Sinkwenta y Kwatro

986 40 10
                                    


"Hulyeta!!!", sigaw ni Maqui nang makita ako sa hallway ng social hall.

"Halika nga ditong babae ka!", sabay hila niya sa braso ko saka inupo ako sa isa sa mga silya dito.

"Ikaw talaga, gagawa ka na lang ng krimen, di mo pa siniguradong malinis!", duro niya sakin.

"Ha!?!, ano ba sinasabi mo dyan?", takang tanong ko.

"Nagkita kami ni Elmo kahapon sa Starbucks!",

"Shit, anong sabi niya?", tanong ko.

"Tinatanong ka, dahil magkasama daw tayo dapat pupunta ng Pampanga!", kwento nito.

"Gaga ka din ano! Dinamay mo pa talaga kong bruha ka!, dirediretsong sabi nito.

"Di mo man lang ako ininform sa evil plan mo!", sabi pa niya

"Asan ka ba kasi kahapon ha?"...

"Off yung celphone mo, tinatawagan kita",

"Eh kasi nga Bess, naghanap ako ng boarding house?", kwento ko.

"Bebenta na kasi ni Manang Fely yung bahay nila", dagdag ko pa.

"So ano naman ngayon, bakit hindi ka nalang nagpasama kay Elmo?", usisa niya.

"Hindi ko nga sinabi sa kanya na lilipat ako!"....

"Kasi pipilitin ako nun na sa condo na niya tumira", angal ko kay Maqui.

"Ay live in? ganun?", tanong naman ni Maqui.

"Well hindi naman talaga. More like housemates lang!", sabi ko pa.

"Ay naku, sabihin mo kay Elmo, utot nya kamo!" singhal ni Maqui.

"Pati ako pinaglololoko niya ha?, Please, wag ako!", sabi pa ni Maqui.

" Kaya nga Bess, ayokong malaman niya na kelangan ko ng titirhan"....

"Hindi ako titigilan nun, hanggat di ako umoo na sa Condo na niya tumira", naguguluhan ako sinubsob ang mukha sa table.

"So anong nangyari sa lakad mo?", tanong nito.

"Ayun, dun ako kila Jay napadpad!", kwento ko.

"Isang sakay lang naman, saka maayos naman yung lugar nila eh!", paliwanag ko.

"Ay!!! Gaga ka talaga!!!!", umiiling na naman si Maqui.

"Ano na naman!?", tanong ko sa kanya.

"Ayaw mong makasama yung jowa mo sa bahay!!! Pero si Jay, okay lang??!!!???, sigaw nito sa akin.

"Alam mo sa lahat ng matalino, ikaw ang bobo!!", sigaw niya sakin.

"Eh di lalong nagwala yun si Elmo?!?"....

"Bes, di ka ba nagiisip?", humina ang boses nito at dama ko ang pagaalala niya sa akin.

"Ewan ko na lang kung maiintindihan ni Elmo yang ginawa mo", dagdag pa niya.

"Siguradong matatamaan mo ang pride nun pag nalaman niyang mas gusto mo pa dun kila Jay tumira", hinawi hawi ni Maqui ang buhok ko na halatang nagaalala para sa akin.

"Masyado naman kasing mahirap yung hinihingi niya Bes!"...

"Alam kong malinis ang intensiyon niya"....

"Sinabi naman niya, na gusto lang niya akong alagaan. Para din daw makasave ako ng rent kung dun ako sa kanya." kwento ko pa kay Maqui.

"Pero, natatakot ako Bes!"....

"Natatakot ako na masyadong maging pabor sa amin ang pagkakataon para gumawa ng bagay na baka pagsisihan namin", naiiyak na din ako sa nangyayari.

"Naiintindihan kita Bes! Pero hindi kaya parang inuunahan mo naman lahat?" sabi ni Maqui.

"Na parang ikaw lang ang gumagawa ng ikakatakot mo?"...

"I know, mahirap talaga kung iisipin ang ganung set up?...

"Pero di ba, unfair naman din kay Elmo na pagisipan mo siya agad ng ganun?", sunud sunod na sabi nito.

"I know...It's not him actually, it's really me", nakatingin ako kay Maqui na para bang gusto kong pumasok siya sa utak ko para malaman ang nasa isip ko talaga.

" Elmo has always been a gentleman. He always make me feel special. Malaki o maliit na bagay, ramdam ko naman na mahal niya ko!",,

"And the thought of it makes me love him even more"...

" At alam kong ang pinaka magandang bagay na pwede kong ibigay sa kanya ay ang sarili ko".....

" Kaya everytime we become intimate, nagaalala akong baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko".....

Yumakap lang ako kay Maqui. Ramdam ko ang suporta niya. At alam kong nakukuha niya ang gusto kong ipahiwatig. Advance lang ba talaga ko magisip. Am I really being unfair to Elmo?

Humiwalay ako sa pag kakayakap kay Maqui nang magvibrate ang celphone ko.

Elmo calling.....

Julie: Hello?...

Elmo: Where are you? I'm outside your school....

Di pa man ako nakakasagot, in end call na niya ito. Sigurado ako galit si Elmo. Nagpaalam na ko kay Maqui. Bumeso bago pa tuluyang lumakad palabas.

"Goodluck!!!!", sigaw naman niya.






"

Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon