Beinte Kwatro

1.3K 33 0
                                    


Natapos ang shift ko ng 4PM. At gaya ng napagusapan, 6PM pa ang punta ni Elmo sa boarding house. May pinasa lang din akong Intent letter at *CV sa Dean's Office. Para ito sa inaaplayan kong network. Malaking bagay ang recommendation ng Dean pag ganito. Pero wala akong pasok today.

Naglalakad ako banda sa gym nang matanaw ko si Toyang. Kinawayan naman niya ko kaya lumapit ako sa kanya.

"Bakit di ka naka uniform, wala ka ba pasok?" tanong nito.

"Wala, may dinaan lang ako sa Dean's Office tapos sumaglit sa
clinic." ngisi ko.

"Bakit humingi ka na naman ng gamot?" tanong niya

Ganyan kasi kami dito sa school, aarte ng may sakit tapos hihingi ng paracetamol, o kaya sakit sa tiyan o sa ubo. Sinasamantala ko kasi libre, hehe!

"Makakatayo ka na ng botika sa gawa mo Juls, haha!" biro niya

"Huli na nga to, wala na pag grumaduate ako!" ngisi ko

"Ikaw, di ka pa ba uwi? Sabay na tayo" aya ko.

"O sige sabay na din ako!", sabi naman niya.

"Nag leg cramps kasi ako kanina kaya umupo muna ko dito!"

"Rayuma na yan Toyang! Haha!"

"Kulang lang sa streching, grabe ka naman!"

Naglakad na kami palabas ng gym. May gate kasi dito na bukas ng hapon kaya may short cut pauwi.

"Pero mamimiss kita Juls, pag graduate mo."

"Iba na naman ang room mate ko nito", pagsesenti niya.

"Di pa naman ako aalis ng boarding house hanggat di pako stable
para makapag sarili" sabi ko naman.

May one year pa kasi si Toyang. Third year pa lang siya at Marketing
ang course niya.

"Baka naman magasawa ka na,Dude ha!"

"Lagot sa kin yang si Magalona na yan!" maangas niyang sabi.

"Grabe siya! Hindi pa no. Marami pa kong pangarap sa buhay"

"Saka ang advance naman ng utak mo, asawa agad!" tawa ko

"Hindi pa nga kami nagcecelebrate ng 1st Month namin?"

. "Masyado naman siyang swerte hehe!" biro ko

"Sabihin mo palitan niya yung PSP ko ha, sinira nya!" angal pa niya.

"Haha! Okay, wag mo kasi iwang pakalat kalat haha!,sabi ko sa
kanya.

Pagdating sa boarding house nagpahinga lang ako saglit saka naligo. Maya maya dadating na si Elmo.

Isang tube floral dress ang sinuot ko. I paired it with black ballet flats. Nothing fancy. Casual dinner lang naman ito.Naitext kasi ni Elmo na sa YakiMix niya gusto kumain..Well, one thing we have in common is we both love Japanese food.

6:15 nang may magtext sa cellphone ko. On the way na daw si Elmo medyo matraffic lang.

6:40 nang dumating siya. Pumasok muna ito dahil kinuha ko pa ang bag ko sa taas at nag retouch ng konti.

Pagbaba ko, sinalubong niya ko ng beso. Saka na nagpaalam kay Manang Fely. Saka binalingan si Toyang na kumakain sa dining table.

"Toyang! Sana sumama ka na sana sa amin mag dinner?" Anyaya nito.

"Naku wag na Elmo, istorbo lang ako sa inyo!" sigaw niya.

"Mapagkamalan pa kong PA mo haha!! malakas ang tawa nito.

Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon