JETHRO's POV
Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Pag mulat ng mga mata ko...
"Good Morning, Jethro ko! Kamusta ang tulog mo?" nakangiting bati ni Kaye sakin.
Isa ito sa nagustuhan ko sakanya noon, napakamasayahin nya at maganda ang ngiti nya.
"Ok naman."
"Tara na sa baba para makakain ka na. Alam kong may pasok ka pa at kelangan mo pang magpaliwanag kay Felicity kung bak---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ni Kaye, dali dali akong bumangon at inayos ang sarili ko.
"Oh, wag kang mag madali masyado ika-"
"BAKIT DI MO KO GINISING KAGABI?!!" napataas ang boses ko ng harapin kong muli si Kaye.
"Sorry. Si-sinubukan ko namang gisingin ka, pe-pero di ka naman magising." Nakayuko nyang tugon.
Alam kong napalakas ang boses ko, pero di ko lang mapigilan.
Pero kasi baka hinintay ako ni Felicity ng matagal. Naipangako ko na babalik ako agad.
"Sorry din, kelangan ko ng umalis. Salamat Kaye."
"Hindi ka na ba kakain? Nakahain na sa baba."
"Hindi na kelangan ko na talaga umuwe. Tara na sa baba, magpapaalam na ko sa parents mo at kay Kyo."
FELICITY's POV
Handa na ko para pumasok. Pag bukas ko ng gate, nakita kong may isang pamilyar na kotse na padating.
Huminto ito sa harap ko at iniluwa si Jethro.
"Sorry kung di na ko nakabalik kagabe, nakatulog ako kanila Kaye."
Tama lang siguro yun, dahil may malaking bagay na dapat silang ayusin at yun ay ang nakaraan nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
The Life of Vida Felicity Cruz (ON GOING)
أدب المراهقينhindi permanente ang lahat ng bagay sa mundo. ang buhay din natin ay parang story sa wattpad.. kelangan nating ienjoy ang bawat chapter ng buhay natin.. kada chapter may bagong character. at sa ending depende kung happily ever after, o may part 2 pa...