Beinte Otso

1.2K 33 0
                                    

May trabaho ako ngayon. 9Am ang start ng shift ko. Hapon pa kami magkikita ni Elmo. Ala siyete ng umuwi siya kanina.

Masaya ako. Wala ng takot sa kin dahil wala na kong tinatago pa kay Elmo. Mas nainspire ako ngayon sa maraming bagay. Sa trabaho, sa school, at sa relasyon namin.

Alas dose nang may pumasok na customer. Ang aga naman niya.Si Sam ang nasa cash register.

"Hi, Elmo, ang aga nyo, Sir ah!",bati ni Sam.

"Ha, oo namiss ko magkape eh,hehe!", biro nito.

Napapangiti ako habang nagpe prepare ng pending orders. Nakatalikod man ako sa kaniya. Nararamdaman ko ang kilig. Oras pa lang ng maghiwalay kami, pero namiss ko siya agad.

"One Latte Macchiato for Moe!", sigaw ko.

Lumapit siyang malaki ang ngisi sa kin. Kinuha ang order in Venti cup. At bigla akong hinalikan sa pisngi. Nagulat ako sa ginawa niya. Di naman napansin ni Sam ang ginawa nito.

"Moe,ano ka ba?!" ,bulong ko sa kanya.

"Why, can't I kiss my girlfriend at work?", sabi naman niya.

"Heh!, sige na upo ka muna. Matatapos na shift ko ng 1.",sabi ko naman.

Pag upo niya. Napangiti siya sa note ko sa cup niya.

"See yah in a bit! I ❤ u!

Nakailang serve pako ng kape bago pa tuluyang natapos ang shift ko. Sa labas na kami nagkita. Wala siyang pasok. Ilang units lang kasi ang load niya this sem.

"Baby, where do you wanna eat?!", tanong niya

Sakay na kami ng kotse niya at nagmamaneho pauwi sa boarding house. Maliligo at bihis muna ko bago kami aalis.

"Ikaw na bahala baby, wala naman akong kincrave ngayon",sabi ko.

"But Pizza sounds good!", suggest ko.

"Yeah, Pizza's okay. Parang I want CPK", sabi naman niya.

Nasa boarding house na kami ngayon. Nagpahinga lang konti.Bago naligo nako. Nasa kwarto ko siya naghihintay. Nasa computer siya at nagba browse sa net.

"Moe, bihis lang ako!", sabi ko. Nakarobe ako habang nakabalot ng towel ang ulo ko.

"Okay!", pero di siya natitinag, nakaharap pa din sa computer.

"Baby!, wait for me downstairs!, sabi ko sabay bukas ng pinto.

"Ah, okay hehe!" sabay tayo at kamot sa ulo.

"Kala ko dito lang ako habang nagbibihis ka, hehe!" hinalikan niya ko sa pisngi.

"In your dreams, Magalona!, sigaw ko naman

"Soon, Baby!! Soon!!", ngisi niya.

Madali lang ako nagbihis. Naka collared sleeveless na white at dark skinny jeans at flats lang ako. At dahil basa pa konti ang buhok ko, binlowdry ko ito at hinayaan lang nakababa. Nag lagay ng konting make-up then cologne.

May kausap si Elmo nang maabutan ko siya sa baba. Nasa labas na nga ito eh.

"Sino yun, Baby?", tanong ko.

Naglakad na kami papunta sa kotse niya. Nakaakbay siya sa kin.

"Ah, si Saab yung sister ko.", sagot naman niya.

"She's asking if pwede daw ako for a music video", tuloy nito.

"She's in a band kasi eh, yung Cheats?", sabi pa niya.

"I see, eh di okay. Ano sabi mo?", tanong ko naman.

"I'll check my schedule first sabi ko", saka pinagbuksan ako ng pinto sa
passenger's side.

Umikot naman siya papunta sa Driver's side.

"Eh libre lang naman yun, walang talent fee hehe!",ngisi niya sabay
start ng engine.

"I'd rather spend that day with you ,db?!" sabi nito.

"Hey!Wag ganun Moe.!" sabi ko sa kanya.

"Samahan kita if you want!", pilit ko

"Haha! Okay, I'll think about it!", sabi niya sabay hawak sa baba ko.

"May leading lady dun, baka magselos ka?", asar niya.

"Hindi no, okay lang!", depensa ko.

"Trabaho lang naman yun!", panigurado ko.

"Okay !"

"Kahit may bed scene? , sabi niya na nakangisi sa kin.


"Bed scene?", tanong ko.

"Di ba indie pop ang genre ng Cheats?!",tanong ko.

"Pano naman magkakaroon ng bed scene dun!?", usisa ko

"Haha!, I was just teasing you, Baby!", sabay bawi niya.

"Di ko pa naman alam kung pano yung sa Music video, eh!"sabi niya

"Sige sasama kita pag natuloy kami mag shoot!" ,sabi niya.

"Okay!", "Promise?!?", lambing ko sa kanya.


" Promise, Promise!!!", sabi niya. Sabay halik sa kamay ko.

"I love you, Moe!",sabi ko sa kanya.

"I love you more!" sabi naman niya.

"Always, Always!!" pahabol niya pa.

Kinikikig naman ako. Posibleng pa lang mainlove sa isang tao ng paulit ulit. ❤❤❤❤

Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon