SAIS

1.2K 34 2
                                    

1.10.16 Sunday 8:00 AM

Maagang nagising si Julie Anne. Magsisimba siya sa Baclaran Church. Hanggat maari, nagsisimba talaga siya every Sunday. Para sa kanya, her faith gets her through the day. Wala siyang iniindang lungkot, pagod, o pangungulila. Alam niya malakas siya kay Lord.


Katatapos ng mass. Napakadaming tao sa Baclaran. Halos di na nya kailangang humakbang para umusad. Nadadala na lang siya ng agos ng tao.

"Hay!, sa wakas nakalabas din!" Sabay ayos nya sa nagusot na blouse. Hinawi hawi din nya ng kamay ang buhok na bahagyang nagulo. Saka nag abang ng jeep pauwi.

Pagdating sa boarding house, nagmano ito kay Manang Fely, bago dumiretso sa kwarto.

"Dude! Sigaw ni Toyang. "San ka galing?" Nakahiga ito sa kama nya habang tino toss ang bola ng volleyball.

"Nagsimba ko Dude!" " Kanina ka pa?" Tanong ni Julie.

"Di naman, mga 30 minutes ago lang".

"Kumain ka na ba?" "May dala akong Caldereta, luto ni Mama"

"Tikman mo daw", sunud sunod na sabi ni Toyang.

"Talaga! Sige, di pa nga ko nag Breakfast eh." "Halika sabayan mo na ko." Sabay hila ni Julie kay Toyang para tumayo ito.

Magkaharap sila sa dining table at pinagsaluhan ang Calderetang dala ni Toyang.

"Musta naman ang weekend mo, Dude?" "Anong gimik mo?" Tanong ni Toyang.

Nangingisi itong parang may inaalala.

"Hmm, ok naman. Nag Robinson's Place ako kahapon at nabili ko na yung target kong book." Sabi niya.

"Eh bakit para kang kinikilig?" Pansin ni Toyang.

"Com'on , Anong ganap sayo?" Kulit nito.

"Wala naman. May eksena lang sa mall nung nagpunta ko" Ngiti niya.

"Bakit? May nakita kang artista? Sabi ni Toyang.

"Parang ganun na nga!" Ngisi nito.

"Sus! Pa suspense pa to! Ano nga?!"

"Siguro nagkaBoyfriend ka na!" "Isang araw lang akong nawala, kumerengkeng ka na! Hahaha! Asar ni Toyang.

"Uy, grabe siya oh!" "Kumerengkeng agad!"

"Di ba pwedeng nag dalaga lang ng konti!?!" Natatawang sabi nito.

"Basta ako dapat una makaalam kung may Boyfriend ka na ha?" Giit ni Toyang.

Habang naghuhugas ng pinagkainan, napaisip si Julie.

Boyfriend agad? Ni pangalan ko nga hindi niya alam. Nahihibang na ata talaga ko. Lagpas pa sa Mt.Everest ang taas ng pangarap ko.

Hay Julie Anne, wag umasa at masasaktan ka lang.....

_______________________________________________________________________

Short Chap! ✌





Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon