LOUIE's Point of View
Kanina nainis ako sa sarili ko kasi galit si Nikki sakin. At hindi ko alam kung pupunta ba ako sa bahay nila. Inimbita ako ni Nikki, pero it turned-out yung gagong Clarence ang nakabasa sa papel. Bakit ba kasi sinulat niya pa sa papel. Di nalang niya sinabi ng diretso sakin.
Ang saya siguro kung ininvite niya ako nang deretso. E-imagine ko palang lumulundag na ako sa saya. Ugh, I sound so gay!
Five-thirty na ng hapon at habang nagdadrive ay nag-iisip ako kung ano ang dadalhin ko kina Nanay Claire. Na-miss ko na din siya.
Siguro mabibigla sila Nikki at yung nakababatang kapatid niya na magkakilala kami ng Mommy nila.
"Damn!" Napabusena ako at napabrake ng may dumaang tao sa harapan ng sasakyan ko.
Sino batong lampang 'to at di man lang tumitingin sa daan.
Agad namang lumabas ako ng kotse. Isang babae ang nakatayo sa harapan ng kutse ko at nakatakip ang dalawa niyang kamay sa mukha niya.
"ARE YOU CRAZY!? Bigla-bigla ka nalang tumawid!"
Nilapitan ko ang babae at dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay niya na nakatakip ang mukha. I know this girl.
Siya yung babaing ninakaw ang bag ng customer ko sa Bar. "You!"
Nang natanggal na niya ang kamay niya sa mukha ay nawala ang kunot ko sa noo at nakita kung may pumapatak na luha sa mata niya. Yung buhok din niya ang gulo at ang damit niya punit-punit.
Nang yinitigan ko pa siya bigla siyang humagulhol at tumakbo papunta sakin at niyakap ako.
"Take me... A-away.. away from here." Bulong niya sakin habang niyayakap ako.
Tinignan ko ang paligid at may malaking bahay sa may kanto.
May tumakbong maid na papunta dito. At hinihingal na.
"Chesca..chesca, hija. Hinahanap kana ni Madam." Sabi ng matandang naka-maid uniform na habol-habol ang hininga niya.
Sumilip ang babaing nakayakap sakin sa matandang maid. "Manang, pabayaan niyo po ako..." sabi niya na umiiyak.
"B-buntis po ako kaya di niyo na ako mapipilit. Siya ang ama. Kaya pabayaan niyo na ako!!"
Tumingala siya sakin.
"Please, i-alis muna ako dito." Pabulong na sabi niya sakin.
Tumango lang ako hinawakan ko siya papuntang passenger seat. At nagpunta ako sa driver's seat. Nagdrive na ako. Ni hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin.
Hindi na siya umiiyak pero ang basa ng mukha niya dahil sa luha. At nakatingin lang siya sa daan.
"Uy pahingi ako nito ha?" Kumuha siya ng tissue at nakangiti.
Umiiyak lang siya kanina, pero ngayon nakangiti na siya. Bipolar ba'tong babaing to?
"Kaiiyak mu lang, ngingiti-ngiti kana agad." Sabi ko na nakatingin sa dinadaanan namin.
"Well, that's 3 minutes ago. Past na yun." Hinampas niya ako sa braso. "Uy, salamat ha? Savior ka talaga kahit kailan. Naka-destined ata tayo."
Napakunot naman ang noo ko at tinignan siya ng masama. Nag-peace sign lang siya sakin. "Joke!"
"Baliw kaba?"
"Bakit?" Napabuntong-hinga ako.
"Hindi pick-up line yun." Sabi ko.
"Ayy, kala kopa naman sasagutin muko ng 'kasi baliw na baliw ako sayo eh' HAHAHA!"
Baliw nga.
Habang kinukulit niya ako ay nagdrive ako papuntang grocery store. Kaso nagrequest siya na dumaan daw muna kami sa isang botique.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Heiress
RomanceEverything in my life is fine and steady. Not until I knew that I am a Billionaire's Daughter. Like. What. The. Heck.