Sinkwenta y Tres

969 36 2
                                    

Hindi ako pumasok sa school today. Ngayon lang naman ako umabsent. Valid naman ang reason ko. Kelangan ko talagang makahanap ng malilipatan ngayon. Hindi ko dapat sayangin ang araw na ito.

Dala dala ang isang dyaryo ng Classified Ads, inisa isa ko ang mga boarding house, room for rent at bedspace sa mga katabing street mula sa Estrada. Ayoko naman lumayo dahil mamamasahe pa ko pag nagkataon. Di kasama sa budget ko yun, lalo't araw araw.

"Tao po!", sigaw ko sa labas ng gate ng may 3 pintong apartment compound.

Yung sa gitna ang sabi sa Ads na may bakanteng kwarto.Lumabas ang isang malaking lalake. Mga 40's na ito. Mahaba ang buhok at mukhang di naliligo.

"Ano yun?", tanong nito habang sinisilip ako mula sa pintong nakabukas.

"Mag iinquire po sana ko sa room for rent?", sigaw ko.

"Bakante pa po ba?", tanong ko pa.

Lumabas ang lalake saka binuksan ang gate. Makitid lang ang daan dito. Pagpasok sa apartment langhap mo ang amoy yosi dito.

"Sa taas yung bakante", sabi naman nito.

Umakyat naman ako para silipin ang kwarto. Maliit lang ito. May single bed na walang kutson at may isang maliit na cabinet sa kaliwa nito. May isang maliit na bintana at walang electic fan.

"1,800 ang upa. Kasama na lahat!",bungad ng lalaki sa tabi ko.

"Sagot mo ang kutson at electric fan! Depende na lang kung gusto matulog sa papag at sanay kang papakin ng lamok!", sabi nito sabay sindi ng yosi niya.

Naubo naman ako sa ginawa niya. Naku hindi pwede at baka bumalik pa ang asthma ko dito.

"Ah, sige po babalik na lang ako kung kukunin ko!", sabi ko na lang.

Lumabas akong disappointed sa nakita. Pang benteng inquiry ko na ata ito pero wala pakong natityempuhang maayos. Kung di maraming aso, maraming tambay. Kung di liblib, bahain naman. At kung may makita naman akong maganda at maayos, napakataas naman ng renta. Hay!!! Paano na ko nito? Baka sa kalsada nako pulutin nito pag nagkataon.

Alas 5 na ng hapon. 12% na lang ang battery ko. Buti na lang alam ni Elmo na may lakad ako. Saka busy siya today gawa ng research niya.

Naalala ko bigla kung sino ang dapat kong tawagan.

" Samantha!", sigaw ko sa cellphone.

"May bakante ba sa boarding house mo?", tanong ko agad.

Samantha: Naku wala ngayon, siksikan nga kami dito dahil may
dumating na bisita yung may ari.
Para kaming sardinas sa isang kwarto!

Julie: Ganun ba? Kelagan ko kasi eh?",

Samantha: Bakit ano nangyari sa boarding house mo?
Wag mo sabihing di ka nagbayad?

Julie: Gaga! Haha! Ibebenta na kasi yung bahay. Kelangan na naming
lumipat.

Samantha: Ah ganun ba? Wala kasi akong alam....
Ay wait a minute kapeng mainit!!!!
Si Jay!!! Tanungin mo si Jay!! kasi naghahanap yung tiyahin niya
ng tenant. Tama try mo si Jay, Julie!!!

Julie: Okay, sige sige tawagan ko siya. Salamat, Sam!

In end call ko ito, saka hinanap ang pangalan ni Jay sa contacts ko. Mga 3 ring lang sinagot na niya ito.

Jay: Hello, Anne? Napatawag ka, may problema ba?

Julie: Jay, na storbo ba kita? May itatanong kasi ako eh.

Kinuwento ko kay Jay ang sitwasyon ko. Mabuti naman at bakante pa ang kwarto sa bahay ng Tita niya. Matandang dalaga daw yun at siya lang ang kasama nito sa bahay. Sa sala lang daw kasi nito gustong matulog kaya pinarerenta ang isang kwarto. Sa kabila namang kwarto ang kay Jay.

"Ayos ka na ba dito?", tanong niya.

Maaliwalas ang kwarto. May single bed at electric fan na ito. May study table din na pwedeng gamitin bukod pa sa built in cabinet para sa mga damit ko.

"Oo, Jay, okay na okay nako dito. Salamat ha!", ngiti ko sa kanya habang nililibot ang mata sa kabuuan ng kwarto.

Two thousand pesos ang upa. One month advance, one month deposit. Nagdown ako ng isang bwan. Yung kabuuan sa Sabado na paglipat ko. Yun lang kasi ang libre kong araw dahil nagpaalam din ako ngayon sa trabaho.

Sabado din lilipat na si Toyang. Ayaw dìn niya magpaiwan dun. Malulungkot daw siya. Si Annette naman maguuwian na lang muna daw ng San Pedro. Si Ate Jane, kinuha naman din ni Mrs. Santos para sa kanila na manilbihan. Balita kasi namin, lalake ang gusto ni Mrs.Santos na boarders. Ayaw daw nito ng mga babae dahil iintindihan niya pa daw kung magsipagbuntisan sa poder niya.

7PM na nang makauwi ako sa boarding house. Pagpasok ko, nasa sala sila lahat.

"Julie, kumain ka, may pancit!at bbq", aya ni Ate Feline.

"Hi, Ate, sige po, di ko tatanggihan yan!", sabi ko naman

Nagmano ako kay Manang Fely. Naging malungkutin ito mula ng umuwi mula sa ospital. Mabuti nga din at hindi naapektuhan ng mild stroke ang kundisyon niya. Maayos pa din naman ito, medyo bumagal lang konti magsalita.

"Kelan ang balik ni Elmo dito, Julie?", tanong ni Manang.

Umupo naman ako sa sofa dala ang plato ng pancit at bbq.

"Ah baka bukas po Manang Fely, andito yun", masiglang sagot ko.

"Alam na ba niya na lilipat kayo?", dagdag nitong tanong.

"Ah, bukas ko po sasabihin Manang Fely, pagkita namin!", sabi ko na lang.

Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala kong aalis na nga pala sila pa Amerika. Binaba ko ang plato ko sa center table saka yumakap kay Manang Fely mula sa leeg nito.

"Manang, mamimiss po namin kayo?!", sabi ko sa kanya.

"Mamimiss ko din naman kayong lahat!", sagot niya.

"Matagal din tayong nagkasama sama sa bahay na ito", dagdag niya.

Hindi nga naman biro ang apat na taon. First year college pa lang ako andito na ko. Marami ding masasayang memories ang bahay na ito.

Naalala ko pa ng magalit si Manang Fely nung mahuli niyang nasa kwarto ang boyfriend ni Ate May, yung isang graduating student dati na taga St.Scho din. Galit na galit si Manang at pinaghahampas ang lalaki ng walis tambo. Bawal talaga ang boys sa kwarto eh. Kaya nga nagtaka akong pinapayagan niya si Elmo na umakyat sa kwarto namin. Siguro magaang lang din talaga ang loob nito kay Elmo kaya ganun.

Natapos ang salo salo namin sa picture taking at selfies. Lahat puro kasama si Manang Fely. Naiyak at natawa kami ng gabing ito. Pero higit sa lahat masaya na din kami para kay Manang Fely dahil nga makakasama na niya ang mga anak niya.



Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon