Dos

1.6K 38 0
                                    

Kriiinnggggg!!!!!

Eksaktong 8pm nang tumunog ang alarm ko. Di naman inabot ng ilang segundo, napatay ko na din to. Pumupungas akong umupo sa kama. At dahil 8pm na, madilim na talaga sa paligid. I feel refreshed . Nakahaba din ako ng pahinga today. Busy din kasi sa thesis last week, pero nakaraos nako sa defense. And luckily, I passed. Di pwedeng hinde. Sayang naman pinagpaguran ko di ba. I'm just waiting for the result kung ga graduate ba kong Cum Laude.

"Dude! Kanina ka pa? Mukhang kakagising mo lang ah!"

Si Toyang, room mate ko. Kulasa din sya. Boyish pero ayaw naman nya umamin kung tomboy ba sya. Common naman na sa school ang mga kagaya nyang, T-boli. Varsity player sya ng school. Volleyball. Madalas nila makalaban ang mga Assumptionista sa WNCAA. Madalas ang tagline namin
San Antonio vs. Singalong. Haha!

"Bakit ikaw ngayon ka lang?" Tanong ko.

"Tumambay lang sandali, kakwentuhan ko lang si Ellen!" Sabi niya.

"Sus!ayaw pa kasing umamin. Type mo si Ellen. Balita ko ok naman sa kanya mga kagaya mo. Di ba naging ka "On" nga nya daw si Bench last sem?! Push ko pa.

"Ok lang ako, Dude. Wag mo problemahin ang lovelife ko!" Ikaw dapat ang magka jowa! Haha!!

"Wala pa sa isip ko yan, wala nga kong time sa sarili ko, kukuha pa ko ng aalalahanin ko" dagdag ko naman.

"Graduating ka naman na, kelangan mo din ng konting kilig sa katawan uy!" Kantyaw nya.

Naalala ko tuloy ang eksena kanina sa Starbucks. Nginitian ako ni Elmo. Yun lang masaya nako. Di na ko naghahangad ng higit pa dun. I can love him from afar. Ano ba yun?!? Love agad.. Hay, makaligo nga muna.

Pagtapos ko maligo, nag init ako ng tubig para sa cup noodles ko. Eto lang solved na ko. Need ko magtipid. May mga babayaran pakong fees for Graduation. Baka dahil dun, mahirapan ako sa clearance.

Umupo ako sa harap ng computer ko. Nag browse sa different sites. Nagupdate lang ako sa Facebook at Twitter accounts ko.

Thank you God for this day!!! #Blessed

Nag tweet din ako kay Maqui...

Hi, Bes! I missed you today #BFForever

Naisip ko isearch si Elmo.. Kahit naman crush ko siya. Di naman ako stalker no! Wala din akong maraming time para gawin yun.Ngayon pa lang talaga ko maku-curious na tignan ang account nya. Technically, he's a public figure dahil commercial at ramp model siya. So, okay lang naman tong gagawin ko di ba.

"Hmmm, Elmo Moses Arroyo-Magalona pala full name nya. At HRM ang course nya sa CSB.", bulong ko.

Puro mga kuha sa photo shoots at magazine spread ang laman nito. Yung iba mula sa travel escapades nito kasama ang pamilya. Mukhang close sya sa mga kapatid at Mom nya. They seem to bond a lot at lagi silang kumpleto. I find it amusing na kayang magsabay sabay ng schedules nila. Nakakainggit naman. Mahirap din talaga ang only child. Tapos maaga pa kinuha ni Lord ang parents ko. Hay! Tama na nga pagsesenti Julie Anne.

"Huli ka!" Sigaw ko ng makita ang isang pic kasama yung babaeng kausap nya sa Starbucks. I wonder kung sila ba. Well, mukha namang bagay sila. At kilala nito ang mga kapatid nya.

"Online ang Mokong!"

Done with photo shoot. Now where's my bed!, basa nya sa latest post nito.

" Goodnight Elmo!" Sabay kiss sa screen kung san naron ang picture ng binata.

"See you, when I see you!!! Ngiting sambit ng dalaga.

Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon