dedicate ko po kay ImInlovewithJae. kapwa author ko din yan.support nyo din.sya din po ang nagtanong about sa picture ni Faith. oh ayan na ate. enjoy reading. ^___^
picture po ni Faith sa gilid. ----->
FELICITY's POV
"nanay kain na po tayo. bangon ka na po" sabi ni Faith kay nanay habang hawak hawak ang biscuit sa magkabilang kamay.
andito ko sa tabi ni nanay, at nakatingin lang sa kanya, sa nakangiti kong nanay. ang ganda ng mata nya, ng ilong at ng labi, ang ganda talaga niya. napakaamo ng mukha, at mapagmahal pang nanay.
"Felicity anak, kumaen ka muna at magpahinga.ako na muna magbabantay sa nanay mo. isama mo na si Faith para makakain na rin sya.
tumango na lang ako bilang sagot at sinama na si Faith.
andito na kami sa kusina. pinaupo ko na si Faith. kukuha na sana ako ng plato ng nagsalita si Faith.
"ate bakit hindi pa nagigising si nanay? bakit sya dun sya sa parang kahon nakahiga. diba dapat tabi kaming matulog? galit ba si nanay kay Faith?"
at bumagsak na naman ang mga luha ko.
napainosente ni Faith. hindi pa nya naiintindihan ang mga nangyayari. basta ang alam lang nya. natutulog lang si nanay. minsan pinapalipat nya si nanay sa kwarto, pag sinabi naming di pwede tsaka sya umiiyak.
ang hirap, ang sakit sakit, ang hirap tanggapin na wala na yung taong laging andyan pag may problema kami. pag pagod kami, isang haplos lang nya wala na. yung naghehele samin, yung katawanan ni tatay, yun partner nya, at ang nanay namin.
hindi ko alam kung hanggang kailan kami magluluksa, pero ang sabi nya ipagpatuloy nya ang buhay namin. dahil lage naman nya kaming babantayan. lagi syang andyan kahit di namin sya nakikita.
lumapit na ko kay Faith. pinunasan ko muna ang luha ko kasi baka magtaka sya kung bakit ako umiiyak.
"Faith, diba aalis si nanay. kailangan nya magpahinga kaya sya natutulog" sorry Faith, hindi ko kayang sabihin sayo na hindi na natin makakasama si nanay.
"e ate ang tagal ng tulog ni nanay. hindi po ba sya nagugutom?hindi din sya naghihilamos at nagtutumbrash(nagtutoothbrush).hindi pa din naliligo.hihihi baho na ni nanay" nakatingi lang sakin si Faith.
bukas na ang libing ni nanay. pinipigilan kong umiyak. ayokong pati si Faith malungkot.
"sige na Faith kain na tayo. ako muna ang katabi mo ha." ngumiti ako kay Faith. at inasikaso na ang kakainin nya.
"ok po ate. ^_^"
---
play nyo yung video sa gilid------->
KINABUKASAN..
nakita ko si Faith sa tabi ni nanay. lumapit ako ng konti sa kanya.
"nanay, gising ka na po. aalis ka pa po ba? wag na lang nanay. dito ka nalang. tapos tabi po tayo matulog, ang tagal mo na pong di tumatabi kay Faith pag tulog e. hindi mo na kinakamot yung likod ko."
naiyak na naman ako. nakatingin lang ako kay Faith at sa nakangiting picture ni nanay.
nanay, paano na si Faith?
"Ate! ayaw naman pong gumising ni nanay. sabihin mo kay tatay gawin yung ginagawa nya dati para gumising si nanay. yung kiss dito." turo ni Faith ang labi nya. napayakap ako kay Faith at di ko na napigilan na umiyak. at biglang may yumakap samin.
BINABASA MO ANG
The Life of Vida Felicity Cruz (ON GOING)
Teen Fictionhindi permanente ang lahat ng bagay sa mundo. ang buhay din natin ay parang story sa wattpad.. kelangan nating ienjoy ang bawat chapter ng buhay natin.. kada chapter may bagong character. at sa ending depende kung happily ever after, o may part 2 pa...