Kwarenta y Cinco

1.3K 52 1
                                    


2.12.16 7AM/ Actual date of Anniversary.

"Juls!...Juls!" gising ni Toyang.

"Ummm, Bakit Toyang, maaga pa ah?!", ungot ni Julie na nakadapa, dagan ang unan niya.

"Eh kanina pa kumakatok si Manang Fely, kaya din ako nagising!", sabi nito.

"May delivery daw sayo sa baba, puntahan mo muna!", sabi nito saka humiga ulit para matulog.

"Delivery?..Ano naman kaya yun?", tanong nito sa sarili.

Pumupungas itong bumaba at dumiretso sa pinto. Nawala ang antok nito sa nakitang delivery para sa kanya.

"Flowers for Ms.Julie Anne San Jose?", patanong na sabi ng lalaki.

"Yes, that's me!!,saka pinirmahan ng bahaging may "received" sa resibo.

2 Dozens ng Orange Tulips ang dumating sa kanya at syempre kanino pa ba ito manggagaling kundi sa pinakamamahal na boyfriend.

Yakap yakap ang mga ito, hinagilap ni Julie ang card na kalakip dito.

* Baby,
I will be forever grateful to the day that I met you.

I love you!...Always, Always!

Only yours,
E

Hayy! Isn't he the sweetest! Sino ba ang hindi maiinlove sa isang kagaya ni Elmo. Wala na atang katulad niya ngayon. Meron man, mahirap na siguro hagilapin.

Maya maya pa, tumunog ang cellphone ni Julie. It was a text message from him.

Elmo: Good morning,Baby Did you get the flowers?

Julie: Hello, Baby!!!Yeah, I did. Thanks, Baby!!!
You never cease to amaze me talaga.I love you! 😚

Hindi reply kundi tawag ang naging sagot nito....

Elmo calling.....

Julie: Hello, Baby!!!

Elmo: Hey!did the delivery man wake you up? Sorry Baby ha. Gusto ko
talaga kasi first thing in the morning. Nagustuhan mo ba?

Julie: Hindi ko gusto.....

Elmo: What? Why? You don't like Tulips? Ayaw mo ng Orange?

Julie: Ssshhhh!!!! Gustong gusto ko....haha!!!

Elmo: Kinabahan naman ako sa yo Baby, kala ko palpak eh!!!hehe!!

Julie: Hehe! I'm just kidding. I love it!!! Thanks, Baby, I love you.!!

Elmo: I love you too. So I'm gonna pick you up later around 6pm okay?
Para di tayo mahirapan sa parking?!

Julie: Yes Boss! Hehe!!! See you!!!

Elmo: Hehe! Okay, Ma'am!!!, See you!, Bye!

Excited na si Julie para mamayang gabi. Manonood sila ng gig ng Up Dharma Down sa 12 Monkeys. Alam kasi ni Elmo na paborito niya ito. Kaya kahit pa gusto sana ng boyfriend na magdinner date sa isang hotel, mas pagbibigyan niya ang gusto ni Julie.

May class pa si Julie ng 1 to 2:30. Wala naman siyang pasok sa Starbucks dahil nakipag swap ito ng rest day kay Samantha. Si Elmo naman ay sa Antipolo manggaling dahil dun ito umuwi pagkahatid kay Julie kaninang madaling araw.

"Maqui, sure ka ba, okay ka lang dito? Sama ka na lang muna kaya sa boarding house, may isang oras ka pa namang vacant bago ang next class mo", sabi ni Julie.

"Nope, okay na ko dito, Bess!!. Pagaaralan ko pa yung piyesa ko eh! Recital ko na next Saturday", pagtanggi nito.

"Okay, so see you sa 14th ha!?!",

Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon