Beinte Uno

1.2K 34 1
                                    


9AM ang pasok ko sa Starbucks. Pero mag undertime lang ako til 12. Kailangan kong makipag kita sa Tita ko, kay Sr.Angelica, sa Nursia. Nasa likod lang naman ng St.Scho yun. Mas malapit pa nga yon sa boarding house.

[Nursia is an extended complex of St,Scholastica's College, where the Institute of Women's Studies is located]

Eto na din ang chance kong sabihin sa kanya na may boyfriend na ako,
I'm sure maiintindihan naman niya ko.

"Bless po Sister A! " sabay mano ko. Yun ang tawag ko sa kanya pero Tita pa din naman kapag kausap ko siya.

"Bless you Julie!" bati din nito.

"Kamusta na po kayo, Tita?" Tanong ko.

"Mabuti naman. Ikaw kamusta ang school mo?" ,tanong nito pabalik

"Ayos naman po. Hopefully umabot ang GPA ko para maqualify sa
Honors" ngising sabi ko.

"Mabuti kung ganun! Masaya ako at matatapos ka na din" Ngiti niya

"Kamusta pala si Fely?"

"Hindi na ba nag migrate sa America? Tanong niya

"Hindi na po. Ayaw niya daw kaming iwan eh!" Natatawa kong
kwento

"Maalaga talaga yan si Fely. Magmamadre din sana yan kung hindi
nakilala si Ernesto eh!" Natatawa niyang inalala ang kaibigan.

"Eh na inlove naman po pala kasi Tita, hehe!" sabi ko.

Teka tiyempo ko na to para masabi ko din na may lovelife na ko ah. Pagkakataon nga naman talaga.

"Ah, Sis A. May sasabihin po sana ako sa inyo eh.", malumanay ang
boses ko.

"Ano? Na may nobyo ka na?" sabi nito. Pero nakangisi siya

Bakit ang galing naman niya manghula? May Psychic ability din,
ganun? Di naman ako nagaalala na magagalit siya. One, mabait
si Tita. Two, madre siya for God's sake, kaya alam ko walang
problema.Nahihiya lang din siguro ako kaya ganito ang pakiramdam
ko. Sa kanya na din kasi ako lumaki halos.

"Bakit po ninyo alam?" Taka kong tanong.

"Eh sino pa ba? Eh di si Fely ang nagkwento sa kin". Tawa niya.

"Ah ganun po ba,? Si Manang Fely talaga?!" Sabi ko na lang.

"Julie, bukod sa pagiging kasera mo, binilinan ko din naman si Fely
na bantayan ka. " sabi nito.

"Siya din ang nagsasabi kung gano ka kasipag magaral pati na din
sa trabaho" kwento nito.

"Mabait kang bata, Julie. Natutuwa akong lumaki ka ng maayos"

"Hindi naman ako mangingialam sa personal mong buhay, basta
ipangako mo sa akin na alam mo ang ginagawa mo", paalala nya

"Opo, Tita." Nangingilid ang luha ko. Si Tita na lang din talaga kasi
ang nagiisa kong kamaganak sa ngayon. Maswerte ako na
nagkaroon ako ng tiyahing kagaya niya.

"Isipin mo pa din lagi ang kapakanan mo. Ikaw lang ang
makakapagdikta sa gusto mong tahakin na buhay",dagdag nito.

"Naalala ko pa dati, iniisip ng Mommy mo na mukhang
magmamadre ka din tulad ko", nangingisi nitong sabi

"Napaka tahimik mo kasi noon, napakahinhin",

" at sabi mo pa ang gusto mong wedding gown ay kagaya ng sa suot ko" siya na ngayon ang naluluha.

"Kaya naiyak kami ng Mommy mo, dahil inakala namin..
pag mamadre ang magiging bokasyon mo sa buhay." Kwento nito.

"Masaya ako para sayo, Julie. Kung natagpuan mo man ang ikaka
ligaya ng puso mo, sige lang, wag mo pigilan"

"Hindi lahat nagkakaroon ng chance sa pagibig" makahulugan
niyang ngiti sa akin.

Naintindihan ko ang tugon na iyon ni Tita. Not everyone is destined
to be with someone. Single-blessedness is also a choice.

Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayon.
Masaya dahil tanggap niya ang desisiyon ko. Malungkot kasi
namiss ko siya at ang Mommy ko.

Di na din kami nagtagal magusap. May kikitain din kasi siyang isa
pang madre. Niyakap ko siya ng mahigpit bago pa kami tuluyang
naghiwalay.

I feel relieved dahil nasabi ko na kay Tita ang status ng puso ko
ngayon. Kahit naman may boyfriend nako, hindi ko naman siya
bibiguin. And I know, I also owe it to myself. Nagsisikap naman
talaga ko makatapos.

At kung sisiguraduhin kong hindi magiging hadlang ang pakikipagrelasyon ko kay Elmo....

Speaking of Elmo....Ano na ba nangyari dun?


Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon