Chapter 27

973 33 0
                                    

Nikki's POV

"Kumain kapa, anak. Madami pa dito." sabi ni Mommy habang kumakain ako at nasa may table siya. Subrang busog ko na kahit isang apple lang kinain ko.

Para kasing hindi pa tumatanggap ang tiyan ko ng pagkain.

Sabi ni Mommy isang buwan daw akong hindi nagising. Isang buwan simula nang nakita nila ako sa gate ng bahay namin. Duguan ang ulo at may mga sugat sa katawan.

Hindi ko parin lubos maisip ang nangyari sakin.

At hindi ko pa masabi kay Mommy ang mga salitang sinabi sakin ng babaing may kagagawan nito. Nagpunta na dito ang mga pulis para tanungin ako sa nangyari pero pinauwi sila ni Mommy kasi wala pa daw akong lakas sumagot sa mga nangyari.

Pero sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Busog na ako, 'mmy." mahinang sabi ko.

Nakaupo ako sa hospital bed at mag-iisang oras na simula nang magising ako.

Nakabenda ang ulo ko at tinignan ko ang mga sugat ko sa braso malapit na ngang gumaling ito.

Lumapit bigla si Mommy sakin at hinawakan ang kamay ko.

Nakita kong tutulo na ang luha niya, "I'm so sorry. I was not there to help you. I should've ..."

Mommy's voice is shaking and I interrupt her. "Mommy. Wala ka namang kasalanan. Please don't blame yourself."

"Wala akong ibang masisi anak." At humagulhol na siya. "At kahit saan man tingnan ako ang nag-utos sayong pumuntang mall kahit na meron ng mga~~~"

natigilan si Mommy sa sasabihin niya. Gusto ko siyang magpatuloy sa sinasabi niya. "Meron nang ano, Mommy?"

Naguguluhan si Mommy kung sasabihin ba niya sa'kin.

"A-anak..."

"Mommy. Marami po akong narinig sa babaing kumuha sa'kin. At kahit ano dun ay wala akong naintindihan."

Sa totoo lang nainitindihan ko lahat ng sinabi ng babae, pero hindi matanggap ng utak at puso ko. Gusto ko kay Mommy manggaling na hindi ako dapat mag-aalala kasi hindi totoo ang mga sinasabi niya.

Pero parang hindi iyon maririnig ko ngayon.

"What.. what have you heard, Nicole?"

"Marami." diretsa kung sagot.

Magsasalita pa sana ako ng dumating si Daddy sa hospital at niyakap ako agad.

"Nicole, We thought we lost you. I'm sorry that I'm late. I flew directly from Vietnam when I heard you're awake." sabi ni Daddy habang yakap-yakap ako.

"Dad... umuwi ka?"

"Yes. And we will be together again. I won't leave you anymore. Not ever." A smile formed on my lips.

Buti naman at dito na si Daddy mananatili. Pero dapat pa bang may mangyari bago kami magsasama.

"Now, pack your things because we will be migrating to London two days from now. Your sister is ready. Ikaw nalang ang hinantay naming magising."

What? Kumunot ang noo ko. "L-London?" humiwalay ako ng yakap kay Daddy

Sinilip ko si Mommy.

"What's the problem sweetheart?" tanong ni Daddy

"H-hon.. Hindi ko pa nasabi kasi ~~~" sabi ni Mommy.

"Oh. Then, sorry to ruin the surprise." My Dad gave me a wide smile. "But, yes. We will stay there for good. You will continue your study there and whatever course you want to get you will take it. Whatever makes you happy, Honey."

The Billionaire's HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon