ANGELO's POV
"mabuti pang palayuin mo na si Seth kay Felicity. ayoko ng masaktan pa lalo si Felicity ng dahil lang sa kaululang ginagawa ng kaibigan mo sa kanya."
andito ko ngayon kanila Trinity para bisitahin si Felicity pero tulog na pala sya kaya si Jethro ang nakausap ko ngayon.
andito kami sa Sala at nagkayayaan na maginom ng konti, hindi din ako pwedeng maginom ng sobra dahil magdadrive pa ko pauwe.
"hanggang kelan nyo itatago kay Felicity ang tungkol kay Seth at Audrey, masyado na syang nasasaktan. kung kelan mahal na sya si Seth tsaka pa gagawa ng k*tarant*duhan ang kaibigan mo."-Jethro
"kahit ako pre di ko din alam ang tumatakbo sa utak ng gunggong na yun, pero alam ko na kelangan ko din gumawa ng paraan para ingatan si Felicity at para makalimutan na din nya ng tuluyan yung si Seth sasabihin ko na sa kanya ang buong kwento.ayoko syang nakikitang nasasaktan."
"mahal mo din ba si Felicity?"
napatingin ako kay Jethro kasi nakakabigla naman ang tanong nya.
pero....
mahal ko nga ba si Felicity?
"ako at ang sarili ko na lang ang nakakaalam nun pre. alam kong mahal mo sya at di ko naman sasabihin sayo na itigil mo na yang nararamdaman mo sa kanya kung sakali mang may nararamdaman din ako kay Felicity e. si Felicity lang ang makakapag desisyon kung mamahalin nya ba pabalik ang isa satin."
"ipapaalala ko lang sayo, ang akin ay akin. at gagawin ko lahat para lang makuha si Felicity."-Jethro
"wag kang magsalita ng tapos Jethro, baka mamaya bumaligtad ka bigla at gawin mo din kay Felicity ang ginawa ni Seth."
"hindi ko gagawin yan."-Jethro
"siguraduhin mo lang dahil kung hindi ako ang makakaharap mo at di mo na makukuha sakin si Felicity."
"hindi ako natatakot sayo."-Jethro
kahit naging masyadong mainit ang mga salita na binitawan namin ni Jethro sa huli nagkangitian kami at nagkamayan pa.
gagawin namin lahat para di na masaktan si Felicity.
at gagawin ko to para........
basta...
****
Kinabukasan...
tinawagan ko si Seth para makipagkita sakin sa tambayan namin.
bahay na pagmamay-ari namin ang ginawa naming tambayan. malaki din to at may malaking Gate. may mga CCTV sa paligid at may underground para sa mga kailangan ng grupo namin.
hindi pa namin nasasabi sa inyo to, may grupo kami. Gangster. nabuo to nung nawala sakin si Yana ng dahil sa gang nila Homer.
tahimik lang ang gang namin pero di naman kami yung mga pipitsuging gang lang.
saktong 1pm nakarating ako sa tambayan namin. alam kong walang tao dito ngayon dahil nagaaral din ang ibang members ng gang namin.
kumuha ako ng sigarilyo at lighter, magyoyosi muna ko habang hinihintay si Seth.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
The Life of Vida Felicity Cruz (ON GOING)
Fiksi Remajahindi permanente ang lahat ng bagay sa mundo. ang buhay din natin ay parang story sa wattpad.. kelangan nating ienjoy ang bawat chapter ng buhay natin.. kada chapter may bagong character. at sa ending depende kung happily ever after, o may part 2 pa...