Kwatro

1.4K 38 0
                                    

After ng class ko today. Dali dali akong umuwi sa boarding house para maligo at magpalit ng uniform. 5 to 10 ang duty ko sa trabaho today. 4:40 na sa relo ko at maglalakad pako.

Kulang na lang talunin ko ang 8 steps ng hagdanan ng boarding house namin para lang maka save ako ng kahit 2 minuto lang.

Tumatakbo nako halos at di ko na pansin ang tao sa paligid ko.

Nang biglang....

"Aray!" "Watch where you're going naman!" Sigaw ng lalake. At natapon ang hawak nitong kape sa shirt na suot.

"Naku, S-sorry!" "Di ko sinasadya!"

"Nagmamadali kasi ako eh" Sabay takbo.

"Pasensya na!" Palingon kong sigaw.

"Shiit.!" "May class pako mamaya eh!!" Inis na ungot ni Elmo.

Oo! Yes! Tumpak!! si Elmo nga ang nakabangga ko. Of all people si Elmo pa talaga.

"Lord naman, alam ko pong di ako nakapagsimba nung Sunday!"

"Pero wag nyo naman po sana kong parusahan ng ganito." Dasal ko.

Deadma akong dumiretso ng lakad. Walang lingon lingon. Bahala na si Batman.

"Nakakahiya naman talaga oh!" Namumula pang sambit ko

Pagdating sa Starbucks, dali dali akong nag ready para sa shift.
Huminga ng malalim para mawala ang bad vibes.

I smiled then approached the counter, opposite the cash register.

Marami rami na din ang tao. Uwian na kasi ng students pati na din ang ibang " yuppies"na nakasurround sa area.

Sunod sunod ang tawag ng names for orders. Aligaga na din ang mga barista.

Nang pumasok ang isang lalaking nakatawag ng pansin kay Julie Anne.

"Shit!, Ayan na siya!" Sabay takip sa mukha ko. Sinilip ko ito sa pagitan ng mga daliring nakasapo sa mata ko.

Halatang bwisit si Elmo, kitang kita sa hilatsa ng mukha niya.

Umupo muna ito sa favorite spot nya. Saka nilabas ang celphone.

"Kuya Rolly, pwedeng sumaglit kayo sa condo? Pakikuha ho ako ng extra shirt sa closet. Kahit ano na lang. Isang class nalang naman ako eh". Dagdag nya.

Tumayo si Elmo at lumapit sa counter. Nakayuko itong tinitignan ang coffee stain sa shirt nya.

Mabilis akong kumilos.Di ako pwedeng humarap dito. Nakakahiya. Nakipagpalit ako kay Sam ng spot.

"Sam, ako na diyan. Ikaw na dito sa cash reg. Ayan na yung crush mo oh!" Sabay hatak kay Sam.

Walang nagawa si Sam. Sabagay gusto din naman nya yun..

"Hi, Elmo. Ready to order Sir? Nakangiting tanong ni Sam.

"I'd like a Cold White Macchiato" order ni Elmo.

"Ok what size sir?

"Venti". At inabot ang 1 libong buo sa dalaga.

"Would that be all Sir? Tanong ulit nito. Tumango naman ang binata.

"Here's your change, Sir." "Thank you."

Si Julie ang nagprepare ng order ni Elmo. Pagkasulat ng Elmo sa cup. Nagsulat pa ito ng extra note para dito.

"Smile :)"

"Smile :)"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Si Sam na din ang tumawag para sa order nito. Nagbreak na kasi ako. Hindi ko nakita ang reaction nito. Kung nabasa ba niya o hindi.

Matapos ang break ko, di ko na naabutan pa si Elmo. May klase pa siguro ito. Kaya di na tumambay ng matagal. At alam ko din kasing wala ito sa mood.

11pm ng makauwi ako sa boarding house. Wala si Toyang, umuwi sa Laguna. Nagtext ito nung nasa trabaho ako. Kaya isa ko lang sa kwarto ngayon.

Bumagsak ako sa kama. Nakakapagod ang araw na to. Dagdag pa ang nangyari kaninang banggaan namin ni Elmo.

Di naman kasi ganun ang naimagine kong eksena kung sakali mang magtatagpo kami.

"Pero ang bango niya. Yiiiiiieeee!!! Dumikit pa nga sa kanya ang scent nito. At inamoy amoy pa ang parteng nadampian ni Elmo.


Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon