SETH's POV
"Seth tama na yan!"
"Sige inom pa! T*ngin* iniwan na naman nya ko ng walang paalam!"Ayun iniwan na naman ako ni Audrey, akala ko nagbago na sya hindi pa pala.
Isa syang malaking PAASA! P*TANG IN*
"Pare baka naman may dahilan kaya sya nawala ulit, katulad dati?"-Julius
"WALA! ANG SABIHIN *hik* NYO GUSTO NYA TALAGA AKONG UMASA LAGI *hik* SA KANYA! GUSTO NYA *hik* LAGI KO NA LANG SYANG HINAHABOL! ANG TINGIN NYA SAKIN ASO! PUT*NG IN*!"
"kumalma ka, baka yan ang karma mo sa ginawa mo kay Felicity?"-Angelo
Hindi na ko nakapagsalita dahil kung titignan at kung naniniwala kayo sa karma maaaring ito na nga ang karma ko sa pananakit ko kay Felicity para kay Audrey.
"Oh natahimik ka dyan? Nabanggit ko lang si Felicity tumikom na yang bibig mo at di ka na tumutungga ng alak. Mabuti pa sigurong papuntahin ko na lang sya dito para sya mismo ang magsuot sayo sa bote."-Angelo
Kukunin na sana ni Angelo ang cellphone nya para tawagan si Felicity.
"Tarantado wag. Tara uwe na nga tayo."
FELICITY's POV
Halos magdadalawang linggo na din ang nakalipas mula nung naging maayos na yung tungkol samin ni Seth.
Halos magdadalawang linggo na din na napapansin kong matamlay si Seth at di ko din nakikita si Audrey. Ang sabi lang sakin ni Seth, iniwan na naman daw sya ni Audrey. Muntik pa nga na magkagulo si Seth at si Liam nun.
*FLASHBACK*
Palagi na kaming magkasama ni Seth parang sya yung naging bestfriend ko na lalake para din kasi syang si Trinity.
Napagdesisyonan ko na din na samahan sya dahil nakikita ko na wala sya sa sarili simula ng malaman nya na umalis papuntang US si Audrey sa di nya malamang dahilan dahil maging mga kasambahay nila hindi daw alam kung bakit umalis si Audrey.
"Seth? Natutulog ka pa ba? Nakita mo na ba yung mukha mo sa salamin para ka ng zombie. haha"-sabi ko andito kami ngayon sa field wala kasing yung prof. namin kaya napagdesisyonan namin na magpunta muna dito para magpahangin.
"Tingin mo Felicity, babalik pa sya ulit?"
Napatingin ako sa kanya, nakatingin lang sya sa kawalan at kitang kita ko ang lungkot sa mukha nya. Medyo namayat na din sya at tumutubo na din yung balbas nya, hindi naman ganito si Seth dati palaayos sya sa sarili nya ngayon napapabayaan na nya.
"Di ba sabi mo sabi nya sayo na mahal na mahal ka pa din nya? Alam mo kasi Seth may mga pagkakataon na kailangan munang umalis ng mahal natin dahil sa dahilan na sila lang ang nakakaalam. Kaya din sya bumalik dito dahil gusto nya itama ang lahat ng nagawa nya sayo diba? Malay mo kaya sya umalis dahil may kailangan pa syang itama ulit bago sya bumalik sayo. Kaya mo yan lahat Seth, AJA!"
BINABASA MO ANG
The Life of Vida Felicity Cruz (ON GOING)
Teen Fictionhindi permanente ang lahat ng bagay sa mundo. ang buhay din natin ay parang story sa wattpad.. kelangan nating ienjoy ang bawat chapter ng buhay natin.. kada chapter may bagong character. at sa ending depende kung happily ever after, o may part 2 pa...