kaming lakad.

Kaya pagkauwi ko sa bahay ay hinanap ko agad si Daddy sa mga katulong at sinabi nilang nasa office daw si Daddy kaya pinuntahan ko siya doon.

"Daddy." Kumatok ako bago pumasok.

"Oh? Sena." Tawag ni Daddy ng binuksan ko ang pinto.

"Niyaya po kasi ako ni Ysa for Star Magic Workshops." Napatingin agad sa akin si Daddy na ikalabog naman ng dibdib ko. Kinakabahan ako! Baka hindi niya ako payagan.

"Oh. About that." Umupo siya ng maayos kaya lalo akong kinabahan. I don't want too serious talks.

"Meron po ba tayong pupuntahan? Pwede naman pong next time na lang ako mag-workshop." Hindi naman kasi ako mapilit sa mga gusto ko. Sinusunod ko ang mga magulang ko kahit ayaw kong sundin. Sinusunod ko sila kahit iba ang gusto ko.

"No. No. Matagal na din naman natin napag-usapan ang about sa workshops na 'yan. Tutal mukhang may kasama ka na naman, you should enroll." Lumiwanag ang mukha ko sa sinabi ni Daddy.

"For r-real, Dad?" Pinipigilan kong magmukhang masyadong masaya. Baka kasi maisip ni Daddy na masyado siyang maluwag sa akin at lahat ng gusto ko'y sinusunod niya kahit hindi naman talaga.

"Of course. Just tell me kung kelan ka mage-enroll so I can give you the money." Pumunta ako kay Daddy at niyakap ko siya.

"Thanks, Dad!" Tumango na lang siya sa akin at lumabas na ako ng office niya. Pumunta ako sa kwarto ko para i-text si Ysa na go ako sa workshops para sa summer.

Matagal ko ng gustong mag-workshop. Not only to improve my talents. But also, I know, mas malaki ang chance na makita ko si Brace kapag nasa Maynila ako, lalo na kapag nasa studio ng ABS-CBN. Hindi ko mapigilan ang imaginations ko. Excited na ako sa summer!

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon