Sinkwenta y Dos

1K 36 2
                                    


"Juls!! Kelangan na natin makahanap ng lilipatan!", ito ang bungad ni Toyang pagpasok ko pa lang sa kwarto.

11PM nang dumating ako sa boarding house galing sa shift ko sa trabaho.

"Ha!?!", Bakit?", napasalampak ako ng upo sa kama.

"Eh sabi ni Ate Feline, dadalhin na daw niya sa States si Manang Fely", sabi nito.

"Ibebenta na daw itong bahay", dagdag niya.

Dumating si Ate Feline kaninang tanghali. Nasa trabaho ako ng kinausap niya sila Toyang, Annette at Ate Jane. Wala daw siyang maraming oras dahil 2 weeks lang itong nag leave dahil nga sa emergency kay Manang Fely.

Bukas kakausapin daw niya sila Mrs. Santos sa kabila. Sila ang interesadong bumili dahil nga naman sila ang katabing property.

"In 2 weeks kelangan na nating lumipat?", tanong ko ulit na naninigurado.

"Oo nga Juls!,..Paulit ulit?", nakukulitang sabi ni Toyang.

"Ano plano mo?, Ako baka sa IC na lang ako."sabi niya.

Ang IC o Immaculate Conception Dormitory ay nasa tapat lang ng school. Ito nga naman ang pinaka madaling maisip na lipatan.

"Pero walang vacant, isa lang meron!", sabi niya pa.

"Alam mo naman alanganin ang semester, February pa lang",

"March o April pa magsisiuwian ang estudyante !", paalala niya.

"Buti nakuha ko yung isang slot!", kwento pa ni Toyang.

Napaisip na naman ako nito. Nagdilang anghel na ata si Elmo sa pagsabing gusto niya ko lumipat sa condo niya. Pero it should not be my only option. Hindi pwede. Jusko! baka maisuko ko ang "Bataan" ng wala sa oras.

"Toyang, favor naman oh!", tumabi ako sa kanya sa kama.

"Pwedeng wag mo mabanggit banggit muna kay Elmo na kelangan nating lumipat?, seryoso ko siyang kausap.

"Pleaaassse!!", magkadikit ang mga palad kong nagmamakaawa sa kanya.

"Okay!!", sagot niya pero bakas sa mukha nya ang pagtataka.

"Eh, Bakit nga ba ayaw mo malaman niya?", usisa ni Toyang.

"Basta....pinky swear?!", sabay abot ko ng pinky finger ko sa kanya.

Kinuha naman ito ni Toyang. Hindi na ito nagtanong. Mahalaga alam niya na di pwedeng madulas kay Elmo tungkol dito. Kelangan makahanap ako ng malilipatan bago pa malaman ni Elmo. Sa gayun, wala na siyang magagawa pa pag ganun.

Hindi ko talaga pa kayang tumira kasama siya. Hindi dahil sa ayoko.Ang totoo gusto ko nga eh. Pero natatakot ako na maipit sa sitwasyong, di ko na siya kaya tanggihan. Kaya habang hindi pa natatalo ng puso ko ang utak ko, kelangan magawan ko na agad ng paraan ito.

Nagtext ako sa kanya bago matulog. Naghihintay na yun malamang dahil alam niya nasa trabaho pa ko kanina.

Julie: Hi Baby. I'm home now. How was your day? I miss you.

Sumagot naman ito agad.

Elmo: Hello, Baby! Still working on some research and surveys sa
Filipino restaurants. Ipapasa na to bukas
eh. I miss you too.

Julie: Okay, don't stay up too late ha.

Elmo: Yup. Matatapos na to. Ikaw, you sleep na din. I'll see you
tomorrow, Baby! I love you!

Julie: Baby, may pupuntahan kasi ako bukas. Nagpapasama si Maqui
sa bahay nila sa Pampanga. Can we meet thursday? 😻

Elmo: That's 2 days from now Baby. Tuesday pa lang lol!
Gagabihin ba kayo ni Maqui tomorrow?

Julie: Baka magovernight kasi ako Baby sa bahay niya. Kelangan kasi
niya ng critic para sa recital niya sa Saturday. Sa bahay lang kasi
nila may grand piano diba.

Elmo: Okay. I understand. Gusto mo sunduin kita sa Pampanga?

Julie: No need, Baby. Sasabay din naman si Maqui pabalik ng Manila.

Elmo: Alright. So see you thursday then.😊

Julie: Thanks, Baby. Goodnight, I love you!

Elmo: I love you too!!! Goodnight Baby!


Nagsisinungaling na naman ako kay Elmo. Ano ba to? Kelangan masulit ko bukas ang araw para makahanap ako ng boarding house. Kahit bed space lang pwede na yun. Sana di naman niya ko mahalata. Hay! Bahala na si Batman.....




Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon