Trenta y Dos

1.1K 32 0
                                    

Binabasa ni Julie ngayon ang isang magazine na naka feature si Elmo. Hinihintay niya itong matapos maligo.

Maya maya lumabas na ang boyfriend in plain white shirt at nike shorts.
Basa pa ang buhok nito at amoy ang fresh scent na cologne nito.

"Miss me?!", bati nito sabay halik sa pisngi.

"Di naman masyado!", ngisi ni Julie.

"So, you hungry na?", tanong ni Elmo.

"I'll cook for you!", sabay tayo at pumunta sa kitchen.

It was an open kitchen and very spacious. Umupo si Julie sa isa sa mga bar stool at pinagmasdan ang boyfriend habang naghahagilap ng kailangan sa fridge. Natutuwa si Julie na pagmasdan si Elmo.
How can someone be so cute and hot at the same time?

"You need help, Baby?", tanong ni Julie.

"No, I got it", sagot ni Elmo.

"Ngayon ka pa lang nga pupunta dito, papatrabahuin pa kita!", biro nito.

"Relax ka lang, Baby!hehe!", yabang nito.

"So what are you making?",tanong na lang ni Julie

"I'm gonna cook pasta,Baby!",

" With two sauces!", kindat niya pa kay Julie.

"Marinara and Alfredo!", sabay ngisi nito sa gf

"Wow! Pasiklaban ba ito!?! Haha!", biro ni Julie.

"Well, let's just say, I wanna give you the best of both worlds! Hehe!"

"Talaga lang ha?!?",sabi ni Julie

"Kahit tuyo lang ipakain mo sa kin Baby, basta ikaw nagluto kakainin ko!", sabi ni Julie.

Sandaling tumahimik si Julie. Kanina pa sya may gustong itanong kay Elmo.

" Ah, Baby!?" malambing ang boses nito.

"Hmmm?"sagot ni Elmo.

"So ilan na sa mga girlfriends mo ang nakapunta dito?", curious na tanong nito.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong..ikaw pa lang?",seryoso siya sa sagot niya.

"Hinde!",irap ni Julie.

"See!! Eh di ka naman maniniwala eh!" ,sabi pa ni Elmo.

"Why would you ask something, na ang tatanggapin mo lang palang sagot ay yung iniisip mo din?" umiling ito at ngumisi.

Nagpout naman si Julie.

"This place is my Sanctuary. I go here to make peace with myself."

"At ayokong magdala ng kalokohan dito, Baby!", dagdag pa niya.

"Talaga!?", ngisi ni Julie.

"Cross my heart!"sabay muwestra ng ekis sa kaliwang dibdib.

"Di ba kanina sa lagoon, anong sabi ko sa yo?!?", tanong nito.

Blanko si Julie sa sagot.

" Ikaw lang!", sabay halik nito sa pisngi.

Kinilig naman ang dalaga sa tinuran ni Elmo. Di niya alam kung binobola lang ba siya nito o hindi.Pero mahalaga sa kanya, Elmo always seem to find the right answers to her every question. Sana ganito na lang lagi. Wala ng problema.

Natapos magluto si Elmo. Saktong 8:30 kumakain na sila. They're facing each other sa counter top ng kitchen. Sharing just one plate. Ayaw ni Julie sa formal dining area.

"This is really good, Baby!",sabay halik kay Elmo sa labi.

"Sarap!!, dagdag nito.

"Pwede na ba ko magasawa?",kindat ni Elmo.

Ngumiti lang si Julie. Oo pwede na actually. Yun ang gusto niya sabihin. Elmo being this responsible, caring and loving, pwede na talaga ito magpamilya. Pero syempre hindi pa tamang panahon.

"Hmmm, siguro pag may restaurant ka na, pwede na hehe!", sabi na lang ni Julie.

"Give me a year and a half. Itatayo ko ang first resto ko!",pagmamalaki nito.

"Wow! sinabi mo yan,Baby ha!" panigurado ni Julie.

"Promise!", halik uli nito sa labi ng dalaga.

"Nakakarami ka na ha!" biro ni Julie.

"Dami mo din nakain, Baby eh!hehe!!!", asar namaan ni Elmo.

"Haha! Sige ako na maghuhugas!", sabi ni Julie

Hinyaan siya ni Elmo gawin ito. Gusto niya magamay ni Julie ang condo niya. Natutuwa siya sa presensiya ng babae sa unit niya. Totoong si Julie lang ang unang babaeng dinala niya dito. At pangako niya sa sariling, ito na din ang huli.



Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon