Beinte Tres

1.3K 35 0
                                    


Sa Eastwood kami nanood ng movie. Starwars. I'm not a fan though, pero ganun pala yun no? Pag gusto ng mahal mo, gusto mo na din. Whatever makes him happy, susuporta ka na lang.

Nasa Krispy Kreme kami ngayon. Nagcrave ako ng sweets. While he wants coffee. Inaantok kasi siya eh.

"Baby, dapat umuwi ka na lang kanina after class mo para nakatulog
ka eh. You look really tired" sabi ko.

"Mukha ka ng Panda! Haha!!" Biro ko.

Nagpout siya.

"Pero ikaw ang pinaka gwapong Panda, hehe!" bawi ko.

"Eh I wanna see you eh. Tapos tong movie date natin ilang araw ng
nadedelay" paliwanag niya.

"Wala ko class naman tomorrow, ikaw ba?"

"You wanna go somewhere?!" tanong niya.


[Patay! may pasok ako sa Starbucks bukas.Pano ko kaya to lulusutan]


"Gusto ko sana mag visit sa place namin sa Tagaytay Highlands"

"Punta tayo, Baby?" aya niya.


[Lagot na!]

"Baby eh kasi,sasamahan ko sana si Maqui bukas eh."

"Kasi may bibilhin daw siya sa mall tapos bonding na din",

" Namimiss na daw niya ko eh" ngisi ko

"Pwede tayo magkita ng gabi, if you want?"

"I'll be home ng 6PM",sabi ko.


[Lord, eto na nagsisinungaling na ko! Promise, last na to! ]


"Ah ok, sige next time na lang, Baby"

"Planuhin natin ng maayos",sabay higop sa kape.


"Lusot!" bulong ko.

"Ano yun, Baby?" tanong niya.

"Ha?! ....Busog kako !" sabi ko ng natatawa.

"Busog na ko,Baby. Tataba na ko nito talaga!"

"Ikaw kasi eh, kain ng kain!" sabi ko pa.

[Patawa ka talaga, Julie Anne! 😂😂]


"Of course not. You're sexy Baby!" ngisi niya sa kin.

"Kahit tumaba ka pa, ok lang sa kin!" Sabay pisil sa pisngi ko


"Lakas mo talaga mang uto, Baby!" biro ko sa kanya.

"I'm not!, ako pa ba?!"

"I always say the truth.," sabi niya

"Saka, Baby, obvious naman na sexy ka." ngiti niya.

"Lalo na pag skirt day mo sa school!" ,ngisi niya.


"Bolero!" sabi ko sabay subo ng donut sa kanya.

Kiniss naman niya ko ng mabilis sa labi.

"Okay, mag ba Basketball na lang ako tomorrow, then I'll just see you
at dinner time, ok ba yun?!" sabi niya.

"Okay, sounds good!" ngiti ko at nag thumbs up pa.


[Thank you,Lord! The best ka talaga!]


"Kelan mo ko papakilala kay Maqui, Baby?",tanong niya.

"Maybe tomorrow?, I can meet you up kung san kayo
punta?",suggest niya


"Naku wag muna bukas Baby, maarte yun si Maqui, kulang ang
maghapon dun kung magshopping hehe!"sabi ko na lang.

"Hehe! Alright! Sige, di ko na kukunin yung time na yun para sa
Bestfriend mo!", ngiti naman niya.


"Thanks, Baby!",kiniss ko siya sa pisngi.

"I don't want her to think na inaagaw kita sa kanya hehe!", sabi niya


"She understands naman,Baby! Minsan lang naman ako magka
Boyfriend"

"Besides, nagkakasama naman kami sa school!", sabi ko pa.

"Ikaw din, di naman kita pipigilan lumabas kasama ng mga
kaibigan mo"

"Ayoko naman isipin nila na, nauubos
ang oras mo sakin di ba?"


"Haha! Okay lang yun Baby. Don't mind them!"

"Lalake kami, wala sa min yun!" paliwanag niya.


"Basta no fooling around ha!" irap ko sa kanya.

Hinawakan ni Elmo ang kamay ko..

"Baby, surrender na nga ko sa yo di ba?", malambing na sabi niya

"I won't say na di ako lalapit sa ibang babae, dahil imposible
naman yun."

"I can't also promise na hindi ako malilink sa iba dahil sa nature
ng trabaho ko.", diretso niyang sabi.

"But I know, who I want and I know who I love, at ikaw yun!"
malambing na sabi niya.

"Kaya you got to trust me, okay?" sabay halik sa noo ko.


Marahan akong tumango. Ayan na nga ba yang mga trust issues na yan. Parang ako ata ang may problema sa parteng yun. Hindi ko pa alam pano ako tityempo magsabi sa kanya. Mahalaga sa akin na malaman niya ang isang side pa ng Julie Anne bukod sa pagiging Kolehiyala ko. Alam ko naman maiintindihan niya. And I'm sure it will not be an issue. Marangal naman ang trabaho ko. Right timing lang ang kulang sa akin.


Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon