Tres

1.5K 37 0
                                    

6:30 AM nang mag alarm ang relo sa bedside table ko..Umupo ako sa kama para kolektahin ang sarili.

"May usapan nga pala kami ni Maqui ngayon. Gusto nyang mag breakfast sa Little Pupung's today. Nagcrave din ako sa tapsilog, at saka nag noodles lang ako kagabi." Excited na sabi ko sabay suot ng slippers.

"Toyang!!! Utang na loob ako muna maliligo at may sched ako sa Virlanie today!"

Ang Virlanie ay isang NGO na nangangalaga sa mga out of school youths. Nagtuturo kami dun once a week sa mga bata para matutong magbasa at magsulat. Minsan kinakantahan ko din sila. Nagfi feeding program kung kelangan. Part ito ng Lay Apostolate course namin sa school. At kelangan ito para makagraduate.

"Di ba 10 pa naman yun?"
"Aga aga pa. May practice kami today! " Ani Toyang

"Di pwede, magkikita kami ni Maqui for breakfast, libre nya ko." Para hapon nako kakain ulit.

"Sobra ka naman Juls! Wag mo tipirin sarili mo"
"Wala ka namang binubuhay na pamilya" Natatawang sabi ni Toyang.

"Eh minsan na nga lang ako ilibre ni Maqui, sasamantalahin ko na!"

Sabay takbo sa banyo.

Mabilis lang siya nakaligo. Nag wash up naman siya bago matulog. Nagsuot ito ng plain black v-neck shirt, distressed jeans at white converse shoes. Sinuot din nya ang eye glasses nya saka tinaas ang buhok into a messy bun.

"Una na ko Toyang. See you in school!" Sabay kaway kay Toyang.

Nasa Pergola na si Maqui nang dumating ako. Hinanap ko sya sa mga bench na andun. Madami damì na din kasi ang mga tambay. Mga highschool at ilang freshwomyn. Ang kukulit kasi ng mga Kulasang ito, nagtatakbuhan pa.

Nakita ko si Maqui sa gawi ng mga telephone booth. Mukhang naiinip na nga eh hehe. Bising busy sa cellphone nya kaya di ako napansin.

"Hi, Bessy! Kanina ka pa?!" Sabay upo sa tabi ni Maqui.

"Kahapon pa!" Sigaw nito.

"Ang aga ko kaya, usapan natin 8am. Mag 9 na po oh! Turo nya sa relo.

"Sorry naman. Naligo pako syempre.! "

"Teka, daan lang ako ng Chapel ha."

Hindi na nya hinintay sumagot si Maqui at dumiretso na sa chapel at nag dasal. Ilang minuto pa lumabas na din ito.

"Nakakahiya naman sa bessy ko, sya na manlilibre sya pa pinahintay ko", bulong ko.

"Halika na, gutom na ko. Libre mo ko diba!" Hehe!

Naglakad na kaming dalawa sa favorite hang out place namin. Malapit lang ang Little Pupung's sa school. Kinuha ang konsepto nito sa comic strip na likha ni Larry Alcala. Tapsilog ang paborito namin dito. Wala pa din masyadong tao dahil maaga aga pa naman.

"Bessy, may Virlanie ako mamaya. Last ko na yun. Kumpleto ko na units ko. One hour lang naman. Saan ka tatambay ng after class mo ng 2pm?"

"Baka umuwi na din ako. Inaantok ako eh. Di nako papasok sa Rizal. mamaya". Sabi nito.

"Ano ka ba naman, baka mag summer ka pa para dyan. Binagsak mo na nga yan ng dalawangsem!" "May plano ka bang grumaduate ha!?"

"Napuyat kasi ako kagabi" Sabay hagikgik.

"Kasama ko kasi si Gino. Wala siyang work kahapon kaya naka nood kami ng Star Wars! Nag Eastwood lang kami after."

"The usual!" Sabi pa nito na halos mapunit na ang labi sa pagkakangiti.

Si Gino ang boyfriend ni Maqui. Professional photographer ito at may sariling Ad agency. Bagay sila ni Maqui, maganda at gwapo. Pareho pang may sinasabi ang mga pamilya.

"Makangiti ka naman, parang lagpas langit na inabot mo haha!" Kantyaw ko.

"Magboyfriend ka na din kasi. Para maramdaman mo mga pinagsasasabi ko! Haha! Tawa naman nya.

"Naku Bess, alam mo naman wala akong panahon diyan. Kahit na ba gagraduate na tayo, trabaho naman ang aatupagin ko."

"Ikaw walang problema, dahil mayaman kayo" Seryosong sagot ko.

"Ako wala naman akong ibang aasahan. Sarili ko lang" Napayuko akong parang kawawa.

"Hoy! Ang drama mo!!! Wag ka nga!! Matalino ka, maganda, masipag. Impossibleng di ka makakahanap ng magandang trabahong ikakaangat mo."

"Mabait ka Bess, hindi magdadalawang isip ang Diyos na ibless ka dahil deserved mo naman.Ganun kasimple!" Sabi pa nito.

"Oo naman, it's not that I'm complaining. Malungkot lang din kasi minsan pag naiisip kong magisa ako".

"Pasalamat nga ko at andyan ka, Beshie!"

"Sus, maliit na bagay!" Biro naman ng kaibigan.

Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon