Chapter 12

1.8K 46 2
                                    

Nikki's POV

Kahit nakikita kong si Mommy ay ngingiti-ngiti nararamdaman ko parin ang tensyon sa dining table. Hindi nga ako mapakali kaya minu-minuto tinitignan ko si Raffy at Louie. May problema ba sa kanila?

"Alam niyo ba na itong si Louie nung bata pa, hindi marunong kumain ng crab. Kinain niya pa nga shell ng crab eh." Tapos tumawa si Mommy pagkatapos niya magkwento.

Sinabihan kami ni Mommy na bata pa si Louie ay nagpupunta na pala siya dito. Close daw sila ni Mommy tsaka ni daddy. Buti pa si Louie, nakaclose niya si Daddy, ni ako, hindi ko na matandaan kung naging close ba kami ni daddy or nagbonding ba kami.

Tumawa nadin si Shin at Louie at kami ni Raffy ngingiti-ngiti lang. Naaawa tuloy ako kay Raffy kasi parang na a-out of place siya.

Pero napansin naman ni Mommy si Raffy kaya tinanung ito paminsan-minsan. "So, Rafael, tell us more about you. Your family... or anything."

"Ulila napo ako..." tumahimik naman kami lahat. "But it's okay now. Masaya naman ako sa mga nangyayari sa buhay ko. And I know everything happened for a reason." At tinitigan niya si Mommy.

"Yes, I do believe on that. But I apologize ha... I ask the wrong question."

Tumawa naman ng mahina si Raffy. "It's okay, Tita. I understand."

Ulila na pala siya. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot kay Raffy. Napakamasiyahin niya kasing tao at walang bahid ng kalungkutan ang ipanapakita niya samin pero grabe pala ang pinagdadanan niya.

Tinignan ko si Louie at nakatitig lang siya kay Raffy. Anong problema nito?

"Ah.. Tita. Hindi na po ako magpapaliguy pa." Nakatingin kami lahat kay Raffy. "I know this is not the perfect timing to say this. But, i want to say it to all of you so you will know how sincere I am." Tinignan ako ni Raffy na nakangiti. Ano bang sasabihin niya?

Mas lalong sumama ang tingin ni Louie kay Raffy. Si Shin naman ay ang lapad ng ngiti na animuy alam na niya ang sasabihin ni Raffy.

"Liligawan ko po si Nikki."

Lumaki ang mata ko. Ni hindi ko inaasahan to. Na may lalaking magpapaalam kay Mommy na liligawan ako. Sumigaw ng bahagya si Shin. At parehas naman kami ng reaction ni Mommy. I though this dinner will just end up into an ordinary friend and family dinner.

Tumingin si Louie kay Mommy. Hinihintay niya siguro ang reaction ni Mommy.

Tinignan ako ni Mommy na parang may malaking question mark sa noo niya. Tumikhim siya at napaupo ng maayos. "I did not.. expect this."

Gusto kong sigiwan si Mommy na 'AKO DIIIIIIN!' Pero what the F. Bakit ba namimigla itong si Raffy?

"B-but... Tita. Kung hindi pa po kayo papayag. I understand. I really do."

"W-well. It's fine!" Sabi ni Mommy na bahagyang sumigaw. Nakatingin kami lahat sa kanya. "Nikki is 18. And it's... it's quiet normal for teenagers to have suitors. And as I can see, you, Rafael is a very nice young man." Mom smiled, "But the decision is really not for me to be made. Right, Nikki?"

Napalunok naman ako sa sinabi ni Mommy at ang lahat ay nakatingin na sakin. Pero yung tingin sakin ni Louie, iba eh. Para siyang mangangain ng tao eh. Nakakatakot naman tignan 'tong lalaking 'to.

"M-mom... K-kasi.." Hindi ko natapos ang sinabi ko nang magsalita si Louie at hawak niya ang phone niya.

"Oh, nay... I'm sorry. One of my managers in the Pub called me. I need to be there right now."

"You have a pub, Louie?" tanung ni Mommy na nakangiti.

"Yes. Nakapundar ng kunti at nakatayo ng negosyo." Tumingin siya sa relo niya. "Nay.. I really have to go. I'm very sorry." At tumayo na siya.

"Yes, no problem, anak. Basta bumalik ka dito ha?"

"Of course."

"Nikki, pakihatid naman si Louie sa labas." sabi ni Mommy.

Tumango lang ako at nauna akong maglakad kesa kay Louie. Habang naglalakad iniisip ko parin ang sinabi ni Raffy. Hindi talaga ako makapaniwala. Ano bang nagustuhan niya sa'kin at manliligaw siya? Hindi ba siya kinakabahan sa sinasabi niya? Ako?

As in ako? Liligawan niya? Kaloka!

Nang nasa may pintuan na kami ay nabigla ako ng makasandal ako sa ding-ding at nasa harap ko na si Louie.

Nanlaki talaga ang mata ko at nanayo ang balahibo ng maramdaman ko ang hininga niya.

Ang bilis ng pangayayari. Itinulak lang naman ako ni Louie sa pader at subrang dikit na niya sakin. Wow lang.

"Wag mu siyang sasagutin." mahina niyang sabi.

"H-ha?" takang tanung ko.

"Don't answer him." Obviously tinagalog niya lang. "I mean... bawal kang magpaligaw."

Kumunot ang noo ko. "What?"

Bumungtong-hinga siya. "Please, just don't make him your boyfriend. I.. I don't trust that guy."

Tapos mabilis pa sa kidlat na umalis siya sa harapan ko at pumasok sa bahay na tapat nang amin.

Ano bang pinagsasabi niya? Bakit bawal akong magpaligaw? Bakit niya sinasabi ang mga yun? Ano ba?! GULONG-GULO NA HA?!



Urrrgghhh! Louieee, ikaw na naman nagpapagulo ng isip ko!

The Billionaire's HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon