Chapter 24

845 23 0
                                    

NIKKI'S POV

Nakakawalang gana mag-aral.


Bumalik lang sa dati yung estado ng buhay ko.


Yung bobong nerd dati na walang kaalam-alam sa buhay.


Na binubully sa school dahil sa kulot kung buhok. Walang Louie na nagtatanggol o nanghihila nalang bigla.


And I thought na mas magiging maayos ngayon kasi bumalik lang ako sa dati. Pero parang wala lang saysay yung buhay ko.


Ni hindi ko nga alam na itong pagiging Business ad student ko ay yun talaga ang tatahakin ko. Ni hindi ko alam kung anong passion ko.



Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako nag-Business Admin. Siguro dahil ito na ang pinakasafe na course.


"Nicole Moore! Are you even listening?" Tanong sa'kin ng Major teacher ko.


Shit! Hindi pwedeng pag-iinitan ako ng ulo nitong major teacher namin. Subrang terror nito at pag napagalitan kana ikaw na talaga yung e-memention niya lagi.


"P-po? O-opo... Nakikinig ako." Yun nalang isinagot ko.


"Really? So can you elaborate or just summarize what I just discussed 5 minutes ago?" She said while crossing her arms.


Oh no!


"Ammh... Ammmh.. T-the.. uhh.." tinitignan ko sila Kenny at Tine sa harapan para humingi nang tulong.


May ipinakita si Tine sa'kin na papel na parang yun yung diniscuss nila.


Pero di ko makita. Subrang liit ng mga letra.


"You listen to the teacher next time! Stop day dreaming. How can you even answer the Midterms if that's how you act?"


"Y-yes Ma'am." Naupo na ako sa pagkakahiya.



Urghh!! Ayoko na!!



"May problema ka, Niks?" Tanong ni Tine sa'kin.

Iling lang ang sagot ko sa kanya.

Gusto Kong sabihin sa kanila ang nangyari. Kung pano nabasag ang puso ko ng makita ko si Louie na may kasamang ibang babae.


Kung pano ako umiyak every night for almost 2 weeks now since I saw them.


Grabe. First time ko pa naman mainlove tapos ganito pa.


Bakit pa kasi ako binuhay sa Earth?!

The Billionaire's HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon