Sitenta y Cinco

1.3K 42 6
                                    


  "Sige na Bess!, Sumama ka na sa party ni Makoy para may kasama naman ako!!", aya ni Maqui sa akin.

Andito kami sa dorm ko ngayon. It's my rest day. At napili kong ngayon magligpit ng mga gamit at damit ko. My closet is a total mess. Nawalan talaga ko ng time lately mag ayos ayos dahil sa trabaho at syempre pa madalas din akong nasa condo ni Elmo.

Si Makoy ay ang pinsan ni Maqui..  Na close na close niya.. Na taga San Beda... At Yes!! Siya din ang bestfriend ni Richard.

  "Ano ba kasi pinagaalala mo?, dahil ba andun di Richard?", tanong niya sa akin.

"Hindi no!",tanggi ko.

Eh hindi naman kasi talaga dahil kay Richard. Wala naman kaming "history" nun. Minsan lang ayoko talaga pumunta sa mga parties. Mas gusto ko pang itulog na lang ang mga spare time ko. O di kaya  magbasa ng book.

"So, eh anong reason mo?",..

"You're off today tapos wala naman si Elmo dahil may shoot",

"Bess, baka sabihin naman nila lumalaki na ang ulo mo niyan!?", pangongonsensiya ni Maqui.

"Okay....Fine! Sasama na nga ko!", pag sangayon ko.

"Yay!!! Thank you Bes!!!!", yakap ni Maqui.

Naligo naman ako agad. Suot ang black long sleeves at red mini balloon skirt.  Sumama na lang ako kay Maqui para din wala naman silang masabi pa. Sandali lang naman siguro kami.

   "Wow!, ayaw mong sumama pero sobrang emote ng outfit mo, Bess ha! Haha!!", kantyaw niya pa sa akin.

"Sira!!!! Eh eto na yung nakaready ko",..

"Ano magpalit pa ba ko?, Eh ikaw naman naka Maxi dress din diyan eh.!", sabi ko naman.

"At ang make up mo sa mukha kasya na sating dalawa haha!", biro ko.

"Uy, sobra ka naman Bess, light nga lang yan eh!", ngisi niya.

"Landi mo!, Sumbong kita kay Gino eh!", asar ko sa kanya.

"Che! Eh ikaw, sabihin ko kay Elmo ang iksi ng skirt mo tapos andun pa yung ex mo sa party!", ismid niya.

"Hoy!!! Anong EX pinagsasasabi mo diyan, Maqui!",...

"Mamaya makarating kay Elmo yung mga ganyang biro, Bess!",...

"Pag awayan pa namin", nagpout ako.

"Haha! Takot ka din pala kay Magalona, Bess!! , umangkla na siya sa akin palabas ng room ko.

Mag a alas otso nang dumating kami sa bahay ng pinsan ni Maqui. May "kaya" din talaga kasi ang angkan nila. Kaya may bahay din ang pamilya nito sa Quezon City. Kahit pa tubong Pampanga din ito.

Marami na din ang tao. Wala akong kilala. Si Maqui at Makoy lang talaga.

Hanggang nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na mukha.

Gwapo din talaga siya eh. Inaamin ko namang nagka crush din talaga ako sa kanya dati. Pero hindi naman talaga siguro kami para sa isa't isa.

At syempre mahal ko na talaga si Elmo. Sigurado naman ako dun.

"Goodevening Julie, you look so beautiful tonight!", bati niya.

"Thank you.", maikling sabi ko saka ngumiti.

" Asan si Makoy? Diko pa siya nabati", tanong ko sa kanya.

"Ah, ganun ba, andyan lang yun sa tabi tabi baka nagiikot.", sabi pa niya.

Antagal naman kasi ni Maqui. Sabi kukuha lang ng drinks, nalunod na ata  ng bartender.

Nagrent kasi sila Makoy ng mobile bar. Kaya you would feel the vibe na nasa bar ka but you're in the convenience of your own home.

Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon