Chapter 4

2.5K 68 2
                                    

Paggising ko may oxygen na nakalagay sa may ilong ko. At isang puting kisame ang sumalubong sa akin. Anong nangyari?


Ni hindi ko matandaan kung paano ako napunta dito. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang kapatid kung natutulog sa may sofa na hindi naman kalayuan sa hinihigaan ko. At ang Mommy ko, nakaupo lang pero natutulog din.


Tinignan ko ang orasan sa may bubong at alas kwarto pa ng umaga. Kaya pala ang himbing ng tulog nila.


Dahan-dahang akong bumangon kasi nagugutom ako. Hindi ko alam kung ilang araw na ako dito at ilang araw narin akong walang kain.


Umupo ako at ini-abot ang isang tray ng pagkain na nasa side table lang ng hinihigaan ko. Ayokong gisingin sila Shin, baka kasi pagod sila. Nakakaabala na nga ako, mang-aabala pa.


Kinuha ko din ang cellphone ko na nasa gilid lang ng tray at binuksan iyon. Nagulat ako sa nakita ko.


25 Message Received and 5 Missed Calls..

Ilang araw na ba ako dito at ganito ka rami ang mga pending messages at missed calls ko. Tinignan ko din sa may ibabaw ng parte ang phone ko para malaman kung anong araw na ngayon.


Wednesday, June 24, 2015.. What the!


Dalawang araw na pala akong nandito? Tinignan ko ang mga SMS at nakita kung sina Tine at Kenny ang mga nasa inbox ko. I scrolled my Inbox down at may nakita akong limang message ni Raffy.


Pinindot ko ang nasa pinaka-ibaba.


|Rafael: you're not in the class today. What happened?|

|Rafael: If ur going to absent, y won't u tell me? Or even your bestfriend?|

|Rafael: Reply Nikki. Ur making us worry. Wer are u?|

|Rafael: Answer d damn phone. c'mon!|


Pero sa last message ni Raffy, blank lang ang nasend niya. Tinignan ko din ang ibang text nila ni Kenny at Tine na OA kung magreact.


Asan daw ako, nagtanan naba, nagcutting ba. 


Not noticing the Overreacting messages of my friends, I find it very sweet and caring. I'm so happy that even though I don't have much friends, still I have true, loyal, and caring friends.

And they're enough for me.


Tinignan ko din ang missed calls at nakita kung halos lahat ng missed calls ay galing kay Raffy. Why do he care so much?


We only met one day. Sa nakikita ko kasi sa mga love story na pinapanuod ni Shin sa amin, A day is not enough to know the person. Pero siya, kung maka-asta parang isang taon na kami nagsama ah.


"You're awake." Tinignan ko si Mommy na kagigising lang at nag-unat pa.


The Billionaire's HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon