Chapter 22

870 25 0
                                    

NIKKI'S POV

Nasa Maynila na kami at nakauwi na sa bahay.

Yung kapatid ko at si Mommy ay natutulog dahil pagud sa byahe.

Sina Kenny at Tine naman ay umuwi na siguro pagud din.

Ako, parang tanga na nakatulala sa kisami. Well, because I discovered something that's very unusual.

I am falling inlove with Louie.

And I don't even know why. His simple acts, his aggressiveness, and being sweet when we are alone together.

PAASA.

Yan pala ang sinasabi nila Tine at Kenny. Ngayon ko lang nagets.

Sino ba naman hindi umasa, eh parang palagi siyang andyan para sa'kin tapos para pang nagseselos siya Kay Raffy.

Well, siguro nga assuming ako. Nag assume ako na kahit kunti meron.

Pero ginagawa din pala niya yung mga bagay sa ibang babae. Sa babaing yun.

Urrgh! Nakakainis naman to.

Bakit Sabi nila Kenny na masarap ma inlove? Na ang sarap daw sa pakiramdam?

Pero bakit ang sikip ng dibdib ko? Abnormal ba ako? Hindi naman masikip bra ko.

Hayy! Baliw kana, Nikki!

Tumayo ako at nagdesisyong maligo. Pero hindi pa ako nakapasok sa banyo ay nagring na ang phone ko.

Tinignan ko Yun at unknown number ang nakalagay.

Nangunot ang noo ko. It's 10pm na kasi at alam kung wala akong binigyan ng number.

Ring lang siya ng ring. Nagdadalawang isip ako na sagutin ang tawag.

But I choose to press the green button.

"Hello?"

May tumatawa sa kabilang linya. Nanindig ang balahibo ko kasi nakakatakot ang tawa niya.

Para bang ang brusko. Parang Isang higanti ang nasa linya.

"Hi, Nikki." Mas lalo akong kinabahan.

"S-sino to? Pano mu nakuha number ko?!"

"Ano ba yan. I'm expecting a nicer teenager to answer the phone."

"Kung sino ka man, wag kang mantrip! Naglagay kapa ng voice enhancer application ha?!" Sinusubukan kung hindi matakot. But my voice is shaking.

Tumawa na naman siya. "Ang galing mu naman. Tapos ang sexy mu pa. Alam mu. Kung tatanggalin yang law-law na red shirt mu baka mas masarapan ako habang nakatingin sayo."

Tinignan ko ang Shirt ko.

Shit! Nakamasid siya sa'kin ngayon.

"S-sino ba kasi to? Pl---please. W-wag muna akong guluhin."

Tumawa na naman siya. "Hindi lang ikaw ang tinitignan ko ngayon, ang Kikay mu ding kapatid na himbing na himbing ang tulog."

Lumaki ang mata ko bigla.

SHIN.

"A-ano bang kailangan mu? P-please... Parang... Parang a-awa mu na. Wag mu kaming galawin." Halos na iiyak na ako at wala nang lakas.

"Ang gusto? Ikaw... Akin ka Nikki. Akin ka."

Tapos pinutol na niya ang linya.

H-hindi ko alam na ang gagawin ko. Nanginginkg ang buon katawan ko. At nasa tenga ko pa ang cell phone ko.

The Billionaire's HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon