Sinkwenta y Uno

1.1K 39 3
                                    


Alas 8 ng umaga ng makauwi kami sa condo. Bukas daw pwede ng lumabas si Manang Fely. Hinatid na din namin si Toyang kasi wala pa din itong tulog, tutal andun naman si ate Jane para magbantay.

Una ng nakatulog si Elmo. Antok at pagod din ito. Bilib ako sa kanya dahi talagang di din niya ko talaga pinayagan kanina nang di siya kasama. Minsan, nahihiya pa din ako sa kanya dahil hindi naman siya sanay na ganito.

Hinimas himas ko ang ulo niya, habang himbing siya sa pagkakatulog. Nakadapa ito yakap ang unan niya. He looks so peaceful. Sana pwede kong mapasok ang nasa isip ni Elmo. Ano kaya ang tumatakbo sa isip at puso niya. Mahal nga ba talaga niya ko?

Naramdaman ni Elmo ang paghimas ko sa kanya, dahilan para bahagya siyang magising.

"Baby, gising ka pa? Sleep...", sabay hila sa akin para humiga ako.

Pumasok naman ako sa loob ng comforter at tumabi  sa kanya. Niyakap naman niya ko. Minuto lang nang makatulog na din ako. Makabawi lang sa puyat siguro. Umaga na din kasi.

---❤❤❤----

Nagising ako nang maramdaman ko ang marahang paghalik sa pisngi ko. Gising na pala si Elmo.

"Baby, anong oras na?", tanong ko sa kanya.

"Past 12 na Baby!", sabi nito.

"Kain ka muna then maybe we can take  a nap again later"...

"Wala ka kasi kinain kaninang breakfast kundi yung coffee lang.", paalaa niya.

"Hmmm, buhatin mo ko!", lambing ko sa kanya.

"Okay!", binuhat naman ako nito ng parang sa bagong kasal saka dinala sa may kitchen nook. Inupo niya ko sa counter. Habang tumayo siya sa harap ko.

"What did you cook for lunch?", tanong ko.

"I cooked Beef with Broccoli.!", pinrepare ni Elmo na parang Rice bowls.

Sinubuan naman niya ko.

"Hmm, sarap!", sabi ko naman.

"Baka mawili naman na ko, Baby!", biro ko sa kanya.  

"I like spoiling you, Baby", ngisi naman niya.

"Gusto ko nga dito ka na sakin eh !", seryoso niyang sabi.

"What do you mean?", takang tanong ko.

"What I mean is..."pa-suspense nitong sabi  

" I want you to live with me", sabay subo.

Para naman akong nabilaukan sa broccoli na sinubo niya. Sumenyas ako ng saglit saka tumalon sa counter para kumuha ng tubig sa water dispenser.

Uminom ako ng tubig. Straight pero matagal. Pati ata tubig diko malunok. Nakaabang naman si Elmo sa akin.

"You mean, like living in together?", usisa ko sa kanya. Pagkaubos ng tubig.

"Yes. Pero hindi naman as husband and wife", esplika niya.

"You can stay in the other room, tapos dun ako sa kwarto ko!", sabi pa niya.

"We're just gonna be  housemates!", paliwanag niya.

"Housemates with benefits?!?", tanong ko naman sa kanya ng nakapamewang.

"Well, I can bring you to school and work everyday?", pagkumbinse niya sa akin na para bang pinlano na niya to ng matagal.

"I'll cook for you?", para itong nagmamakaawa.

"I'll do your laundry!", dagdag pa niya.

"Those kinds of benefits....hindi tulad ng iniisip mo?!?", natatawa niyang sabi.

Natawa din naman ako.

"Moe....", mahina ang boses ko, gusto kong umoo pero di pa talaga pwede eh. Jusko feeling asawa na talaga to si Elmo.

"Alam mo naman na di pa pwede di ba?", hawak ko mga pisngi niya habang yakap niya ko sa bewang.

"I wanna be with you, everyday!", sabi ko naman sa kanya.

"Totoo naman yun, gusto kita lagi kasama!"....

"Gusto kita lagi nakikita!", sabi ko pa.

"Pero we're not yet ready!", nagpout ako sa kanya.

"Ang dami pa nating dapat iconsider, Baby!", sabi ko sa kanya.

"Kelangan ko muna makatapos, ikaw din!",

"Di ba priority muna natin ang mga careers natin?!", paalala ko sa kanya.

"I know.. pero it's not like we're gonna sleep together?", sabi pa niya.

Tinignan ko ng masama si Elmo.

"Duh!?!, And you believe na kaya natin yun?!?", sabi ko naman,

"Of course!!!!!! it will be a test for us!", mayabang na sagot niya.

"Elmo, alam mo ba yung sinasabi mo ha?", tanong ko sa kanya.

"Eh ikaw, naririnig mo din ba ang sarili mo?", balik niyang tanong sa kin.

"Bakit parang ikaw ang di makakapagpigil?!", natatawa niyang sabi sa
akin.

Hinampas ko siya ng malakas sa braso.

"Ouch!!!, what was that for!!?!", sabay himas niya sa braso.

"Para magising ka sa katotohanan!!", sigaw ko sa kanya.

"I'm just being realistic here, Magalona!", mataray kong sabi.

"Asan na ba si Elmo ha!?!, ilabas mong impostor ka!?", dagdag ko pa.

"Okay, fine I get your point.", sabay hawak sa mukha kong nakapout at hinalikan ako sa labi.

"Di na kita kukulitin about it", dagdag niya.

"I'm just thinking about you kasi Baby!", seryoso si Elmo

"Makakasave ka ng rent tapos mababantayan pa kita"....saka niya ko niyakap.

Ang sweet naman talaga ni Elmo. Pero di ko pa din talaga maisip na magsasama kami sa isang bahay. Magiging tempting ang sitwasyon. At maaring totoo ang sinabi niya na ako ang unang bibigay. Pero gusto ko yung pakiramdam na may magaalaga sa kin. For the longest time, magisa lang ako. Walang taong masyadong nagaalala para sa kin. Walang nagtatanong kung kumain na ba ako? O nagaalaga kung may sakit ako. Si Elmo na ba talaga ang pinadala ni Lord para sa kin? Napakaswerte ko naman ata. Daig ko pa naka jackpot sa lotto.

"Moe, why do you love me?", seryoso kong tanong sa kanya.

"Ha!??", nagtataka niyang tanong.

"Bakit ba mahal mo ko?", parang naiinis kong tanong.

"Baby, di ba ikaw na ang may sabi, wala naman explanations lahat?", sagot naman niya.

"I love you because....you're Julie Anne San Jose!",...

"Na mahal na mahal ni Elmo Magalona!".....

"Ganun kasimple!", ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.

Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon