Hindi ako makapaniwalang ilang buwan na akong nahuhumaling kay Justin Bieber na nawawalan na ako ng oras kay Brace. Ni hindi ko nga alam na nakakatulong ito para mas lalo akong mag-excel sa classroom. Tumataas na lalo ang class standing ko. From 3rd Honor ay 1st Honor na ako ngayon. Masyado akong motivated dahil pakiramdam ko'y magkakaroon ng concert si Justin Bieber sa Pilipinas sa susunod na ikalawang taon at bago pa ang lahat ay kailangan ko ng magpa-good time sa mga magulang ko para makapunta ako. Pero, ang pinagiipunan ko sa mga oras na ito ay ang maka-butas bulsa niyang album. Mahaba-habang pag-iipon ang magagawa ko para sa concert.
Maaga akong pumunta sa classroom para makapag-review pa ako sa quiz namin sa Trigo mamaya.
"Aga mo yata, Sena?" Puna ng isa kong kaklaseng lalaki, Oliver Harvey Wade.
"Magre-review pa ako sa Trigo." Sagot ko sa kanya. Hindi ko na masyado ine-entertain ang mga lalaki. Ayaw ko na ng mga kalokohan nila. Dala na agad ako.
"Ay oo nga pala may quiz nga pala tayo 'dun! Hindi ko naman gets." Napakamot siya sa ulo niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at umupo na ako sa upuan ko.
"Pwede mo ba ako turuan?" Nagulat na lang ako ng nasa harap ko na agad siya't may dalang Trigo Book. Hindi na naman ako nakatanggi kaya tinulungan ko na.
Naging isang malaking kalokohan ang sinabi kong hindi na ako mapapalapit ulit sa mga lalaki dahil masyado na akong malapit kay Oliver sa loob pa lamang ng isang buwan. Lagi ko kasi siyang tinuturuan. Naging study buddy ko na siya at malimit ka-partner sa madaming pair works. Nagtatampo na nga sa akin ang mga kabarkada ko.
"S-Sena, sasamahan kita mamayang dismissal ha?" Kinakabahan niyang sabi. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit naman?" Ngayon niya lang ako niyaya ng dismissal. Tuwing free time lang kasi siya malimit nagyayayang magpaturo at hindi kasama doon ang oras ko tuwing dismissal.
"Basta may sasabihin ako sa'yong importante." Nagulat na ang ko ng bigla niya akong tinakbuhan at umalis agad.
Pinuntahan agad ako ni Oliver sa upuan ko pagkatapos ng klase noong araw na iyon.
"Ano bang sasabihin mo?" Diretsa kong tanong sa kanya. Napakamot siya sa ulo niya.
"U-uhm, Sena... G-gusto ko lang, na ano, na sabihin sa'yo, na ano... Na gusto, ano, gusto kita." Napakunot naman agad ang noo ko sa sinabi niya. Halos puro ano lang 'yung sinabi niya eh.
"H-ha?" Naguguluhan ako sa mga sinabi niya.
"Gusto kita, Sena." Mabilis niyang sabi na para bang kanina pa siya hinahabol ng hininga dahil sa kaba.
"A-ako?" Tinuro ko ang sarili ko.
"Sino pa bang Sena ang kausap ko?" Napairap ako sa sagot niya.
"At tsaka, ito nga pala 'yung album ni Justin Bieber na matagal mo ng gusto." Nanlaki ang mata ko ng nakita ko sa harap ko ang album ni JB!
"'Wag mo nga akong sulsulan." Napa-pout naman siya sa sinabi ko.
"Hindi kita sinusulsulan." Napahawak sa ulo niyang sabi.
"Get it or get it?" Napataas kilay ako sa kanya. Mabilis niyang nilagay sa bag ko ang album.
"Bye, Sena! Ingat." Tumakbo na siya palabas ng classroom.
Ilang linggo na agad ang nakalipas at naiinis ako sa pagiging makulit ni Oliver. Alam mo 'yung manliligaw na imbis na kiligin ka sa kakulitan ay maiinis ka na lang ng sobra? Nakakainis kasi talaga 'yung kakulitan niya. Akala ko nakakakilig 'yung mga panunuyo ng mga lalaki, hindi pala. Sobra palang nakakairita.
"Sena, bawal tanggihan." Inabot niya agad sa akin ang isang supot ng sapatos. Laging ganyan ang linya niya kapag may binibigay siya sa akin at mas lalo akong naiinis doon.
"Oliver, hindi ko alam kung pinapamukha mo lang sa aming lahat na mayaman ka o ano." Sagot ko agad dahil sobrang naiinis na talaga ako.
"Parang pinapamukha mo lang sa akin na madami kang pera. Hindi naman ako charity para bigyan ng bigyan linggo linggo. Hindi pa naman ako nauubusan ng damit, sapatos, bag, o pabango. May kinakain pa naman kami araw-araw. Hindi mo ako kailangang bigyan ng bigyan." Tuloy tuloy kong sabi dahil masyado na akong naiinis sa kanya.
"A-ayaw mo ba?" Malungkot niyang tanong.
"Not that I don't like them. Pero sobra sobra naman kasi 'yung mga binibigay mo sa akin." Lalong bumakas ang lungkot sa mukha niya. Pakiramdam ko'y dapat ko na itong sulitin. Binigyan na ako ng pagkakataon para sabihin sa kanya ang mga nararadaman ko.
"And besides, hindi ka naman sigurado if I feel the same diba? Oliver, let's stop this. I don't like you. You're a good guy. Pero sabihin na natin na may mga taong hanggang sa pagkakaibigan lang. Look, mas pangmatagalan ang friendship diba? Friendship over relationships. Ayaw ko din naman talagang magpaligaw in the first place, ikaw lang itong mapilit." Napakagat ako sa labi ko. Pakiramdam ko'y masyado ng masakit 'yung mga nasabi ko sa kanya.
"If you're telling this to me para i-test ako, well Sena, hindi ako nate-test. Matatag ako. I'll still pursue you." Napailing ako sa sagot niya.
"No. No. I'm telling this for your own good. There's a lot of fishes in the sea. May mas magaganda pa sa akin, mas matatalino. Quit courting me. I swear, wala ka lang mapapala sa akin. I'm not into relationships." Diretsa kong sabi kahit alam kong masakit sa part niya.
Umuwi akong may baong guilt. Pero at least makakatulog na ako na walang iniisip na makulit na manliligaw. Hindi na ako mag-iisip pa ng mga palusot para iwasan siya. Hindi na kailangan. Kaya naman agad akong nag-online sa twitter.
It's better to find the incisive truth than to be duped by a deceptive lies.
Nagulat ako ng biglang nagreply doon si Brace ng, Nosebleed. Ni hindi ko man lang napansin na online pala siya. I continued tweeting though I am not tweeting him.
Nanggugulat ka na naman.
Napangisi ako ng nag-reply na naman si Brace doon.
Sorry. Miss you.
Halos tumili na ako sa reply niya.
Miss you too. Kilala mo pa ako?
Naka-cross fingers kong sinend ang reply na iyon. Malakas ang kalabog ng dibdib ko, like what he always did to me.
The one and only, Sena Christine.
Nagulat ako ng nakilala niya ako. Kakaiba kasi ang username ko. Malayo-layo sa pangalan ko.
Matulog ka na nga.
Gabi na din kasi at alam kong may trabaho pa siya bukas. Nakangisi ako habang nagsa-scan ng tweets. Hindi na nagreply si Brace sa akin pero mayroon siyang tinuweet na umaasa akong para sa akin.
Pinapatulog na ako ng prinsesa ko. Good night, everyone. Good night..
Hindi ko na alam kung anong pangalan ko sa mga oras na ito.
BINABASA MO ANG
I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)
Teen FictionSena Christine Piege, a simple girl. Oh, not just a girl, a fangirl. A girl with a lot of dreams in her thoughts, completing those dreams with her idol, Brace Henry Arquiza, a famous dimple guy dancer who's included in the boy group--Gimme Five. All...