Beinte Siyete

1.1K 41 0
                                    


Nagkaayos kami ni Elmo. Hindi ko din naman kaya na makipaghiwalay sa kanya. Tama siya sa sinabi niya, wala naman guidelines talaga para sa isang perfect na relasyon. Hindi ko kailangan matakot. Basta mahal ako ni Elmo, sapat na sa kin yun.

Andito siya ngayon sa kwarto namin ni Toyang. Natutulog. Di ko siya pinauwi dahil halatang pagod na pagod ito. Ayoko siyang magdrive ng alanganin. Hindi lang physically pero mentally at emotionally halatang drained ito.

Nakaupo ako sa swivel chair tabi ng kama ko. Pinagmamasdan ko siya habang himbing na nakayakap sa unan ko.

Biglang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa computer table.Tinignan ko yun at nakita ang text mula kay Lara.

Lara: Mosey, where are you? Can you meet me in BCG right now?
Kanina pako tumatawag eh.

Pakalandi talaga ng babae na to. Di ba malinaw sa kanya na may girlfriend na nga si Elmo? Patagal tagal papatulan ko na talaga to eh.

Nagising si Elmo. Hinila niya ako patabi sa kanya.

"Baby, let's sleep", yaya niya.

Tumabi lang ako sa kanya. At niyakap naman niya ko agad.11:30 na ng gabi. Pero di pa naman ako inaantok. Tanaw ko mula sa bintana ang full moon. Ito at ang bed side lamp lang ang tanging nagbibigay liwanag sa amin ngayon.

Ramdam ko ang init ng hininga niya sa leeg ko. Kinikilabutan tuloy ako.Parang may kuryente.

"You smell good!", bulong niya pero nakapikit ito.

"Turns me on",mahina niyang sabi.

Bahagya itong bumangon at tinignan ako. Unti unti siyang lumapit at hinalikan ako.

I kissed him back at ramdam ko sa kanya ang pananabik sa kin. Naramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko.

Bumaba ang halik nito papunta sa leeg ko. He's giving me soft kisses all over my neck. And I'm enjoying every minute of it.

Naramdaman kong ang kamay niya pumasok sa bandang likuran ko. He's trying to unhook my bra.

Pero I needed to hold back. Baka makalimot kami. Hindi pwede.

"Ah, Moe, wait", pigil ko sa kanya.

Napapikit siya bago sinubsob muli ang ulo sa bandang tenga ko.

"I'm sorry, Baby!!",bulong nito.

"Sorry, I got carried away ", nagaalala ang boses nito.

"It's okay, alam ko naman na di mo sinasadya", pag comfort ko sa
kanya.

"I respect you, Julie", pagsigurado niya sa kin.

"I know..." sagot ko naman sa kanya.

"Kasasabi ko pa naman na I'm willing to wait tapos ganito na?"parang
bata itong nagmamaktol. Sabay pikit at sapo sa noo niya.

"Sorry, Baby!!",pinatong naman niya ang noo sa noo ko.

"But, I can't promise myself, I won't kiss you?!?hehe!",
nakangiti ito sabay pupug ng halik sa mukha ko.

Natatawa akong nakikiliti sa ginagawa niya. He's just sweet being like
that. Lalo akong naiinlove sa kanya. Ramdam ko din that he really
respects me.

Pero may tamang panahon sa lahat. Ayokong mapasubo kami pareho
sa isang bagay na di kami handa. Mahal ko si Elmo at sa kanya ko
lang din naman gustong ibigay ang sarili ko.

"In time,Elmo..In time, mapapasayo din ako",sabi ko sa sarili.



Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon