Vida Felicity Cruz's POV
(Picture ni Felicity sa Gilid)
*Kuskos..Piga..Kuskos..Piga*
Laro laro muna ng bula!
Ay! ang saya talagang maglaba.
Kanta kanta lang muna para mabawasan ang pagod!
~Pers I was apreyd I was pertipayd! Keep tenen ten tenenenen... chuchu kemberlu~!
Di ko alam ang lyrics ng 'I wil surbayb' e kaya magtiyaga na kayo sa ganyan.
Naglalaba ako ngayon ng mga damit na mamahalin na bagay sakin syempre no! Kaya kelangan maingat to. Para masuot ko pa SOON.
Okay, banlawan time na!
***
Plantsa plantsa naman. Para maganda ang damit syempre. Alangan naman na pag sinuot ko to e gusot gusot. Panget naman yun.
Ganda talaga ng dress na to oo! Grabe!
Oops! May nararamdaman ako.
Naiihi ako. Makapunta nga muna sa banyo.
*weewee*
*hugas kamay*
*labas sa banyo*
*lakad*
Yan! Okay na!
*sniff sniff*
Ano ba yan?! Amoy sunog! Ambaho!
Siguro nakalimutan na naman ni Chef yung niluluto niya. Matanda na kasi kaya medyo ulyanin na.
Nagpaplantsa pa pala ko. Ay sus! Baka masun--
YUNG DRESS NASUNOG!
Hala! Hala! Anong gagawin ko! Nasira! Nabutas! PATAY NA NAMAN AKO NITO!
*BAAAAAM!*
"Felicity! Ano ba yung amoy na yun?!"
PATAY NA TALAGA AKO! Maroroller coaster na naman ang ulo ko!
"S-senyorita k-kase po..."
"Damit ko ba yan?! SINIRA MO!"
Oh ayan! Libre ang Star City ko basta andito si Senyorita Bianca. Iikot ikot ba naman ang ulo ko habang sinasabunutan ako e. O diba? Roller coaster lang.
"Senyorita! A-aray! Tam-- Aray ko po! Tama na po! S-sorry po--Aray!"
"ANO?! NAIINGGIT KA KASI WALA KANG GANITO! HINDI KA MAKABILI KASI WALA KANG PERA! AKALA MO NAMAN BAGAY SAYO TO! KAYA SINISIRA MO ANG GAMIT KO KASI NAIINGGIT KA SAKIN! BWISIT KA! TANGA! TANGA!"
*PAAAK!*
*BAAAM!*
Aray naman! Sakit sa mukha at sa pwet!
Dumudugo na naman yung gilid ng labi ko dahil sa sampal ni Senyorita. Magkakapasa na naman ako. Mag-aalala na naman sila Nanay at Tatay. Kelangan ko ng magandang palusot.
Tatayo na sana ko kaso ang sakit talaga ng sa pwet e. Tinulak kasi ako ni Senyorita. Yan tuloy bumagsak ako.
"BWISET KA TALAGANG BABAE KA! PANIRA KA TALAGA NG GAMIT AT ARAW! MANANG, WAG NIYONG BIBIGYAN NG PAGKAIN YANG TATANGA TANGANG BABAENG YAN HA!"
BINABASA MO ANG
The Life of Vida Felicity Cruz (ON GOING)
Teen Fictionhindi permanente ang lahat ng bagay sa mundo. ang buhay din natin ay parang story sa wattpad.. kelangan nating ienjoy ang bawat chapter ng buhay natin.. kada chapter may bagong character. at sa ending depende kung happily ever after, o may part 2 pa...