Sitenta

1.1K 44 0
                                    


   "Mamimiss kita!", ito lang ang tanging  nasabi ni Samantha saka yumakap sa akin.

Andito kami sa Jollibee. Pagtawid lang ng Starbucks, sa gawi ng Vito Cruz. Nilibre ko kasi si Sam. Sabay natapos ang shift namin.

    Last day ko kasi sa Starbucks today. Dalawang araw bago ang Birthday ko. Nakakalungkot man pero it's bound to happen.

May two years din akong nagtrabaho dun. Pangalawang bahay ko na nga ito eh.

At sa Starbucks ko unang nakita ang kagwapuhan ni Elmo.

"Ang dami din nating memories sa trabaho, Julie, no?", alala pa ni Sam.

"Madalas nakakatawa, haha!!", ang kulit lang ni Sam talaga.

"Naalala mo yung  may nag eyeball dati?", pagalala niya.

"Ang chaka nung babae!, haha!", tuloy niya.

"Tapos yung guy taga La Salle, ang gwapo!",...

"Ayaw tumayo nung tinatawag ko name niya para sa Frappuccino niya, hahaha!!!!", nakakahawa ang tawa ni Sam.

"Haha!, eh kasi nga malalaman nung babae sino ba talaga dun yung blind date niya, haha!!!", sabi ko na naluluha na din ako katatawa.

"Kawawa naman, akala niya tuloy na indian siya ng ka date niya!!!", sabi ko pa na pinupunasan ang namuong luha sa gilid ng mata ko.

"Taas naman kasi ng pangarap!", sabi ni Sam.

"Taga La Salle pa ang nais, haha!!!", dugtong niya.

Nagtatawanan naman kami ng lumapit si Jay para dalhan kami ng Cheesecake ni Sam galing sa Starbucks. Ngayon lang siya natapos sa shift niya.

"Oh, ito bakas ko!", sabi pa nito.

"Wow! Jay, ikaw ba yan?," biro ko.

"Sa tinagal tagal ko nagtrabaho sa Starbucks, kahit ata crumbs ng Cheesecake eh, di mo ko nailibre!,haha!!", kantyaw ko pa sa kanya.

"Naku, asa ka pa diyan Julie!", si Sam.

"Ako nga kulang na lang KKB pa kami nung una kaming nagdate haha!", buko niya sa boyfriend.

"Grabe ka naman, My labs! Eh wala naman tayong plano nun talaga lumabas", katwiran ni Jay.

"Ikaw lang kasi gusto mo pa mag--Mot...!", di na naituloy ni Jay ang sasabihin niya dahil tinakpan na ni Sam ang bibig nito.

"Mo-Monay! Gusto pa kasi kumain nun ng monay!", sabay tanggi niya.

"Haha! Ewan ko sayo Sam!", sabi ko naman sa kanya.

"Palagay mo sa kin , pinanganak lang kahapon? Haha!!!", kantyaw ko sa kanya..

"Okay na yan, naintindihan ko naman hehe!", pagkalma ko sa kanya.

"Ah, My Labs! , order mo naman ako ng Jolly Spaghetti!", utos nito kay Jay.

"Ha? Di ka pa ba busog?", taka naman ni Jay.

"Sige na, eh bitin naman tong pa Chicken Joy ni Julie eh," sabi pa niya.

Walang nagawa si Jay kundi sumunod. Napakamot na lang ng ulo ito. Paano naman medyo humaba na ang pila. Uwian na din kasi ng mga estudyante.

Pero ang totoo, gusto lang niya talaga ako makakwentuhan ng mas personal.

"Eh.. Julie, kayo ni Elmo?", bulong niya sa akin.

"Nagganyan na kayo?", sabay dutdut sa kamay ko.

"Ha? Ano?", inosenteng tanong ko.

"Eto naman!!! Nag "do" na ba kayo?, ibig ko sabihin!", bulong ulo nito.

Umiling lang ako.

"Talaga?!", taka niyang tanong.

"Sus, Charot mo!", kantyaw niya pa.

"Hindi pa nga, haha!!",...

"Bakit ayaw mo maniwala?", ngisi ko sa kanya.

"Eh napaka imposible naman ata sa panahon ngayon!", duda niya pa.

"Ayaw niya pa eh!", sabi ko naman.

Dahilan para muntikanan na niyang maibuga ang Coke na iniinom niya.

"Anoo?", pasigaw na tanong nito sa akin.

"Huy, baka naman bading yang Jowa mo Sis!!!", kalabit niya sa akin.

"Haha! Hinde...Sure ako lalake si Elmo!", pagtatanggol ko.

"Eh bakit kamo siya pa ang umaayaw?", tanong pa niya ulit.

"Eh gusto niya pag ready na daw kami!", ngisi ko sa kanya.

Nakatingin lang naman si Sam sa akin. Nagtataka ang expression ng mukha niya. Nakanganga pa nga ito Haha!

Nakakagulat nga naman di ba?

"Well, magaling lang siya magcontrol", kwento ko.

"Sabi niya kasi, pag nawala na yun, di na nga naman maibabalik",...

"At dahil alam naman niyang, para sa kanya lang yun!",...

"He's willing to wait!", sabi ko pa kay Sam.

Sakto namang lumapit si Jay. Dala dala ang Jolly Spaghetti para kay Sam.

"Eto na My Labs!", sabay upo nito sa tabi ni Sam.

"Ah, sige My Labs! Share tayo.", sabay sinubuan niya si Jay.

"Oh, say ahh, My Labs!", sabi din ni Jay saka tinapat ang tinidor na may spag kay Samantha.

Natawa naman ako nang isubo ni Sam ito. Pagkaliit ng buka ng bibig niya. Nagpapa demure.

Hinila ko naman ang sleeve niya.

"Uy, pa ka arte mo!!",

"Ano ka Virgin?", nangingisi kong sabi.

"Inggit ako sayo eh!", saka ito ngumiti ng makahulugan.

"Saka Virgin pa kaya ako!", irap niya.

"Sa tenga!!! Hahaha!!!"  🙈🙈🙈







Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon