"FELICITY!"
O___O
patay! lagot na naman ako. OTL
"oh Trinity iha. napadalaw ka?"
"hi Manang, namiss ko lang po yung bestfriend ko."
kala nyo si senyorita noh.
hahaha. sya si Trinity Mae Santos. bestfriend ko sya. makulit, isip bata, mayaman, maganda, mabait, at matakaw. hahaha. sya lang ang nagiisa kong bestfriend. sya lang ang tumanggap sakin kahit mahirap lang ako e.kaya love na love ko yan e.
"para ka talagang bagyo pag dumadating ka dito e noh. dahan dahan ka nga sa pag balibag ng pinto nakakagulat kang Trining ka."
"eeeeee. Felicity naman e. bakit ba Trining ang tawag mo sakin. pang matanda yun e. diba manang.*pout*"
"naku ikaw talagang bata ka hahaha."
pustahan tayo may kelangan to sakin.
"oh bakit ka napasugod dito. papaturo ka noh."
"ahh.. ehh.. alam mo na bestfriend tayo.. kaya ano.. kasi.. papaturo nga ako.. kasi diba nga..... exam na... tapos graduat----"
di ko na pinatapos ang daming pasakalye e. papaturo lang naman e.
"oh sige sige sige.. pagtapos ng trabaho ko. mahihintay mo ba ko?
"oo naman bestfriend. ikaw pa. tsaka dun tayo samin. para makausap na natin si Daddy para sa College natin."
kung nagtataka kayo kung bakit sakin ng papaturo yang si Trinity. ganito lang yan.
magkaklase kami. you read it right. magkaklase kami. iba kasi sya e. mayaman sya pero gusto nya simpleng buhay lang. kaya sa public school sya nagaral. sabi sa inyo ibang klase ang bestfriend ko e.
"Felicity iha, tapos ka na naman sa trabaho mo. pwede ka ng magayos at nang makapagreview na kayo ni Trinity, bukas na ang exam nyo. galingan nyo ha. sige na maiwan ko na kayo dyan. may gagawin pa ko." sabay alis ni manang
"oh bestfriend. nakatikim ka na naman sa sadista mong amo noh. tignan mo yang gilid ng labi mo. may pasa na naman.naku ang sarap talagang kalbuhin ng mukhang ginulungan ng pison ang ilong na Bianca na yan. ikaw naman kasi bakit di ka lumaban. mamaya m---"
"oh bestfriend kalma lang. nakastapler lang yang puso mo.ano ka ba sanay na ko sa amo ko noh. ako pa. wag ka ng magalala."
"e kasi naman dun ka nalang samin. lalakihan ko ang sweldo mo."
"hay naku kukulitin mo lang ako. tsaka alam ko naman na di mo ko pagtatrabahuhin sa inyo. bestfriend alam mo naman na gusto ko na ang kinikita kong pera e galing sa pinaghirapan ko diba."
"hay naku ewan ko sayo. para ka lang magandang punching bag dito ng amo mong kamukha ni Tyson"
"hahaha ikaw talaga. oh ano tara na. baka gabihin tayo. 5:34 na"
papalabas na sana kami ng mansyon ng...
"hay naku andito na naman ang mga Loosers"
si senyorita Bianca nasa Terrace at umiinom ng Juice.
"hay naku ambaho ng pasok, katok ka muna teh" naku eto na naman si Trinity, magbabangayan na naman ang dalawang toh.
"mas mabaho naman ang kasama mo" ok ako na naman ang nakita.
"hoi magtatawas yan kaya sure akong wala yang putok, e ikaw alam kong may pumuputok sayo. tignan mo yang ilong mo pumuputok."
"aba't..."
BINABASA MO ANG
The Life of Vida Felicity Cruz (ON GOING)
Novela Juvenilhindi permanente ang lahat ng bagay sa mundo. ang buhay din natin ay parang story sa wattpad.. kelangan nating ienjoy ang bawat chapter ng buhay natin.. kada chapter may bagong character. at sa ending depende kung happily ever after, o may part 2 pa...