Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon. Isang malaking epic fail ang bine-bake kong cupcakes ngayon! Hindi ko alam kung bakit pagdating sa cupcake na ibibigay ko kay Brace ay pumapalpak ako samantalang sa mga bine-bake ko para sa mga kaibigan ko ay hindi naman.
Naiiyak na akong napaupo sa upuan. Sunog na naman ang pangatlo kong binake na cupcake. Naiinis na ako sa sarili ko! Ang dami ko nang nasasayang na cupcake mixture. Hindi ako makapaniwala sa mga kinalalabasan ng mga bine-bake ko ngayon. What's with my cupcakes now? Is it bad luck day today?
Alas onse na ng tanghali noong naayos ko ang pagbe-bake ng cupcake. Nakaligo na din ako. Handang handa na ako pero hindi ako makaalis dahil wala pa si Mommy. She's out of town with my Dad and I promised them not to go without them.
Nakatitig pa din ako sa orasan sa kwarto ko. Mommy, please, dumating ka na. Hindi ko alam kung dadating siya. Ni hindi man lang siya nagrereply sa mga text ko. Possibleng walang signal don. Jusmiyo, nawawalan na ako ng pag-asang makita siya!
"Ate!" Tawag ng kapatid kong si Lyca. Pinunasan ko na ang luha kong lumabas sa mata ko. Huminga ako ng malalim at lumabas ng kwarto ko. Pakiramdam ko'y nabunot lahat ng tinik sa katawan ko when I saw my mom.
"Mommy! Omg! Yes!" Halos magtatalon na ako sa saya.
"Sorry, anak. Natagalan. Na-traffic kami. Na-lowbatt pa ako. Sorry." Tumakbo ako kay mommy at niyakap ko siya. Sobrang saya ko. Shet! Makikita na kita, Arquiza!
Nasa byahe pa lang ay hindi na ako mapakali. Sobrang excited na ako! Hindi ko maialis ang ngiti sa labi ko. I'm the happiest person right now! Wala nang mas masaya pa sa akin!
"Anak, sa Mister Donut lang ako ha? Dun na lang kita iintayin." Paalam ng mommy ko nang makapasok kami sa mall.
"Sige, 'ma!" Tumakbo na agad ako sa activity center. Pilit kong hinanap ang mga kasamahan kong fangirls dito sa Carenas. Ang ngisi ko ay nakapinta pa din sa mukha ko hanggang ngayon.
"Sena?!" Sigaw nang isang babae, Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses na iyon.
"Kate!!!" Sigaw ko't nilapitan siya saka niyakap. Hindi ako mapakali. Ang saya ko talaga!
"Tagal mo ha." Biro niya.
"Sorry na, na-traffic lang." Natatawa kong sabi.
"Wow ah? 8 am ang call time natin. Five hours na-traffic, 'te? Ala una na oh!"
"Sorry na nga diba!" Irap ko sa kanya. Natawa na lang kaming dalawa.
"Oh siya, selfie muna tayo!" Saka niya nilabas ang cellphone niya't nag-picture kami.
Ilang oras na din akong nakikisalimuha sa mga taong nandito. Biglang dumating ang mga guard. Agad akong kinabahan. Baka andiyan na sila. Shit! Nagkagulo na agad kaming lahat dahil siguro pare-pareho kami ng naiisip. Binuksan na ng guard ang activity center. Lalong kumabog ang dibdib ko.
"Oh! Huwag magkagulo! Mga bata muna!" Nagsimula nang magpapasok ng tao ang guard sa loob ng activity center. Lalo nang naging wild ang mga tao. Pilit kaming nakikisiksik ni Kate sa mga tao para makapasok sa loob ng activity center.
"Oh wala na! Sarado na! Diyan na kayong lahat sa labas." Saka sinarado ng guard 'yung gates.
Bumagsak ang balikat ko at kusang tumulo ang luha ko. Shit! Hindi ako makakalapit! Ano ba 'yan? Napatingin na ako kay Kate na umiiyak na din tulad ko.
Napatingin ako sa loob ng activity area. Nandoon ang iba kong schoolmates.
Niyakap ko si Kate at pinunasan ko na ang luha ko. Nandito ako para magsaya! Hindi para umiyak. Cheer-up, Sena!
"Tahan na nga, Kate! Para ka nang tanga diyan, iyak ng iyak!"
"Leche ka naman, Sena eh!" Hinampas niya ako at tumawa na lang.
"Hay nako! Panget ka na nga, lalo pang pumangit." Utas ko sa kanya.
"Bahala ka diyan!" Bigla niya akong iniwan at natawa naman ako.
"Arte neto!" Reklamo ko.
"Tara na kina Kuya Joshua! Iabot na natin 'to sa kanila." Aniya habang naglalakad at itinaas pa ang mga regalo namin. Kasama na doon ang regalo ko sa kanya.
Masyado kaming na-entertain nina Kuya Joshua dahil nga umiyak kaming dalawa. Kaya ayun, napagdesisyunan nilang sumama na lang kami sa kanila.
Head admin ng fansclub ni Brace, kasama namin ngayon! At isa pang bonus na kasama namin ang kapatid niya! Shit! Shit! Napansin ko ang pagtitig sa amin ng mga tao sa loob ng activity area. Ano ngayon? There's always better opportunity to come!
"AAAAAHH!" Lagi ganyan ang mga tao dahil alam nilang lahat ay nag-iintay. This isn't the first time they shouted, kahit wala pa naman. Nagkukunwaring andiyan na ang Gi---.
"He-hello?" Nagwala ang buong activity center nang may nagsalita sa microphone. Shit! Kumabog ng sobrang lakas 'yung dibdib ko. As in sobrang nagwawala na 'yung puso ko. Magsisimula na. Andito na nga sila! Fuck! Na-alerto agad kami ni Kate at inihanda na ang mga camera. Fuck.
"Let us all welcome, Gimme 5!" Lalong nagwala ang mga tao. Kami ni Kate, maiyak-iyak na sa nakikita namin sa harap namin. Pareho kaming hindi makapaniwala.
Brace Arquiza, he's nearer. He's here.
BINABASA MO ANG
I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)
Teen FictionSena Christine Piege, a simple girl. Oh, not just a girl, a fangirl. A girl with a lot of dreams in her thoughts, completing those dreams with her idol, Brace Henry Arquiza, a famous dimple guy dancer who's included in the boy group--Gimme Five. All...