PART 26

108 3 2
                                    

I dedicate this chapter to may kuya Renz! SANA MAGUSTUHAN MO TO KUYA!!

FELICITY's POV

Akala ko makakayanan ko ang buong maghapon.

Tumakbo na ko palabas ng canteen, di ko alam pero parang ang sikip sikip kanina sa canteen.

Ano ba talaga ang meron kay Seth at Audrey? Parang ang tagal tagal na nilang magkakilala. Pero kung ako ang tatanungin, bagay sila. BAGAY NA BAGAY.

"FELICITY SANDALI LANG"

napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko si Angelo, sinundan nya ko.

"tara sa Field."-sabi ni Angelo at tsaka nya hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa Field.

nagpahila na din ako kay Angelo, wala akong lakas ngayon. Tingin ko lahat ng lakas ko kanina napubos nung makita ko sila Audrey at Seth. Nasasaktan ako. Sobra.

Mahal ko na si Seth, napatunayan na nya sakin na dapat ko nga syang pagkatiwalaan at mahalin. Pero nahuli na ba ko? Noon, mahal nya ko pero ako di ko pa masigurado sa sarili ko kung kaya ko ba syang mahalin. Ngayon, mahal ko na sya pero bakit parang may iba na syang mahal.

Talaga bang isang karera ang pag-ibig?

Pag mabagal ka, talo ka. Pag binilisan mo, panalo ka.

pero diba hindi naman minamadali ang pag-ibig? Kung mahal ka ng tao, hihintayin ka nya. ibig bang sabihin.....Hindi talaga ako mahal ni Seth.

"Felicity.. Hooooy.. Felicity? ok ka lang? ui.."

di ko napansin andito na pala kami ni Angelo sa Field, masyadong magulo ang utak ko.

umupo na kami ni Angelo sa may bleachers dito sa Field. Saglit na oras muna ng katahimikan, nakatulong din siguro ang preskong hangin dito sa Field dahil kahit papano gumaan ang pakiramdam ko.

"mahal mo sya at nasasaktan ka din ngayon."- pambabasag ni Angelo sa katahimikan.

napayuko na lang ako, nakakahiya kasing aminin.

pero alam kong wala namang mawawala kung ilalabas ko sa iba itong sakit na nararamdaman ko.

tumingin ako kay Angelo at tumingin din sya sakin.

"Angelo, paano ba mawawala to?"

ANGELO's POV

"Angelo, paano ba mawawala to?"

nakatingin ako sa mga mata ni Felicity, sa magagandang mata ni Felicity. Pero ngayon puro lungkot ang nakikita sa mga mata nya, at hindi nagtagal nakita ko na may pumatak na luha sa mga mata  nya.

Masakit para sakin na makitang nasasaktan si Felicity, masakit kasi mahal ko sya.

Di ko pa maamin sa kanya dahil nasasaktan sya ngayon, at ang gusto ko lang ngayon ay ang manatili sa tabi nya ngayong nasasaktan sya. Gusto kong sakin nya ibuhos ang sakit na nararamdaman nya.

Hindi ako nagsalita, hinayaan ko lang na ibuhos nya lahat ng sakit na nararamdaman nya. Gusto kong ilabas nya lahat ng bigat na meron sya sa dibdib nya para makahinga na sya ng maayos at kahit papano mabawasan ang dinadala nya.

hinawakan ko ang kamay nya at inalalayan ko sya para sa may damuhan kami umupo. Pagkaupo namin pinaharap ko sya sakin.at pinaayos ko sya ng upo. Naka-indian seat na kami pareho.

tinignan mo sya, tingin na nagsasabi na sabihin nya lahat ng sakit na nararamdaman nya. at di nga ako nabigo.

"m-mas masaya pa pala nung *huk* nung di ko pa nararanasan ang ganitong pakiramdaman. M-Mas masaya pa ko nun nung walang *huk* ganito, nung walang lalake na n-nagsasabi na mahal nya ko *huk* atleast dati hindi ako nasasaktan ng g-ganito."

The Life of Vida Felicity Cruz (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon