PART 20

156 5 2
                                    

FELICITY's POV

"BESTFRIEND ANDITO NA YUNG SUNDO MO~~!!! BILISAN MO NA BAKA AGAWIN KO TO SAYO~~!!! HAHAHAHAHA!!"

Ang ingay na naman ni Trinity. Nakakahiya sa mga kapitbahay.

Andito na si Seth, sinundo nya ko para sabay kaming pumasok.

Bumaba na ko nakakahiya naman kung paghihintayin ko sya ng matagal dun. Sinundo na nga nya ko e.

Napansin ko na parang ang lalim ng iniisip ni Seth ngayon, dati naman masigla sya at pumipick up line pa..

Napansin ko din na ang itim ng mata nya. Parang puyat na puyat sya.

Lumapit ako agad sa kanila..

"Best ikaw na bahala kay Faith ha. Napaliguan k---."

"Ako na bahala. Wag ka na magalala.. Umalis na kayo at malelate na kayo."- Trinity

Yun nga umalis na kami. Pero si Seth ganun pa din.

buong byahe namin tahimik lang sya, hanggang sa makarating na kami sa school.

naglalakad kami ngayon dito sa S.U.

di ko na kaya pang makita na ganito si Seth, nakakapanibago.

"Seth? Ok ka lang ba?"-tawag ko sa kanya

"Ahh.. Oo.. Sorry.. Tara na."-Seth

"Teka lang Seth.."-pagkatawag ko sa kanya, hinarap nya ko.

"Ano y--"

Mabilis umalis si Seth sa harap ko, tumakbo sya dun sa may gawing likuran ko.

Pag lingon ko..

"Ok ka lang ba?"- Seth

"Salamat.. Sino ka?"

"Kaklase mo ko, halika tulungan na kitang tumayo.....may masakit ba sayo?"- Seth

"Oo salamat ul---aww.."

Binuhat ni Seth si Audrey, tingin ko pupunta sila sa Clinic.

Tumalikod na sila sa gawi ko at nagumpisa ng maglakad.

Ngunit tumigil sandali si Seth at lumingon sakin.

Kita ko sa mukha nya ang paghingi ng tawad at pag hingi ng permiso.

Tumango ako at tsaka sya nginitian.

Naglakad na sila palayo sakin.

Naiintindihan ko dahil bulag si Audrey tinulungan sya ni Seth dahil wala na masyadong estudyante dito.

Napagpasyahan ko na din na maglakad papunta sa room.

Hahakbang palang sana ako ng may nagsalita galing sa likuran ko.

"Intindihin mo muna, dahil dadating ang araw na may mga malalaman ka at mapapagtanto mo lang na marami ka pa palang hindi alam."

Lilingon na sana ako ng makita ko si Jethro na naglalakad at lalampasan na sana ako.

Pero bago pa sya makalayo, hinawakan ko na sya sa braso.

"Jethro sandali lang"

Hindi sya sumagot at di nya rin ako tinignan.

"Ikaw ba yun? Yung sa res---"

"Ako nga, pero di na mahalaga yun. Kalimutan mo na."

"P-Pero bakit----"

"Wala din namang magbabago kung sabihin ko sayo na gusto kita, lalo pa ngayon na kita kong marami akong kaagaw sayo."

The Life of Vida Felicity Cruz (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon