Sisenta y Cinco

1.2K 42 2
                                    


"Dali, Bess!!", hila ni Maqui sa akin.

Andito kami ngayon sa Clark, para sa Hot Air Balloon Festival. Ngayon lang ako nakatiyempo nito. February kasi ang original date ng event na to talaga. But due to insistent public demand, nagkaroon ng 2nd Festival ngayong April.

Sasakay kami sa isa sa mga ito mamaya. Excited na nga din ako. Kahit paano, naiibsan ang pagkamiss ko kay Elmo. Nakakaaliw tignan ang makukulay na balloons na ito.

Sobrang sakto nga din ng timing sa nararamdaman ko ngayon.
I need something to lift me up in this time that I feel so down.
At sa pagangat ko mamaya, iiwan ko na din sa baba ang sakit na dinulot ng relasyon ko kay Elmo.

"Ready ka na, Bes!", tanong ni Maqui sa akin.

"Yup! I'm always ready!", sagot ko naman sa kanya. Nakangiti nako kahit paano.

"O bakit, di ka pa sumakay, Bes?!", tanong ko sa kanya.

"Nope, dun ako sa clown!", sagot niya.

"Eh di ba takot ka naman sa clown? Kaya ako na lang dun!"...

"Mamaya mapatalon ka pa ng wala sa oras haha!!!", kantyaw niya sa akin.

"Ah ok, sige kita na lang tayo mamaya!", sabi ko na lang.

Niready naman ng kasama kong crew ang heater na magaangat sa Balloon. It would take a few minutes para tuluyan kaming mailipad nito.

Malayo ang tingin ko. Blanko. Nakalibot sa mga tao o di kaya sa mga balloon designs sa paligid ko. Alam mong maingay pero wala naman ako naririnig.

Nang bigla akong nakaamoy ng isang pamilyar na bango. Alam na alam ko ang may ari ng scent na iyon. Di ako pwedeng magkamali.

Lumingon ako saka nakita ang isang lalaking bahagya lang ang pagkakangiti. Di ko maaninag ang mga mata niyang nakatago sa shades niya.Pero batid kong malungkot din ito.

"Elmo...." ang tanging nasambit ko.

Yumakap naman siya sa akin.

"I missed you", bulong nito sa akin.

Wala naman akong nagawa, kundi yumakap din.

"Why do you keep on doing this to me?", tanong niya.

"What is it?", tanong ko din.

"Lagi ka na lang nawawala ng di nagpapaalam?", nakapout ito.

"Elmo...."

"Shhhh!, let's enjoy this flight first!", saka niya ko hinalikan sa labi.

Sabay sa pagangat namin, nararamdaman ko din ang pagangat ng puso ko. Buong biyahe namin, nakayakap lang ako sa kanya.  Andito na si Elmo ko. Andito na uli siya sa akin.

----------🎈🎈🎈🎈🎈-------------

" Sabi ng guard, umalis ka daw around 2PM.", sabi ni Elmo.

Andito na kami sa kotse niya. Naguusap. Pero nakapark pa kami sa field. Bukas pa ang pinto sa side niya.

"Tapos di ka naman na bumalik", tuloy ni Elmo.

"Di ko alam san kita hahanapin"...

"I went to Starbucks, walang may alam san ka"....

"Pinuntahan ko din si Toyang sa IC, di ka din daw niya nakakausap", malungkot ang tono nito.

"Then I called, Maqui. Buti sinabi niya na magkasama kayo", dagdag nito.

Gusto sana daw niyang kagabi pumunta pero may commitment siya sa modelling. Kaya ngayon pina block niya ang schedule niya para makasunod dito sa Pampanga.

Venti Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon