Beinte Dos

1.2K 36 0
                                    


Pagkauwi, umidlip muna ko. May klase pa naman si Elmo. Mga 4PM pa yun matatapos. 1:30 palang naman.

Nagpalit ako ng shorts at razorback, mainit kasi lalo dito sa taas. Gabi lang pwedeng mag bukas ng A/C. No.1 rule ni Manang Fely yun. Madali naman ako nakaidlip.

Maya maya naalimpungatan ako. Pakiramdam ko may mainit sa bandang leeg ko. Parang may katabi ako..At totoo nga! May anghel sa tabi ko. Yiiiee!!! Ang gwapo!!!

Baby?! , marahan kong kalabit sa kanya..

Moe?! bulong ko sa kanya

Humigpit ang yakap niya sa akin, at marahang dumilat.

"Baby!, Sorry nakatulog ako" sabi pa niya.

"What are you doing here?!" tanong ko sa kanya.

"Pano ka nakapasok dito?" tanong ko ulit

"Pinapasok ako ni Manang Fely" sabi niya pero nakapikit.

Yakap yakap pa rin niya ko. At halos di ako makahinga sa sobrang lapit
niya sa akin.

"Sure ka ba?! Baka naman tinakasan mo yun!";ungot ko sa kanya

"Baby, naman palagay mo naman sa kin, akyat bahay?" sabi niya pa

"May basbas yung pagakyat ko, nirarayuma daw kasi siya at di
makaakyat kaya puntahan na daw kita" paliwanag niya.

"Eh you were asleep, kaya tumabi nako!!hehe!!

"I'm so sleepy..Anong oras nako nakauwi diba? sabi niya.

"Hep! Speaking of which!! Sino nga pala kasama mo kagabi? Ha!
mataray kong tanong sa kanya.

"Elmo, wala pa man, nagloloko ka na ha!?" hinampas ko ang braso
nya.

"Ouch! Baby naman. Bayolente." nagingisi niyang sabi.

"Wala, kung sino sino lang yun. Nayaya lang naman ako kagabi"

"Baka may girls dun?" irap ko sa kanya.

"All boys kami, baby! Wag ka na magselos!" Sabay halik niya sa
braso ko.

" Sinasabi ko sa yo Elmo, malaman kong may babae ka, ayawan na!"
banta ko sa kanya.

"Baby naman, don't say that!" naiinis na sabi nito.

"Ikaw lang gusto ko, okay! So stop overthinking" diin niya.

"Don't you trust me? tanong niya.

"I do, it's the people around you that I don't", sabi ko pa.

Dumiretso siya ng upo saka ko kinabig palapit sa kanya.

"Baby, naniniwala ako na ikaw na ang katapat ko!" seryoso na siya

"Di naman ako ganito sa iba eh" sabi pa niya.

"And what do you mean by that? tanong ko.

"Hindi naman ako clingy, sayo lang" lambing niya.

"And I told you, di naman ako seloso"

"At ngayon lang ako nagselos, imagination pa! Hehe!"

"Ang creepy diba!" Ngingisi ngisi siya.

Natawa ko sa sinabi niya. He always say na kung alam lang daw niya na wala naman talaga kong boyfriend, sa Greenwhich pa lang daw nanligaw na siya.

"Baby, I know everything seems a bit fast between us"

"And frankly, I don't really care."

"Ke araw o oras lang tayong nagkakilala, sure ako ikaw ang gusto
ko" sigurado niyang sabi.

"Ikaw na nagsabi diba, hindi lahat may explanation."

"What I know is that from the moment I bumped in to you sa
bookstore, para akong nakakita ng fireworks!!" as he waves his
hands in the air habang nangingiti.

"Ay naku nambola ka pa!? Bilog na po ang ulo ko oh?! sabi ko naman

"It's true. Di naman kita pipilitin kung ayaw mo maniwala hehe!!
Biro naman niya. Sabay hila at pitik sa strap ng bra ko.

"Elmo!!!!! Ang sakit kaya?!? sigaw ko.

"Bakit ba kasi ganyan suot mo? Di ba kasama mo si Toyang
dito."

"Di ba lesbian yun?!" mahina niyang sabi as if may makakarinig.

"Ano naman, maayos naman ang suot ko! Nasa bahay lang ako eh",
depensa ko pa.

"At hello?!? Ikaw po ang pumasok sa private space ko! Sabi ko pa.

"Harmless naman si Toyang. Grabe ka naman, Baby?!"

"Just making sure na di ka nababastos!" sabay halik sa pisngi ko.

" O sige, go dress up, Baby! We're gonna watch a movie."

"I'll just wait for you downstairs na lang!" utos niya.

"Okay po Boss!," sabi ko na lang.

Ang sarap lang ng feeling ng may nagpoprotekta sa yo. Ngayon lang nangyari to sa akin. And I like the feeling. Swerte ko lang talaga kay Elmo. ❤❤❤




Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon