FELICITY's POV
"nak wala ka bang lakad ngayon?"-tatay
"wala po, wala din po kaming klase ngayon may meeting daw po e. kayo po tay?"
"tutugtog ako mamaya. sya nga pala anak, gusto nyo ba bumalik na tayo dun sa dati nating bahay?"-tatay
"OPO TAY!! kelan po?"
gustong gusto ko na talaga na dun ulit tumira sa bahay namin dati. mas gusto ko kasi yung bahay na simple lang.
hindi naman sa ayaw ko dito, pero syempre nakakahiya naman.
"may naipon na ko na pwede nating pangumpisa ulit. tutal di naman ganun kalayo ang eskwelahan nyo ni Faith pag dun tayo tumira. kakausapin ko muna si Jerry para alam nila."-tatay
"sige po tay, salamat po ah."
"alam ko naman na kaya mo gusto dun ay dahil sa nanay mo. alam ko din na tuwing gabi umiiyak ka pa rin."-tatay
tama si tatay, umiiyak pa rin ako. namimiss ko kasi si nanay e. gusto ko sa bahay na yun kasi lahat ng alaala ni nanay andun.
"oh sya anak maghahanda lang ako para mamaya, matulog ka muna para magkalaman ka naman. hahaha"-pag iiba ni tatay ng usapan.
"tatay naman e!!"
HAAAAAY!! NAKAKATAMAD NAMAN!!
wala kasi kaming pasok ngayon e. may meeting daw ang mga teacher para sa gaganapin na program sa school namen next month.
nagawa ko na naman ang mga assignment namin. si Faith nasa school na. si bestfriend kasama nila tita ngayon nagpunta kasi sila sa Batangas para icheck yung resort nila dun kasama din nila si tatay.
HAY WALA TALAGA AKONG MAGAWA NGAY----
*toot* *toot*
tumunog ang cp ko.
From: Seth <3
Hi Felicity, meh ggwin k b mmya? yayayain sna ktang kmaen s labas mmyang dinner. :-*
yiiiiiiiiiee.. date yun diba? hihihihi. pag pasensyahan nyo na ang kilig ko. alam nyo naman na bago ako sa mga ganito, kaya ganito talaga. mareplyan nga muna.
To: Seth <3
cge, anong oras ba?
.
.
.
.
.
From: Seth <3
YES!!i'll pick u up at 7pm. see u! :-*
4:45pm palang. ilang oras pa ko tutunganga dito.
napatingin naman ako sa bintana, naku wag naman sanang umulan. makulimlim kasi e.
mabuti pa siguro maghanda na ko para di na ko hintayin ng matagal ni Seth.
tsaka kaylangan kong magpaganda, alam kong sa mga mamahaling restaurant ako dadalhin ni Seth e. yun pa!
So ayun, naligo na ko. naghanap ng susuotin, tinawagan ko pa nga si Trinity para magpatulong e.
magdress na lang daw ako. at ang dress na pinapasuot nya sakin e yung katulad nung picture na nasa gilid.
nakapag paalam na din ako kay tatay, naku inasar lang ako aot kinuwento pa sakin kung pano sila magdate ni nanay dati. hahahahaha.
kilala na din naman ni tatay si Seth, nagkwentuhan sila. ang galing pala mang interogate ni tatay!
BINABASA MO ANG
The Life of Vida Felicity Cruz (ON GOING)
Teen Fictionhindi permanente ang lahat ng bagay sa mundo. ang buhay din natin ay parang story sa wattpad.. kelangan nating ienjoy ang bawat chapter ng buhay natin.. kada chapter may bagong character. at sa ending depende kung happily ever after, o may part 2 pa...