Nikki's POV
Bahay 7:30...
Oo, 7:30 na pero nakahilata parin ako sa kama at iniisip kung anong susuotin ko. Kung andito si Mommy at nakita niya tong mga damit ko na nakakalat sa kama at sahig baka mag-aalburoto yun sa galit.
Ni-lock kona ang pinto para di pumasok si Mommy at para narin tigilan na ako ni Shin sa panunukso. Pagdating ko palang kasi rito sa bahay di na ako tinigilan nung batang yun.
Hayy! Nakakainis ka kasi, Louie eh! Kung di niya lang ginawa kanina yun baka nakaisip na ako ng susuotin. Kaso naiinis talaga ako sa kanya na ginawa niya yun kaya hindi ako makaisip ng maayos. Hayy!
Umupo ako mula sa pagkakahiga at tinignan ang mga damit ko. I'm hopeless! Wala naman kasi akong matinong damit eh.
Tumayo ako at nagpunta sa kabinet at may nakasabit pa dun na may tag pa. Mga gift 'to sakin ni mommy na hindi ko naman sinusuot. Kasi naman, puro dress eh. Tapos sleeveless pa. Pano ko masusuot yan?
Sinoot ko nalang ang blue na plain cocktail dress. Pero di naman siya bunggang cocktail dress na sinusuot para sa prom. Simple lang talaga pero long sleeve ito. Pero kita ang legs ko. Above knee kasi. Pero okay nato kesa naman yung iba na masyadong revealing at maputi naman legs ko.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ang kulot kung buhok tinatakpan ang mukha ko. Kaliligo ko lang pero parang ang sagwa tignan ng buhok ko. Yung buhok nila Shin at Mommy kulot din naman. Pero ang buhok ni Shin pina-straight niga. Tsaka kay mommy maganda pagkakakulot. Kaaya-ayang tignan. Samantalang ako.
I'm hopeless!
Sinuklayan ko nalang ang buhok ko habang basa pa. Para madali lang suklayan. Pero alam kung matagal matapos to.
At nang nasuklayan ko na lahat nagponytail nalang ako.
At sinuot ang eyeglasses ko. Di ko na kailangan ng face powder kasi maputi naman na ako.
Bago ko maisipang bumaba ay napabuntong-hinga nalang ako. Alam kung hahanapin ni Mommy si Louie, yung friend ko na nagsave sakin. Pero malabo namang pumunta siya dito. Tumayo na ako nagpunta sa bintana. Tinignan ko ang bahay ni Louie. Mayaman pala ang isang yun kasi shareholder sa L.U. Pero parang nagtitipid ng kuryente ang taong to kasi patay lahat ng ilaw.
Bumaba na ako na nakabusangot ang mukha at si Mommy naman ay hinahanda na ang dining table.
"Hi, nak!"
Nilapitan ko si Mommy sa dining table at tinulungan siya.
"Hi there familyyyyyy!" Narinig kung sumigaw si Shin papunta dito at sinulyapan ko siya. Ang ganda ng kapatid ko. Naka white dress pero wala itong sleeve. Simple din pero elegante. Nakakainsecure.
"Shin, Nak. Kelan kaba mauubusan ng energy?"
"Hmmm.. neveeer!" Tapos tumawa siya, praning lang.
Napailing lang kaming dalawa ni Mommy.
Maya-maya pa ay may nagdoorbell. Baka si Raffy na yun.
Pumunta ako sa pintuan at si Raffy nga. Naka black na polo-shirt lang siya at jeans. Nakangiti at may dala.
"I brought some ice creams. I hope your Mom will like it."
Ang charming talaga niya. Napakasweet at halatang-halata na caring. Ano bang nakita ng lalaking to sakin at kinaybigan ako.
Tatanggapin ko na sana pero may kumuha. Shin.
"Thank youuuuuu..." sabi ni Shin at todo ang smile. Akala ko papasok na siya. Pero binigay niya sakin ang ice cream at kinuha niya ang braso ni Raffy papasok. "Don't be shy, okay? Our home is your home."
Raffy just gave me a glimpse at naka-kunot ang noo niya. At binigyan ko lang siya ng shrug.
Hinatak na ni Shin si Raffy papuntang dining table namin at sumunod lang ako.
"Good Evening po, Tita." Ngiting bati ni Raffy at nagbeso sila ni Mommy.
"Good Evening din, Rafael." Sabi din ni Mommy na nakangiti. Magkakilala na sila. Nung dinalaw ako nila Tine at Kenny sa hospital. Sumama kasi siya dun.
"I hope you don't mind that I brought some ice cream for dessert."
"Thank you! We love ice cream. Come and sit!"
"Thank you po." Naupo si Raffy sa gilid ko at si Mommy sa may bottom ng oval, si Shin naman ay tabi ni Mommy at nasa harap ni Raffy. Ang laki ng ngiti ni Shin. Parang mapupunit na ang mukha niya.
Hinintay kong mag-blessing si Mommy ng food pero tinignan niya lang ako.
"May hinihintay pa tayong isa pang friend mu, Nikki. Yung nagsave sayo nung bumagsak ka sa upuan?" Patay!
Di talaga kinakalimutan ni Mommy lahat ng sinasabi namin sa kanya eh. Abugado kasi.
"Aahh.." patay ako nito. "K-kasi po..."
May nagdoorbell bigla. Save by the bell ako ngayon.
Siguro sila Tine or Kenny yun.
Kung sino man siya ang laki ng pasasalamat ko sa kanya.
Tatayo na ako pero ang bait ni Shin ngayon kasi siya na daw. Nagkibit-balikat lang ako. Umalis na si Shin.
"So, Rafael. Kailan kayo nagkakilala ni Nikki?" Tanung ni Mommy kay Raffy.
"Just a month ago, Tita. Isinauli kasi ni Niks ang puppy ko na nawala kaya ayun. Mabait kasi si Nikki hindi siya mahirap kaibiganin." Tapos tumingin siya sakin, nakangiti. Na parang wala nang bukas.
Gusto ko din sanang ngumiti. Nakakahiya lang.
Nakakainis lang kasi feeling ko ang init kaya medyo pinagpapawisan ako. Centralized naman ang buong bahay namin kaya di masyadong ma-init. Pero iwan ko lang.
Ang alien lang kasi ng pakiramdam. Para akong kinakabahan na natutuwa at naeexcite. Hayy malala na ako, nerd na nga ako weird pa.
Dumating si Shin at mas malaki ang ngiti. Nakakunot ang noo ko. Sino ba yung dumating?
"Another gwapo." Natatawa niyang sabi at bumalik na sa upuan niya. Hinintay ko naman kung sino. Hindi kaya si...
Nakatingin lang ako sa way papunta dito sa dining room.
At ayun. Naglalakad si Louie papunta dito. May dalang basket. Di ko alam kung ano.
Dumating siya.
"LOUIE?! AAAAAHHH! Hijooooo!" Tumakbo naman si Mommy papunta kay Louie at niyakap. Lumaki ang mata ko. Magkakilala sila?
Tinignan ko si Shin, nabigla din siya. Anung nangyayari? Bakit hindi ako aware?
Nakangiti namang niyakap ni Louie si Mommy pabalik.
"Nanay..."
Ano daw?! NANAY?! Hayy nakakaloka nato!
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Heiress
RomanceEverything in my life is fine and steady. Not until I knew that I am a Billionaire's Daughter. Like. What. The. Heck.