Sitenta y Kwatro

1.2K 47 2
                                    


Nagkukuwentuhan pa din kami ni Elmo. Na busy kasi kami lately. Pero hindi naman ako nagaalala na nabawasan ang oras namin para sa isa't isa. Alam ko naman na may kanya kanya pa din kaming priorities sa buhay.

" So kelan matatapos tong resto mo, Baby?", tanong ko sa kanya.

"Well, nasa planning stage pa naman, Baby!",sagot nito.

"I'm meeting the Architect next week. College friend ni Maxx sa Ateneo", dugtong niya.

"Frank is helping me with the concept!", sabi pa nito.

"Gusto ko "Fusion", para may variety!", ngisi niya.

"A little of everything! American, Italian, Spanish, French and Filipino"...

"I see. Isasama mo ba ang favorite kong Tapsilog?", biro ko sa kanya.

"Why not?. Gagawa ko ng sarili kong version at ipapangalan ko sayo!", ngisi niya sabay pinch sa pisngi ko.

"Talaga?", ano naman?", tanong ko.

"Hmmm, My Julie's Tapsilog haha!", biro niya.

"Or Elmo's Tapa Surprise to Julie, haha!!!, patawa niya pa.

"Haha! Sarapan mo ha!", kantyaw ko.

Natawa naman ako. The thought na gusto niya isama ang paborito ko sa menu niya eh sapat na sakin, pero yung ipapangalan pa niya after me, yun special talaga yun hehe!

"Ikaw, kung may ideas ka, Baby let me know!",sabi niya.

"Gusto ko din na may input ka dito, since it's a long term investment.", sabi pa niya.

"Talaga?, ngisi ko sa kanya.

"Wala naman ako masyadong alam sa ganyan, Baby!", pout ko sa kanya.

"Hindi din naman ako magaling magluto?",..

"Wala akong dish na ma she share", bagsak ang balikat kong nagsalita.

"Haha!, don't be sad!, pwede naman sa interior at design ka bumawi, Baby!", pampalakas niya ng loob sa akin.

"Okay, hehe!", nasabi ko na lang.

Natahimik kami sandali. Nang biglang may nilabas si Elmo mula sa bulsa niya. It's a small box.

[Oh my God! Elmo! Please don't do this. Not yet.]

Inilabas niya ang isang bracelet. Hay!!!Salamat akala ko singsing na!haha!

It's a Silver Pandora Charm Bracelet. Wow! Hindi ata common for a guy ang magregalo nito. Malalim talaga magisip din to si Elmo eh.

May dalawang charm ito. Ang isa nakalagay ang mga letrang "JE", ang isang charm naman ay, "Forever".

"Baby, ang dami mo nang naibigay sa akin", nahihiyang sabi ko.

"Hindi ko naman kayang pantayan ang lahat ng ito", sabi ko sa kanya.

"Baby, hindi mo naman kelangan makipag contest sa akin sa regalo", sabi ni Elmo.

"I wanna do this, because it's my way of showing you how much I love you!", sabi pa niya.

"Kung may ibang paraan lang sana para malaman mo kung gano kita kamahal, gagawin ko", ....

"Kung pwede nga lang na buksan ang puso ko, malalaman mo na ikaw lang ang laman nito", seryoso niyang sabi.

Naluha naman ako sa sinabi ni Elmo. Alam ko naman na mahal niya ko. Wala naman nakong duda doon. Pero nakakatuwang isipin na nagaalala pa siya sa mga bagay na dapat ginawa niya para lang mapatunayan na mahal niya ko.

"Baby, I told you, ikaw lang sapat na", sabi ko

"You don't really need to shower me with all these gifts", ...

"But I'm not saying that I don't like it... of course I do",...

"But it's the love that goes within the things that you do is what matters the most to me!", sabi ko pa.

"Kasi alam ko yung effort na binibigay mo dun,!, sabay halik sa pisngi niya.

"Kahit simple lang, Baby!, makita nga lang kitang nakangiti, okay na sakin yun!", paliwanag ko.

"Di ba nga, ikaw lang sapat na!" , ngisi ko.

"Sarap naman pakinggan nun, Baby!", halik din niya sa kin.

"Oh sige na nga, nagbobolahan na tayo dito eh hehe!", biro ko ulit sa kanya.

"Happy Birthday, Baby ko!", sabi naman niya.

He then leaned forward to kiss me. Damang dama ko ang pagmamahal sa bawat halik na ginagawa ni Elmo sa akin. Dahilan para maluha ako habang magkadikit ang mga labi namin.

"Hey! Are you crying?", tanong niya.

"I'm just happy, Baby!",....

"I can't help but be emotional pag ganito na ang usapan natin eh.", paliwanag ko sa kanya.

Ngumiti naman siya.

"I love you, Julie!", bulong niya pa.

Ganun pala yun no?!?. Sometimes, it doesn't really need a candle light dinner, or a high end restaurant, or a good background music to set the mood for a romantic evening.

Gaya ngayon. Maririnig mo pa ang bahagyang ingay ng sasakyan mula sa labas. At ang sigaw ng isang nagtitinda ng balut.

Kung titignan ko naman ang lugar kung nasan kami, makikita ang ilang piraso ng hollow blocks, pintura at mga bakal na nakahambalang.

Aandap andap din ang ilaw na nagsisilbing liwanag sa amin.

At kung iisipin pa, Tapsilog is definitely not a good date meal, haha!

Pero lahat ng yun balewala sa akin. Ang importante lang si Elmo ang kasama ko. At hindi pa man tapos ang gabi, I can say that this is my happiest birthday so far. ❤❤❤





Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon